Tinalbog ko na ang bola at tinakbo. Aba'y kahit papaano naman marunong ako dahil sa mga pinsan kong lalaki, lagi nga laang akong umiiyak pag natalo. May kawawa ga namang nakatawa pa?
Dahil one on one match lang ay sa isang side lang kami ng court. Papakainin ko sila ng bola pag whole court ang ginawa sa amin. Ilang dribble pa laang ang ginagawa ko ay tinapik niya ito, tinakbo para i-lay up at...
*Ball Shoot*
"Yes!"
Pagka-shoot niya ng bola ay binigay niya ulit sa akin yun na parang walang nangyari. Tuwing itatakbo ko ang bola ay bigla na laang siyang haharang at aagawin ang bola ng sobrang bilis kaya naiiwan akong nakanganga.
*Prrrrrrrt!*
"Time Out!"
Pagpunta ko sa mga kaklase ko ay si Clarisse lang ang nag-abot sa akin ng tubig.
"Salamat,"
"He already have 20 points, kaya mo pa ba?"
"Kaya pa, di ko isusuko yung isang point."
Habang umiinom ay may nag-abot sa akin ng towel. Yung kaklase kong bingi--este laging may saksak sa tenga, nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Tap. Left. Right. Run. Shoot. He's doing only one strategy."
*Prrrrrrrrrt!*
Bumalik na kami at inisip ko naman ang sinabi niya. Nakailang shoot pa siya sa ring ng mas maintindihan ko yung tinutukoy ng kaklase ko. Magkaharap kami at parehas na kaming hinihingal.
Nasa kanya ang bola, nakapwesto siya para tumakbo na naman at mag shoot. Pumwesto na rin ako at naghanda sa gagawin ko.
Bago pa siya makakilos ay ginaya ko yung strategy niya. Binilisan ko ang kilos ko at ng maramdaman ko na malapit na siya ay nag shoot ako kahit di ko alam kung papasok ba o hindi.
*Prrrrrrrrt!*
"Three points!"
Nanlaki ang mata ko at tinignan kung nasaan ako. Nagtatalon naman ako dahil sa three points na dapat ay one point lang talaga.
Nagtakbuhan ang mga kaklase ko at akala mo'y parang close kami ng pinagtutulak at ginulo nila ang buhok ko.
"You did it, Liway!"
"Ayos ka rin pala eh,"
"Akalain mong makaka shoot ka?" Nilapitan ko si kuya na nag advice sa akin.
"Salamat. Nag tagal nga laang bago ko maintindihan."
Tinanguan nya laang ako at ngumit ng konti. Bago lumabas sina Dal ay nginitian niya pa ako ng malaki, nakita ko naman na umirap si Rizza. Siya naman ang may gusto nare eh.
Nang makaalis na sila ay nagsimula nang mag salita si Clarisse tungkol sa gagawin namin at sinabi na sa lahat kung sino ang gagampanan namin.
"Here's the characters. Don't complain kung ano ang mapupunta sa inyo para mas mabilis na nating ma-practice. Ako bilang si Athena, Si Liway si Hera, Si King si Zeus, Si Joshua si Poseidon blaaaah blaaah.."
Matapos ipaliwanag ay hinayaan muna naming gumawa si Clarisse ng script. Habang naghihintay ay kinalikot ko muna ang selpon na binigay ni Ser Elios, na galing pala kay Madam.
"Liway!"
Napatingin ako sa tumawag at nakita kong nagtitinakbo ang magpinsan papunta sa akin.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.