Sabado ngayon at napagkasunduan ng mga kaklase kong magkaroon ng simpleng salo-salo mamaya para daw mag-celebrate sa natapos naming roleplay. Kaya heto ako ngayon at tinapos ang lahat ng gawaing bahay para magpaalam kay Madam.
Kumatok ako sa pinto niya at pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang hilerang papel sa lamesa niya.
"Mukhang busy ka ah? Hehe,"
"Yeah, sort of. Im so stress na nga eh, is there anything you need?"
"Ay, magpapaalam laang sana ako para mamaya sa simpleng celebration namin. Masyadong natuwa ang mga kaklase ko kahapon eh,"
"Hmmmm. You need to go with someone I know para sure na makakauwi ka ng safe."
"Ahmm, si Nile? Oo yun, di ga kilala mo 'yon?"
"Nope, I didn't know him 'that' much,"
"Si Cass,"
"A boy, Marie."
"Si Dal?"
"Much better!"
"Ay hala? Joke laang 'yon, baka busy siya."
"Then I contact him for you. Mas panatag ako if sya ang kasama mo."
"Di ga nakakahiya?"
"Just trust me okay? For now, magpahinga ka muna para may energy ka mamaya, hihi."
Pag baba ko sa sala ay nakita ko si Ser Elios na nagbabasa ng makapal na libro na may title na 'Mythology'.
Ay naku, sinusumpa ko na 'yang alamat ng mga Dyos na 'yan. Dumiretso naman ako sa kusina para magluto ng pananghalian.
•Fast Forward•
Nasa harap ako ng salamin at sinusuklay ang pagkahaba haba kong buhok na hanggang balikat. Di ko alam kung mag-aayos ako o ano, aba'y bakit naman kasi si Dal pa ang kasama ko?
Di naman sa nagrereklamo ako, kahiya-hiya naman kasi ang itsura ko kumpara sa mala prinsipe niyang mukha. Baka nga pag nagbihis ako ng pang yaya kasama niya, walang magtataka. Huminga ako ng malalim nang isarado ko ang pinto paglabas ko.
Ano ga naman 'yan, Liway? Feeling mo naman makikipag date ka kung makaarte.
"Kabado ba?"
Napalingon ako sa nagsalita at.. at.. at.. ang lapit ng mukha niya! Agad siyang lumayo.
"Woah. Sorry, sorry, haha."
"B-Bakit ka narine?"
"I'll go with you tonight, remember?"
"Oo nga, hehe. Ang ibig kong sabihin ay pumunta ka pa dine sa kwarto, sana'y hinintay mo na laang ako sa kotse."
"Ayos lang ano ka ba,"
Una nya akong pinapasok sa kotse at napasigaw ako sa gulat.
"Ay pusakal!"
"The heck is that?" Bakit narine ang isang a're?
Tinignan ko si Dal na patawa-tawa.
"He said that he's bored kaya pinasama ko na,"
"Aba'y di sana pinatakbo mo na laang siya kesa sumabay sa atin dito sa sasakyan, paniguradong mawawala pagka bored niyan."
"Wow, Is that a joke? Thanks for pulling it."
"Do'n na laang ako sa tabi ng driver, ha? Pwede naman siguro yon." Di na rin naman nakasagot si Dal dahil tuloy tuloy na ako.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.