Chapter 29: T-shirt

25 3 0
                                    







Naalimpungatan ako sa pamilyar na amoy kaya kumapa kapa ako para mayakap ulit yun.

"Careful, you might touch the wrong part."

Agad akong napamulat, automatic ko namang nahawakan ulo ko dahil sa sakit.

"Tss, drink this."

Napatingin ako kay Ser na nakaupo sa tabi ko, sa mismong kama. Nanlaki ang mata ko at agad na tinakluban ang sarili ko ng kumot.

"B-Bakit ka narine? A-Anong ginawa mo sa akin?!"

Tumitig siya sa akin na parang yun ang pinaka imposibleng salita na binitawan ko. Tumingin ako sa paligid. Nasa parehas na kwarto pa rin naman ako, eh bakit narine ang isang a're?!

"They decided to stroll,"

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko!"

"What the? You're shouting at me?"

"Eh kasi ikaw! May ginawa ka ba sa aking ikakasumpa ko habang buhay?" Bumuntong hininga siya at humawak sa sentido.

"I didn't do anything to you, for pete sake! Stop imagining wild things, psh."

Unti-unti ko namang binaba ang kumot pero naibalik ko rin ng makita ang t-shirt niya kahapon na nasa tabi ko.

"T-shirt mo 'to kahapon ah? Bakit nandine sa kama ko?! Sabi ko na eh, sabi---" Pinasakan niya ako ng tinapay sa bibig.

"Asdfghklzxvcvnm!"

"Swallow that first and stop shouting at me. I will lock you here if you said something stupid again."

Nakasimangot kong inubos ang tinapay. Inabutan niya ako ng tubig na may honey para daw maalis ang hangover.

Yan ang napapala ng manginginom, lagot ka pag nalaman iyan ng Itay mo.

Nang maubos ko ay tumahimik ako. Ayokong ma-lock dine, uuwi pa kami mamaya.

"I can answer questions, but I dont take crazy ones."

"Hindi naman kabaliwan ang tinatanong ko!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Oo na. Eh bakit kasi narine ang t-shirt mo sa kama ko? Ano 'to? Binigay mo habang natutulog ako?"

"Tss, you wish for it."

"A-ako? Paanong--"

"You dont want me to go and asking me to stay just to sniff my shirt."

"T-Tapos?"

"I can't stop you last night and I have no choice but to do the right thing. Want to know what is it?" Asar niya at unti-unting lumapit.

Pumikit ako ng pagkadiin-diin ng bahagya akong mapahiga sa kama ko.

"I take off my shirt just to satisfy your addiction." Pabulong niyang sabi.

Eh?! Hiniling ko talaga 'yon?

"Im not aware that you love my scent," Sabi niya ng nakangisi habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at kinuha ang t-shirt.

"Do you want to keep this?"

Agad akong namula kaya binato ko siya ng unan, pero agad ding naka iwas at naglakad palabas ng kwarto.

"Get ready for lunch, Miss Shirt addict"

Natawa naman siya ng mahina bago isara ang pinto. Hindi ko pinansin ang sinabi nya at tumawa rin tyaka pumunta sa banyo.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now