Chapter 49: Promise

14 2 0
                                    




[Wrong grammar aheads!]





"Di pa rin ako maka move on talaga, di ko inaasahan na may pa ganon si Elios." Sabi sa akin ni Angel habang nakahalumbaba.

"Lalo na ako, kaya pala ginalit muna ako kasi may paandar,"

"Tama na nga 'yan, nung isang araw pa yan eh," Kamot ulong sabi ni Nile habang naglalaro sa selpon.

"Bakit ba ang bitter mo?"

"Hindi ako bitter, Couz. Paulit-ulit ka na lang kasi eh,"

"Ano bang pake mo?"

"Mag boyfriend ka na ng hindi ka gumaganyan,"

"Ayoko pa,"

"Tapos kinikilig ka sa lovelife ng iba? Ang labo niyong mga babae,"

"Natatakot lang 'yan." Sabat ni King pagkatapos magpasa nung kung ano sa office.

"Saan naman?" Mataray na tanong ni Angel kaya natawa siya.

"You dont want to experience pain because you never felt it before,"

"Sino bang hindi takot masaktan?"

"Yung taong handang sumugal,"

Napatingin naman kami sa kaniya dahil mukhang may pinanghuhugutan siya.

"Pare, inlove ka no?"

"Yeah, and I've always been," Napa 'woah' kaming tatlo.

"Bat ngayon mo laang shina-share 'yan? Tatahi-tahimik ka, pumapag-ibig ka rin pala."

"Well, its complicated. I love her but he love someone," Napa 'ouch' naman kami ngayon.

"One sided love?" Nanghihinayang na tanong ni Angel.

"Maybe, but I always seeking for a hope para hindi mauwi sa ganon."

"Bakit di ka na laang mag move-on? Para naman makahanap ka ng iba."

"I can't,"

"Bakit?"

"Dahil mukhang magkakaroon na ako ng pag-asa ngayon," Sumilay ang maliit niyang ngiti.

"Ayieeh, balitaan mo kami pag kayo na ha? Ipakilala mo na rin sa amin!" Natawa siya sa sinabi ko.

"We'll see,"

Pumasok na ang huling teacher namin bago mag lunch.

"We will have a quiz, review in 10 minutes."

Napamaang naman ako sa sinabi ng teacher namin.

Di man laang muna bumati, pa quiz agad eh.

Umalis siya sandali at nilabas naman namin ang mga notebook namin.

Ganado naman akong nagsagot ng makita ang mga tanong sa white board dahil pamilyar lahat sa akin yun.

"Aba, one mistake lang ah?" Puri ni Nile sa akin.

"Aba'y syempre, medyo madali nga laang eh."

"Madali? Kalahati nga ng quiz enumeration?"

"Wag mong pansinin 'yan, mahina talaga siya sa gano'n," Segunda ni Angel sa akin.

"Pero pag number ng babae, nasasaulo mo," Dagdag pa niya.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now