Chapter 44: Party Gone Wrong (2)

13 1 0
                                    






[Wrong grammar and cursing ahead!]





"Liway, ang o.a mo uy." Mahinang sabi sa akin ni Nile habang hinahawakan ako sa braso.

"My gosh, iupo mo na nga 'yan."

Napatingin ako sa babaeng nasa gilid ko na mataray ang tingin sa akin.

"Edi ikaw ang umupo, total mukha ka namang pwet!"

Nakarinig ako ilang tawanan at maging si Nile ay di rin nakapagpigil.

"S-sorry Miss, iuupo ko na 'to."

Marahas niya akong inalis sa harapan nung babae.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nakainom ka ba?"

"Hindi nga eh! Bakit ba ang kulit-kulit niyo?" Inis kong sagot.

Pumikit ako at humalukipkip.


(Cassidy Reign P.O.V)

"Cass, ano bang nangyayari dito?" Bungad sa akin ni Nile.

"Nakainom no'ng tinimpla ng mga ka-club niya."

Umupo ako at tinignan si Liway na mukhang nagsisimula nang makatulog.

"Saan do'n? Diba sa kabila yung mga Beer?"

"Sa huling container katabi ng Beer. Sumobra daw yung ginawa nilang tequilla kaya sinalinan nila yung huling juice para hindi masayang."

"Patay sila kay Elios niyan,"

"Hindi lang sila, pati tayo. Malingat lang tayo sa babaeng 'yan, siguradong kagagalitan tayo ni Elios."

Hindi na kami umalis ni Nile sa tabi niya kahit nagpupumilit syang sumayaw sa gitna.

"Bakit nandito lang kayo? Grabe, ang saya." Sabi ni Angel at iinuman sana yung baso sa tabi ni Liway, pero agad siyang pinigilan ng pinsan niya.

"Wag kang magkakamali, ayokong madagdagan ng stress ngayong gabi."

"Bakit? Anong nangyari dito?" Patungkol niya kay Liway na nakatungo.

"Nakainom."

"Parang hindi naman siya pumunta sa beer station kanina?"

"Hindi nga. Pero dahil sa kapabayaan ng ka-club niya, napainom siya ng wala sa oras."

Pinaliwanag ni Nile ang nangyari at napakamot siya sa noo.

"Paano kung hindi lang siya ang nakainom no'n?"

"Hindi ko rin alam, pero pinatapon ko na kahit marami pang laman."

Tumayo si Liway at automatic akong napatayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko at hinawakan siya sa braso.

"Bitawan mo nga ako, iihi ako." Mataray niyang sabi kahit papakit-pikit.

"Sasamahan kita,"

"No." At umiling pa ang bruha.

"Sasamahan kita. Isa,"

"Dalawa, tatlo, pat, lima, anim, pito, walo, siyaaaaam, sampu!" Tatawa-tawa niyang sabi at naglakad patalikod.

Mawala lang 'yang lasing mo, babatukan kita.

Sumunod kami agad ni Angel dahil may nababangga na siya.

"Umayos ka nga," Suway ko sa kaniya.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now