Habang nagluluto ako ng agahan ay napapasayaw ako sa kantang nasa isip ko. Akalain mong magugustuhan ko ang mga batang 'yon? Hahaha! Akala ko sa mga 'oppa' laang ako matutuwa, pati rin pala sa boy group.
Sinamahan ko na rin ng search yung pakikinig kaya nalaman kong mga bata pa sila at talagang hindi nagkakalayo ang mga edad namin.
Ampo-pogi ho sa totoo laang.
"Dancing while cooking? What's with your morning, Marie? Bineso niya ako.
"Wala lang hehe, natutuwa laang ako at makakapasok na ako."
"Are you sure kaya mo na? Baka naman you're forcing yourself lang, ha?"
"Ayos na ako Madam, tiwala lang." Nginitian niya ako.
Pinaghain ko na siya at nagtimpla naman ako ng kape. Narinig kong pumunta na si Ser sa hapag kainan kaya naglabas pa ako ng sinangag. Habang humihigop ng kape sa kusina ay pumasok na naman sa isip ko yung mga galawan ni Ser Elios, napubuga ako ng iniinom ng wala sa oras.
"What the?"
"Hey Marie? Are you okay?" Silip sa akin no'ng dalawa.
"Wala 'to, hahaha."
Tinignan ako ni Madam na parang natatawa at inirapan naman ako no'ng isa.
Ang lakas din maka good vibes no'n, hahaha! Habang nasa kotse ay kumakanta ako sa isip ko para di ko maramdaman na may abnormal akong kasama.
"Chanchan chanchanan, so what we hot, we young.
Chanchan chajima, so what we hot, we young." Bulong kong kanta."Oneulmankeumeun free, hands up in the air," Rinig kong dugtong ni Ser.
Napatingin ako sa kaniya at napalingon rin siya bigla.
"Are you singing that song?"
"Ikaw nga dinugtungan mo eh,"
"I thought Im singing it on my head?"
"Aba'y ewan ko sayo,"
"Wait a minute, where did you hear that song?"
"Ahh, dyan laang sa kakilala ko haha,"
"Be specific."
"Aba'y oo nga, sa kakilala ko."
"Who?" Naramdaman ko namang nakahinto na kami sa school.
"Si ano hehe, basta alam ko magaling siya sumayaw,"
"Huh?"
Hinawakan ko na yung bukasan ng pinto para handa na akong tumakbo kung sakali mang magwala siya.
"Alam mo yun? Yung mga sayawan niya na matinik? Tapos yung tugtog 'che-che-che-che-chewing gum'?" Nangunot ang noo niya at namula ang mukha.
Dali-dali akong lumabas at di na nag atubuling isara ang pinto, kaya narinig ko pa siyang sumigaw ng:
"Damn you, batangueña!"
Habang tumatakbo at natatawa pa rin ay hindi ko napansin na may tao sa harapan ko, kaya sabay kaming tumumba. Nagkalaglagan pa ang ilang mga gamit namin.
"Ay siya pasensya na, pasensya talaga." Hindi siya sumagot at tumayo na lang.
"King?"
"Yeah,"
"Ikaw pala. Sorry talaga,"
"My headphone,"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.