"Happy Birthday and thank you for another month of Love, Jagiya."
"Eh?"
Nakita ko sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang reaksyon ko.
"You're clueless on what we're celebrating today?"
"Ano pa nga bang aasahan mo diyan?"
"Nakakasira talaga ng moment."
"Baka naman na carried away sa ganda niya ngayon?"
"I-confine na lang ulit natin?"
Napalingon ako sa biglaang pagsasalita ng mga tao sa paligid namin, na hindi ko alam na meron pala.
Nagliwanag bigla ang buong paligid, puno ang sahig ng iba't-ibang kulay ng lobo at rose petals. Nagbigay liwanag sa bahay ang iba't ibang makikinang na ilaw na may iba-ibang laki.
At ngayon ay kitang-kita ko na ang mga kaibigan ko na paniguradong pumuna sa akin kanina. Narine din sina King at Astrid, Tatay, Junior, Dal, si Madam at... Doctor Mike na magkatabi?
Hmmm, I smell samting pisyi.
Bumalik naman ang tingin ko sa jowa kong naghihintay ng sagot ko.
"Ano kasi hehe, nasobrahan ata ako sa gamot?" Natawa siya at umiling.
"What do I expect from you, tsk."
Hinawakan niya ako sa pisngi at hinalikan sa noo. Tinignan ko siya ng mataimtim pagkatapos no'n.
"What?" Nakakunot noo niyang tanong.
"Tapusin mo na yung surprise para makakain na tayo." Naguluhan siya sa sinabi ko.
Pigil ngiti kong pinikit ang mata ko at nag-abang.
"D-Do you want me to kiss you?" Bulong niya.
Napamulat ako sa sinabi niya at napapahiyang umiba ng tingin.
Obvious ga?!
"Sorry to disappoint you but.. you're father is here and I--" Tinaas ko ang kamay ko para patigilin siya.
Mabilis kong hinawakan ang pisngi niya at magaan siyang binigyan ng halik.
Salamat sa heels na suot ko, hindi ako nahirapang abutin ang tangkad niya. Nakarinig ako ng palakpakan at hiyawan.
"Ang tapang ng ate mo."
"Pustahan, iuuwi na agad yan ni Tito sa Batangas."
Alam kong nagulat siya dahil sa paghawak niya sa bewang ko pero hindi ko iyon pinansin. Bumitaw ako at ngumisi.
"Hina mo naman," Namula siya at pigil ang ngiting tumungo.
Hinawakan ko siya sa kamay at pumunta sa kanila para simulan na ang party. Habang masayang kumakain ay lumapit sa akin si Astrid at binati ako.
"I also want to apologize. Sorry for everything Liway, I know I've been such a bitch."
Ngumiti ako at hinawakan siya sa braso.
"Ayos na, nasabi na naman nila lahat sa akin eh. Tyaka, birthday ko ngay-on kaya friends na tayo." Natawa siya at niyakap ako.
Tumingin siya kay Elios at tumungo para magpaalam.
"Bati na kayo?"
"Kinda?"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.