Chapter 48: Surprise Gift

11 2 0
                                    








Tumingin ako kay Elios at kalmado laang siyang kumakain ng popcorn.

Baka namali kami ng pinasukang sinehan?!

Lumalakas ang tunog na nakakatakot kaya hindi ko alam kung paano ko tatakpan ang tenga ko dahil sa hawak.

"Hoy! Ano ga a're?!" Mahina kong reklamo.

Sumenyas siya ng 'tatlo' at kumain ulit.

Mukhang wala siyang pake at planado niya talaga 'to. Naisahan ako, lintek!

Nasa madilim na parte na ng bahay ang bida at panay ang langitngit ng mga pinto kaya panay rin ang hanap niya. Nang walang makita ay humarap sya at tumambad ang isang mukha.

"Ahhhhhh!" Sabay kong sigaw sa mga kasama namin sa loob.

Hinawakan ko ang bag at popcorn na halos natapon na sa takot. Patayo na ako ng hilahin niya ako pabalik.

"Nagsisimula pa lang," Bulong niya ng hindi inaalis ang tingin sa harapan.

"Oh tapos? Lalabas na ako!" Inis at pabulong kong sabi.

Tinapat niya ang mga daliri sa akin at nagsensyas ng 'apat'.

Bwiset, mamumura ko pa ata 'to.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan, ako naman ay binunton ang lahat ng hawak ko sa binti niya sabay tiklop sa upuan.

Nawala ang tunog kaya sinulyapan ko ang malaking screen, pero agad ding lumitaw ang isang pangit na manika.

"Lalabas na ako, Elios!"

Di na niya ako narinig dahil sa lakas ng tunog sa loob. Dumukdok ako sa braso niya at pumikit ng mariin.

Pana'y ang sigaw nila kaya di ko maiwasang magulat, idagdag mo pa ang tunog na parang pati kaloob-looban ko ay dama 'yon. Ilang minuto laang ang nilipas ng umaga sa palabas kaya gabi na naman ang eksena.

"Manood ka kaya, ang galing ng effects nila oh,"

"Wala akong pake! Bitawan mo na ako at---ahhhh!"

Kahit sa gilid ng mata ko laang nakita 'yon ay napasigaw pa rin ako.

Pusanggalaaaa! Ayoko na dito!

Tinaas ko ang parehong paa sa upuan at tinungo ang ulo.

"Naka dress ka, umayos ka ng upo." Sita niya pero di ako nagpatinag.

Napaiyak na ako ng tahimik habang ang kasama kong a're ay mukhang enjoy na enjoy pa. Pilit niyang binababa ang mga binti ko pero tinabig ko laang ang kamay niya.

"Nasisilipan ka nga kasi," Ramdam ko sa boses nya ang pagpapasensya.

"Pare, ilabas mo na kaya? Mukhang umiiyak na eh," Rinig ko mula sa likuran namin.

Bumuntong hininga siya at tumigil pa ng ilang segundo. Mukhang nagda-dalawang isip pa ang luko.

"Put your legs down, lalabas na tayo." Bulong niya sa akin at sinunod ko naman agad.

Pagkalabas sa sinehan ay marahas kong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko.

"Wait, let me--"

"Gaano ga planado yung parusa mo sa akin at kailangan mo akong takutin ng garne?"

"Im just playing your game," Mahinahon niyang sabi.

"Oh talaga? Determinado ka talagang manalo sa pesteng pustahang 'to? Edi ikaw na panalo! Okay ka na? Pwede nang umuwi? Ako kasi gustong-gusto ko na."

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now