"Good afternoon everyone! Let's welcome our new members with a big warm round of applause," Nahihiya kaming ngumiti at tumango sa kanila.
Pabebe time.
"Make a circle and sit, introduce yourselves while Im away," Utos ni Ser kaya naman kanya-kanya kaming puwesto sa bilog.
"Sisimulan ko na. Ako si Jonathan Wilson, Jon for short. Vice President ng Theater Club," Ahhh, siya yung nakasalamin.
"Kyler Orsino. Vice President ng Music and Arts Club," Sabi naman nung medyo payat na matangkad, halatang music lover.
Dahil dalawa ang club, dalawa din ang Officers kaya masasabing marami talaga kami. Ang mga bagong pasok naman ang huling nagpakilala.
"Ahm, M-Maria Liwayway Abante, Grade 11."
"Of course we know you haha, actually lahat ng estudyante dito," Kamot ulo akong tumango.
"Halata nga, hehe," Napatingin ako kay Rizza at pa simple niya akong inirapan.
Oo, narine ang isang a're, noong isang taon pa daw siya parte ng Theater and Arts club.
"Since tapos na tayo lahat, may we have a little interview to the newbies?" Tumango kami. Wala naman siguro silang itatanong na personal.
"Liway, how you met Pres? I mean, hindi ka nag Junior High dito diba?"
Wow, hindi inaasahan para sa unang tanong.
"Oo nga, nakikita ko rin na minsan kang sumasakay sa sasakyan nila,"
"Pinapahatid ka pa rin niya?"
"Diba sabi fake lang daw kayo?"
Hindi naman ako nasabihan na ako laang ang tatanungin.
Wala akong nagawa kundi ngumiwi sa kanila.
"You just asking your personal questions, that's not an interview," Napaayos kami lahat ng upo nang marinig namin siya.
"Guide the newbies, dont make them feel awkward,"
"Yes Pres,"
"Our presentation for the Club Week is Musical Theatre. Im hoping for your cooperation because this will be really tough for all of us."
"President holds two Clubs, pero hindi pa niya yun napagsasama,"
"Last year, hiwalay ang presentation namin at gladly, naging matagumpay parehas. This is the first time that we will work together as a team kaya cooperation, obedience at honesty ang kailangan para maging matagumpay." Paliwanag ng dalawa.
"Why honesty? Well, as I've said, this will not be easy. Dont hesitate to tell me if you want to quit so we can replace you immediately. Secretaries, distribute this. Group yourselves according to the color of your papers. Kyler and Jon, explain what's the content."
Inabutan kami ng medyo may kakapalan na papel at may tatlong kulay ang bawat isa na puti, sky blue at light pink. Nag grupo kami at agad na umayos para pakinggan ang paliwanag.
"For the white color papers, kayo ang mangunguna sa ating Musical Theatre. You already know your positions dahil na evaluate na kayo, nadagdag na rin namin ang mga bago diyan. You will also dance because its part of the play. Rizza, Jude, Milly and Ken will be our lead characters." Nagpalakpakan kami ng tumayo sila saglit at nagbow.
"For the light pink color papers, you will be the singing voice. You'll sing, they'll dance. Nasa hawak niyong papel ang mga lyrics at go signal kung kailan dapat kayo kumanta. You wil be placed on backstage, I hope its fine with you guys."
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.