Chapter 31: Deal

17 2 0
                                    



[Wrong grammars ahead hehez]





Nagtitiklop ako ng mga damit nang dali-daling pumunta sa akin ang kasamahan ko.

"Liway, andyan si Sir Dal hinahanap ka. Lagot ka."

"Makikipag date sa akin yun,"

"Kapal ng mukha hmp!" Natawa kami at magkasabay na lumabas sa Maids Quarter.

Sa garden na ako tumuloy at naroon daw siya, nakita ko namang nagtitingin-tingin siya sa mga bulaklak.

"Uy Dal,"

Ngumiti siya sa akin ng malaki, katulad ng dati sa tuwing nagkikita kami.

"Hey, come on let sit."

Pagkaupo namin ay inabot nya sa akin ang tatlong daisy na nakuha niya sa garden.

"P-Para saan?" Namumula kong tanong.

Ihhhhhh. Pers taym kong makatanggap ng bulaklak.

"Sorry pa rin, haha. Tommorow is my birthday."

"Ha? Eh sabi mo aalis ka? Aba'y di babalik ka rin pagkatapos?"

"Sadly, No. I'll be gone in a couple of months."

"K-Kailan ka babalik?"

"Hindi ko alam, but I know for sure nandito ako before graduation."

Napatungo ako sa sinabi niya at pinaglaruan ang bulaklak. Matagal-tagal rin pala syang mawawala.

"Ano gang rason? Maga-asawa ka na?" Pilit kong nililinaw ang boses ko kahit naiiyak na ako.

Napansin kong natahimik siya kaya naman unti-unti ko siyang tinignan. Namumula ang luko at tumawa ng malakas.

"The heck, HAHAHAHA! Bakit yun agad pumasok sa isip mo? HAHAHAHA!" Tinignan ko na laang siya ng masama.

"Malay ko ga. Baka kasi kailangan mo nang magpakasal ng maaga, para mamana mo na yung kompanya niyo kung sakali man."

"Well, you got it right. Except to the part na magpapakasal ako tsk, haha." Pinahinahon niya muna ang sarili.

"My grandfather wants me to take the company na dating nasa kamay ni Dad, pero hindi nya kinaya ang pressure kaya binitawan niya. He's not really into business, katulad siya ni Kuya na mahal na mahal ang basketball."

"Kaya walang hahawak bukod sayo?"

"Yeah, gift na rin kay lolo para sa mga hardworks niya sa company." Ngumiti ako dahil ramdam ko ang sinseridad niya.

"I really can't bare not to inform you. Feeling ko hindi ako mapapakali kapag umalis ako ng hindi nagpapaliwanag. And its even more funny na hindi naman tayo palaging magkasama, pero may nararamdaman akong ganito."

"Kikiligin na ga ako?" Natawa naman kami parehas.

Nag kwentuhan pa kami tungkol sa ibang bagay, lalo na sa pansamantalang pagpapasa niya ng tungkulin bilang SSG President. Makalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na akong magpaalam sa kaniya.

"Ay siya, ano? Babalik ka naman diba? Hihintayin ka namin."

"Yeah, I promise. Babalik ako, babalik ako sayo, yieeh hahaha."

"Baliw, haha. Happy birthday nga pala,"

"Thank you" Sabi niya ng nakangiti pero may halong lungkot.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now