[Wrong grammar and curses aheads!]
(Nile Sean P.O.V)
"Ano ba 'yan?! Bakit ang bilis nating umalis do'n?" Reklamo ko sa mga kaibigan ko.
"Sus! Mas maraming chicks dito!" Sigaw niya sabay hingi ng inumin sa bartender.
"Kung hindi tayo umalis do'n, tutunawin mo lang sa tingin yung drummer ng banda na 'yon."
"Ang cheap mo pare, halata namang tomboy yun, haha!" Asar nila sa akin pero inismid ko lang sila.
Humarap ako sa mga sumasayaw at may nahagip ang mata ko na pamilyar na mukha.
Liway?
Patayo na ako ng harangan ako ng kaibigan ko at hinila ako papuntang gitna.
"Let's party dude!"
Pinilit kong sundan siya ng tingin kahit maduling ako sa dami ng tao sa gitna.
Hindi ko mapamilyaran ang mga kasama niya maliban kay...
"Astrid?"
Inalis ko ang kamay ng kaibigan ko sa leeg ko at sinundan sila pataas sa second floor.
"Hindi ka pwede dito bata," Harang sa akin ng bouncer.
Wala akong magawa kung hindi bumalik sa upuan. Hindi maganda ang kutob ko, kasama ba niya si Elios?
Hindi ko inalis ang tingin ko sa second floor hangga't hindi ko nakikitang lumabas si Liway.
"Ano na, pre? Ano bang meron sa second floor at hindi na nawala ang paningin mo?"
"Kilala ko yung pumasok don kanina," Sagot ko at uminom.
Binilinan ko pa ang katabi ko na tumingin rin sa taas dahil kailangan kong pumunta ng banyo. Halos batukan ko naman siya ng maabutan kong nakikipag landian siya sa babae.
"Hoy, ano? May lumabas ba?" Ngumiwi siya sa akin.
"Sorry, lumapit eh,"
Napapikit ako at nilibot ang dance floor, umaasang makikita ko si Liway. Bigo akong bumalik at napainom sa inis.
"Nice, jackpot ka ngayon,"
Sinundan ko ng tingin yung sinasabi ng katabi ko at agad akong napatayo ng makita kung sino 'yon.
"Liway!" Sigaw ko pero tanging mga katabi ko lang ang nakarinig sa akin.
Katulad noong una, hinarangan ako ng bouncer ng subukan kong umakyat ulit.
"Boss, kilala ko 'yong kasama no'ng dalawang lalaki, kailangan ko lang kausapin--"
"Kailangan mong magpakita ng pass para makaakyat ka,"
"Mabilis lang ako, kahit samahan niyo pa ako. Sige na, paakyatin niyo lang ako,"
"Hindi 'yan pwede bata, umalis ka na lang,"
"Pare, Ano ba yan? Tara na,"
"Sorry Boss, kami na bahala dito,"
Hinila ako ng mga kaibigan ko palayo.
"Ano ba 'yon?"
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Cass pero nagri-ring lang 'yon, ganoon din kay Angel kaya napamura na ako.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.