Maaga akong umalis sa bahay. Sa sobrang aga,
naunahan ko pang pumasok yung guard sa school. Kaya narine ako sa convenience store at umiinom ng kape.Muntik pa akong mapaalis kanina dahil sa lalaki na pasimpleng humimas sa binti ko. Maige na laang at naagapan ako ng crew bago ko isampal sa mukha niya ang sandwich na hawak ko. May witness naman kaya siya ang pinalabas at hindi ako.
Nakadalawang kape na ako at parang napakabagal pa rin ng oras kaya lumabas ako at naglakad-lakad. Kakaunti pa laang ang taong gising at panay nagjo-jogging ang nakakasalubong ko.
Dapat pala nagdala ako ng pamalit, baka makapatid ako ng gwapo dine.
Mukhang nadinig ng langit ang hiling ko dahil may matangkad, gwapo, at mukhhang mayaman na natalapid malapit sa akin. Padabog niyang binulsa ang selpon at nagpagpag ng sarili.
"Ayos ka lang?" Tinignan niya laang ako at tumuloy sa paglalakad.
Sumabit ang paa niya sa headset na nasa bulsa niya kaya natumba ulit siya.
"Damn!" Inis niyang sigaw kaya di ko napigilang tumawa.
Lumapit ako at sinubukan siyang itayo pero tinabig niya ang kamay ko.
"Hindi ko kailangan ng tulong,"
"Pero kailangan mo yata ng nutrisyon,"
"I dont care about your opinion,"
Nagkibit balikat laang ako at lumayo sa kaniya. Pinagmasdan ko siya ng pagpagan niya ang tuhod at palad.
"Quit staring and leave," Lumapit ako para ayusin sana ang headaset niya ng kunin niya ang kamay ko.
"What do you think you're doing?"
Humigpit ang hawak niya at masama ang tingin na lumapit sa akin.
"Yung headset mo, paki ayos kung ayaw mong mapagkamalang lampa,"
Tumingin siya sa bulsa at inayos ang headset.
"Pwede mo namang sabihin sa akin, nag effort ka pang lumapit. You obviously like me," Napamaang ako sa sinabi niya.
"Hoy, alam kong may itsura ka pero sumobra naman yata 'yang bilib mo sa sarili mo? Bitaw nga, madala pa ako ng kahanginan mo," Binitawan niya ako at ngumisi.
"Why do I have this feeling that you're have a boyfriend kaya hindi ka na-attract sa akin?" Napairap ako.
"Tama ka, at mas gwapo pa siya sayo,"
"Really? Is he the guy that wants me to kill by his stare right now?" Kunot noo akong lumingon sa likod.
Nakita ko si Elios na may hawak na selpon at kaliligo laang. Tinaasan niya ng kilay ang lalaking nasa likod ko at matalas na tumingin.
"He's a good looking guy, but Im still attractive," Humarap ako.
"Attractive? Eh ang lampa mo nga. Sige, lakad na," Ngumisi ulit siya at tinanaw si Elios.
"Your girlfriend likes me!"
Nagulat ako sa sinigaw niya kaya dali-dali kong hinubad ang sapatos na suot ko at akmang ibabato sa kaniya.
"Dont you dare, or I will kiss you in front of him," Tinignan ko siya ng masama.
Papahamak pa ako ng lintek na GGSS na a're.
"Lumayas ka na nga, bwisit ka! Bulutungin ka sana!" Tatawa-tawa siyang tumakbo paalis.
Naramdaman ang paglapit ni Elios kaya hinarap ko siya.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.