Kabanata 42

6.4K 85 9
                                    


Krylle's POV:

Nabigla ako nung inayawan ni Khloe ang hinanda kung pagkain for her. Pero may napansin talaga ako sa kanya na parang nag-iba sya tapos yung sinabi nya sa akin na kakain sya ng Mangga at Bagoong kaya napag-isipan ko na buntis nga sya talaga. Kahit na ayaw nyang ipaalam sa amin.

Nasa baba na ako pero wala parin akong imik sa upuan ko.
Pero bigla na lang ako nagulat ng hawakan ni Jero ang kamay ko kaya pati sila ni Mama at papa ay napatingin sa amin.

"Wife may problema ba?" hindi ako makapagsalita dahil nag-iisip pa ako kung paano ko sasabihin sa kanila ang kalagayan ni Khloe ngayon.

Kailangan ko muna gumawa ng paraan kung paano ko makukumbinsi si Khloe na bumili ng PT.

"Wala Hubby." pagsisinungaling ko.

"Sure ka Wife kasi kanina pa kita tinatawag at hindi mo ako naririnig kahit na magkatabi tayo."

"Sorry hubby nag-iisip lang ako kung kilan ako babalik sa hospital at gusto ko ng ipakilala si Khloe sa lahat." pagsisinungaling na sabi ko.

"Hmmm..ganyan nga din naisipan namin ni Mama at Papa wife. Ang sabi daw nila baka Next week." nakangiti nitong sabi sa akin.

"That's good to hear that Hubby."

"Yes, i'm so excited na makilala sya ng lahat ng mga angkan natin."

Nakangiti lang ako sa asawa ko at hindi parin maalis sa isip ko ang naisip ko kanina.

"Hubby let's go up na baka inaantok na din sila ni Mama."

"Oo nga no, tara tulog na tayo at gabi na." tumango namn sila ni Mama at papa.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa taas pero huminto muna kami sa kwarto ni Khloe at sinilip sya. Maganda ang tulog nya pero pumasok ako para ayusin ang kumot nya at hinalikan ko sya sa pisngi bago lumabas ng kwarto nya.

Pagkadating ko sa kwarto ay pumunta na ako ng CR para mag-ayos at magsuot ng pantulog.

Nadatnan ko na lang si Jero na nakahiga na sa Kama.
Tumabi namn ako sa kanya at pinikit ko ang mata ko para makatulog ako.

Wala pang ilang minuto ay may naramdaman akong may humalik sa noo ko at niyakap nya ako kaya napayakap din ako sa asawa ko.

At nakatulog na ako.

Bukas ng umaga ko na lang kakausapin si Khloe at gusto kong eexplain nya sa akin lahat ng nalalaman nya.

———————

Khloe's POV:

Nagising ako dahil sa alarm ko kaya bumangon na ako at ginawa ko na ang morning routine ko.

Habang naghihilamos ako ay napapatingin ako sa sarili ko dahil parang tumaba ako ng konti kasi nga masarap kumain.

Pagkatapos kong maghilamos ay kumuha ako ng towel ko para ipunas sa mukha ko pagkatapos nun ay pumunta na ako sa walk in closet ko pero napatingin ako sa sarili ko sa salamin parang lumaki ng konti ang tiyan.

Pero doon ko lang nalaman na hindi pa pala ako nilalabas ng buwan ng dalaw ko kaya doon ako kinabahan. Hindi ko alam kong paano ko to ipapaliwanag sa pamilya kung may tao man sa tiyan.

Habang nag-iisip ako ay bumukas ang pinto at nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin at may dalang gatas.

"Good Morning baby, here's your milk."

"Good Morning too Mom." kinuha ko namn ang gatas at ininom iyon ng isang lagok lang.

"Baby okay ka lang ba?"

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon