Selene's POV:
Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Nag unat mona ako ng katawan bago bumangon at pinagbuksan ko iyon ng pinto.
Pagkabukas ko ay bigla na lang ako nagulat dahil nakapormang si Kaizer ang nakatayo doon.
"Hi,Good Morning Selene, aalis muna ako dahil kailangan ako ngayon sa Office." agad na sabi nito sa akin.
"Good morning din, ay ganun? May sasabihin sana ako sayo." sabi ko naman.
"Ahhh..Ok ganito na lang? Pagmatapos ko yung gawain ko sa Office uuwi ako agad. Atsaka tayo mag usap. By the way, may dadating na katulong dito mamaya papasukin mo ok? Bye" tumango namn ako at bumalik sa kama at umupo.
Habang ginagawa ko ang morning ritwal ko ay sumasagi talaga sa isip ko yung favor ni Kaizer. Haysst utak mag isip ka nga ng maganda wag na lang puro Kaizer.
Bumaba ako para kumain, magluluto sana ako pero may nakita akong lutong pagkain sa lamesa kaya binasa ko yung note.
Hi, Good Morning please eat this food. Don't skip your meal. I'll be back later.
Kaizer😊
Bigla namn ako napangiti? As in ngiti naku!! Selene? Nakalimutan mona na pinakidnap ka nya tapos ngingiti ka ha?" ang sabi namn ng utak ko.
Haysst bigla namn ako umayos at kinain ko yun syempre gutom na mga alaga ko sa tiyan kaya papakainin ko na sila.
Sa unang tikim ko pa lang ang sarap nung niluto nya as in paborito ko yung adobong manok. My ghosh! Uubusin ko na lang to Promise! Bahala si Kaizer na magluto ulit.
Habang kumakain ako ay may biglang nagdoorbell kaya tumayo ako baka yung sinasabing katulong iyon ni Kaizer.
Pagkabukas ko ay may apat na babae na nakatayo sa pintuan at kasama ang isang guard na nagbabantay sa labas.
"Good Morning po Ma'am, sila po yung katulong na sinasabi ni Sir Kaizer." tumango lang ako.
"Pasok po kayo manang." agad kong sabi.
"Ma'am, ako po pala c Alex guard po ako dyan sa labas." ngumiti namn ako at tumango
" Ako nga po pala si Selene, pasok po kayo." binuksan ko namn ng malaki ang pinto kaya nakapasok yung apat na katulong.
Hmmm..manang punta na po kayo doon sa magiging Room nyo andyan lang po sya." tinuro ko ang kwarto na malapit sa kusina.
Ahh..cge po ma'am punta po muna kami doon para makaligpit na din kami ng gamit namin." nakangiti sabi ng isang katulong.
" Sorry po ma'am hindi po kami nagpakilala sa iyo."ang sabi nila sa akin.
"Ako nga po pala si Elma."ang sabi ng matanda.
"Ako nga po pala si Janet." ang sabi namn ng medyo may katangkaran.
"Ako namn po si Eva." ang sabi namn ng isa.
"Ako namn po si Carol." at nung nagpakilala na silang lahat sa akin ay pinapunta ko na sila sa Maids Room at itinuloy ko na yung naputol kong kain kanina hehehe. Gutom ang ate nyo eh..kaya kakain muna ako.Habang kumakain ako ay wala kong pakialam sa paligid dahil ako lang namn ang mag isa sa kusina dahil sila ni manang ay nasa kwarto nila. Pero may biglang nagsalita sa likod ko pero hindi ko iyon pinansin.
"Hi, nandito na ba sila ni Manang?" ang sabi ng tinig sa akin pero hindi ko iyon pinansin kain lang ako ng kain bakit ba? Gusto ko eh.
Atsaka wala namn si Kaizer dito eh.. Wait?? May narinig akong lalaking tinig?Teka lang?? Wag mong sabihin?
"Waaahhhh!!! Waaahhhh!!! May multo manang..." agad kung sigaw.
"Hoy hoy hoy!! Asan ang multo Selene?" pagpapanic din nya."
Nung nakita ko yung mukha ng kasama ko ay napatayo ako ng tuwid dahil si Kaizer iyon.
"Naku Ma'am asan po yung multo?" agad din na sabi ng 3 katulong dahil nakita ko sila na nasa pintuan ng kusina.
"Hehehe manang wala po palang multo balik na po kayo sa ginagawa nyo, sorry po." panghihingi ko ng paumanhin sa kanila.
Tumingin ako kay Kaizer na nakakunot noon sa akin. Kaya ako naman ay napayuko dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa araw na ito.
Lupa please nagmamakaawa ako lamunin mo na ako huhuhuhu.. Ang tanga mo talaga Selene.
Nung bumalik ang tingin ko kay Kaizer ay nagpeace sign ako sa kanya.
"Ang aga mo ata umuwi akala ko mamaya ka pa?" agad na sabi ko.
"Natapos ko na kasi lahat ng papers ko kaya umuwi na ako diba ang sabi mo mag-uusap tayo?" agad namn nitong sabi at tumango ako.
"Ahh..Kaizer...Pwede bang patapusin mo muna akong kumain hehehehe gutom pa ako eh.."nakangiti kong sabi sa kanya kaya tiningnan nya yung kinakain ko kanina at hindi pa iyon ubos.
"Cge kumain kana magbibihis lang ako." at umalis na din sya sa harap ko.
Ako namn ay nag-eenjoy lang sa pagkain. At pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinggan ko at pumunta sa silid ko para maligo ulit syempre para Fresh diba?.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020