Khloe's POV:Ang sakit sa damdamin na inayawan ka ng anak mo. Pero kahit ganun ay pipilitin kong ibalik ang dati kahit na mahirapan ako.
Nakaupo lang ako sa sofa at nasa kabilang sofa naman si Kaizer. Tinitingnan ko sya pero hindi nya iyon napapansin dahil malalim ang iniisip nya.
Ako lang naman ay tahimik lang din simula nung bumalik na sa kwarto si Danica. Habang nakaupo ako ay biglang tumayo si Kaizer.
Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka.
"Bakit?" agad kong tanong.
"Hmm..magluluto lang ako ng pagkain nila para mamaya."
"Ahh... pwede bang ako na lang magluto?" agad kong tanong sa kanya. Tumango naman ito kaya tumayo na din ako at pumunta na ng kusina.
Habang nagluluto ako ay nakangiti ako at hindi ko inisip ang nangyare kanina dahil iiyak lang ako ulit pag ginawa ko iyon.
Hindi ko rin naman sila masisisi dahil ako naman ang may kasalanan eh..kaya nagkakaganyan ngayon si Kairon at Kaira.
Nang matapos na akong magluto ay tinawag ko na rin si Kaizer.
"Kaizer, tapos na yung niluluto ko." agad kong sabi sa kanya.
"Sige hatiran natin sila baka gutom na mga yun." tumango naman ako.
"Pwede bang ako na lang ang pupunta sa kwarto ni Kairon?" ng sabihin ko iyon ay tumango si Kaizer at nginitian ko sya.
Nang matapos na namin ihanda ang pagkain nila ay sumabay na rin ako umakyat kay Kaizer.
"Ayan yung kwarto ni Kairon." turo nito sa blue na pinto.
"Salamat." tumango naman ito at pumasok na sa pink na pintuan.
Nang ako na lang mag-isa sa labas ay kumatok muna ako bago iyon buksan.
"Dad, wala po akong sa mood makipag-usap sayo." agad nitong sabi.
"I'm sorry." ng sabihin ko iyon ay saka lang tumingin sa akin si Kairon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin.
Ahmmm..gusto ko lang na ihatid sayo tong pagkai-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito.
"Sana ang Daddy ko na lang ang naghatid nyan dito sa kwarto ko." ng sabihin nya iyon ay pinigilan ko lang na wag tumulo ang luha ko.
"Yung Daddy mo kasi nandoon sa kabilang kwarto."
Wala akong narinig na sasabihin sa kanya at nilagay ko na lang ang pagkain nya sa table nya. Kaya napag-isipan ko na din na lumabas na lang. Bago ako lumabas ng magsalita si Kairon.
"Bat ngayon ka lang? Alam mo bang kailangan ka din namin dito noon? Si Daddy naghihirap sa amin ng dahil sayo. Hindi nya alam yung gagawin nya dati dahil ikaw palagi ang hinahanap namin pero bat ngayon ka lang nagpakita? Sana hindi kana nagpakita sa amin eh..mas lalo kaming nasasaktan ng kambal ko pagnakikita ka namin dito.."
"I'm so sorry baby hindi sinasadya ni Mommy iyon. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa inyo yun dahil hindi nyo pa iyon maiintindihan sana naman bigyan mo pa si Mommy ng second chance na ayusin ulit to."
"Bibigyan lang kita ng second chance kong maging okay na kayo ng kambal ko."
Nang matapos iyon ay lumabas na ako ng kwarto nya. Nakayuko lang ako at umiiyak ng may biglang humawak sa balikat ko at tinakpik- tapik iyon.
"Nagtatampo lang sila wag kang mag-alala kaya mo yan."— Kaizer.
"Paano ko kakayanin eh.. galit nga sa akin si Kairon."
![](https://img.wattpad.com/cover/206054115-288-k12087.jpg)
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020