"Aba ate! Diyan ka na laang tumira sa banig, wag ka nang tumayo,"
Inis akong bumangon dahil sa bunganga ni Junior.
"A're na nga!"
"Tay oh, nagagalit pa't ginising ko daw siya," Mula sa kwarto ay binato ko siya ng unan.
"Papansin ka,"
"Tumayo ka na diyan Liwayway at pumunta ka kina Len-len mamaya,"
Nag unat pa ako tyaka dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
Apat araw na ang lumipas ng ihatid ako ni Dal sa bahay, kaya halos dalawang araw akong laman ng chismis dahil sa kaniya.
Bahagya ko pang nakumbinsi ang Itay na magkaibigan laang kami, kaso a'reng isa hindi marunong makiramdam.
"Pinsan po ako ng boyfriend niya,"
Mata'y kong hablutin ang pandesal sa harap ko at isalpak sa bibig niya.
"Boypren? Aba Liwayway, kaya ba hindi ka makatawag at mag-aasawa ka na?" Palihim akong napairap.
"Ka O.A niyo ga? Kung mag-aasawa na ako, edi sana siya ang kasama ko't hindi a're,"
"Malay ko gang baka ikaw pala'y nangangaliwa," Natawa si Dal at sumimangot ako.
"Grabe ka sa akin 'Tay, wag kayong maghahanap ng apo sa akin pagdating ng araw ha?" Habang dala ang kape ay nagwalk out ako.
Gusto pa sanang manatili ni Dal kaso wala daw siyang dala bukod sa kotse, credit card at selpon.
"I'll be back the day before the wedding, gusto mo bang isama ko na siya?"
Sandali akong tumahimik at bumuntong hininga.
"Kung hindi pa siya busy, sige isama mo. Kung hinahanap na niya ako, ikaw bahala kung sasabihin mo,"
"Well, kapag nadaan niya ako sa maayos niyang reason, baka ihatid ko pa siya," Natawa ako at pinagpaalam na rin siya sa Itay.
Matapos kong mag almusal at maglinis ng bahay ay pumunta na ako kina Len. Medyo may kalayuan ang bahay nila sa amin kaya kailangan kong mag trycicle.
Dadayo ako ng tanghalian, hehe.
Malayo pa laang ay kita ko na ang pagsisimula ng paggawa ng magiging sayawan at reception area. Medyo yayamanin ang nasungkit ni Len kaya sigurado akong maganda ang magiging kasal niya.
"Kainit ho ng pagwawalis niyo ah?" Bati ko kay Tita Ana na may hawak na tambo.
"Aba Liway! Narine ka na pala?" Pinapasok niya ako sa terrace.
"Kailan ka pa umuwi?"
"Noong sabado ho, biglaan kaya di na rin ako nakapagsabi kay Len,"
"Maige't nakauwi ka, ano? Kinakamusta kita sa Itay mo, madalang ka laang daw tumawag,"
"Medyo busy ho, nag-aaral na rin ho ulit ako eh,"
"Ay talaga? Maganda 'yan, tyaka mo na pangarapin mag asawa kapag nagtapos ka na," Tumango ako habang natatawa.
"Ay siya tawagin ko muna si Ineng, nasa kabilang bahay eh,"
"Ay nakiki-chismis na naman ho yata eh,"
"Ano pa nga ga?" Natawa kami at iniwanan niya ako ng maiinom habang naghihintay.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.