"Sige, ingat kayo. Salamat,"
Nagtanguan na laang sila dahil pare-parehas kaming literal na hindi natulog.
Buong magdamag ga naman kaming nanood ng kung ano-ano, nagkwentuhan at kumain pa ng chichirya na nauwi sa truth or dare. Nalaman na laang naming magu-umaga na ng tumunog ang alarm ko.
Papikit-pikit akong pumunta sa Maids Quarter at nakasalubong ko pa ang ilang kasamahan ko na kagigising lang.
"Grabe, muntik na kitang mapagkamalang zombie sa itsura mo," Sabi sa akin ni Susan.
"Tulog muna ako saglit, ha?" Tumawa siya at tumango.
Di na ako nag atubiling buksan ang ilaw at pabagsak akong humiga sa kama ko.
"Aray!" Reklamo ko ng tumama ako sa bulto ng isang katawan.
Pigil na pigil ko ang sariling magmura dahil tumama ang dibdib ko.
Di na nga kalakihan, mukhang aatras pa!
Inis kong binuksan ang ilaw at tinignan siya ng masama.
"You supposed to open your light, tsk."
"Gano'n? Eh sinong abnormal ang hihiga sa higaan ng may higaan?" Nangunot ang noo niya.
"You call me what?"
"Hindi uso ang ulit sa akin, balakadyan," Umikot ako at humiga sa kama ko.
"Why are you like that?"
"Puyat, nag overnight."
"Yeah, and you didn't bother to tell me," Umupo ako at nakataas kilay siyang tinignan.
"Baka kasi hindi mo sinasagot ang tawag ko?"
"You can send me a text message," Napailing ako.
"Ewan ko sayo," Muli akong nahiga at nagtaklob ng kumot.
Halos dalawang araw na ngang di nagparamdam, mang-aaway agad pagdating? Kagaleng!
Hinintay ko ang paglabas niya pero tanging ang pagbuntong hininga niya laang ang narinig ko. Tinaas niya ang kumot ko at nagpumilit na pumasok sa loob.
"Di tayo kasya,"
"I know. Just sleep,"
"Paano ako makakatulog kung--" Nilapat niya ang hintuturo sa bibig ko.
"Let's talk later, sleep." Lumayo ako ng tingin at pumikit.
Mabilis akong dinalaw ng antok at nagising akong nakadantay ang braso ko sa kaniya. Nakababa na rin ang kumot kaya napansin kong mataas na ang araw. Umupo ako at nag unat ng braso.
"How's your sleep?" Napalingon ako sa kaniya.
Umupo rin siya at base sa boses niya ay kagigising niya laang din.
"Ayos lang," Mahina kong sagot.
"Are you still mad?"
"Wala, di ko rin naman pansin na DALAWANG araw ka pa lang hindi tumawag," Bumuntong hininga siya at hinarap ako.
"Im sorry. It was really in my plan to surprise you last night, but you're not here,"
"Akala ko nga nag apply ka na bilang nurse ni Astrid eh." Bahagya siyang natawa.
"I'd rather be your slave than to be her nurse," Lumayo ako ng tingin.
"Pwede na,"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Fiksi RemajaBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.