Kabanata 3

14.5K 185 0
                                    

Selene's POV:

  Nagising ako sa alarm clock ko pero hindi ito oras ng trabaho ko sa hospital. Dahil ang gagawin ko ngayon ay dadalawin ko ang dalawang pinakamamahal kong magulang. Dahil namatay sila 5years ago habang nagtetake ako ng nursing exam. Ang sanhi ng pagkamatay nila ay dahil sa Car Accident. Habang pauwi sila sa bahay.

(5 years ago)

     Habang nagtetake ako ng nursing exam sa school ay may tumawag sa akin pero hindi ko kilala, he said, my mom died because of the car accident. Kaya napatayo ako nun at napatakbo palabas ng classroom yung teacher at mga kasama ko sa exam ay tinatawag ako pero wala akong narinig dahil ang gusto ko lang is makaabot ako doon kung nasaan ang mama at papa ko.

   I was there in the hospital ang ginawa ko lang ay umiyak ng umiyak. At doctor lang ang andyan para pakalmahin ako pero hindi ko talaga makaya nun.

  Pero nung oras na yun ay may ibinigay sa akin ang doctor na isang Envelop. Binuksan ko ito at binasa.

Dear: Selene My love

      Humihingi kami ng Sorry sa ginawa namin sayo at sa totoong pamilya mo. Anak, kung mabasa mo man ito ay may nangyare na sa amin ng papa mo? Kahit hindi ka namin tunay na anak at ninakaw ka lang namin sa totoo mong magulang ay tinuring ka naming kadugo namin. Alam kong hinahanap ka ng mga magulang mo pero hindi ka namin mabigay dahil ayoko... Ayokong mawala ka sa amin kaya naging Selfish ako.

     At may nakita kang kwentas dyan sa envelop sayo yan palagi mong suotin yan para malaman nila na buhay ka. Ayokong sabihin kong sino ang totoo mong mga magulang ang gusto ko ay ikaw ang makatuklas nun. At alam ko na hindi sila titigil hanggat hindi ka nakikitang buhay o patay.. Basta mahal ka namin ng papa mo anak...again I really really really Sorry and I love you.

                                                   Nagmamahal:
                                                    Mama Jane

    Binuksan ko ulit ang Envelop at nakita ko nga ang kwentas na sinasabi sa sulat at sinuot ko iyon.

    Pagkatapos nun ay umalis na ako ng hospital at naglakad-lakad muna para maibsan ang lungkot dahil sa pagkawala nila at sa nalaman kong hindi pala nila akong totoong anak. Iyak lng ako ng iyak na parang baliw at wala akong pakialam nun kahit na maraming tao ang nakatingin sa akin.

  (Back to reality)

   Hawak hawak ko ang necklace na suot ko habang iniisip ko ung nakaraan.

   Andito na ako sa sementeryo at nakaupo sa lapida nila. At inalayan sila ng bulaklak. Nagdasal muna ako bago sila kausapin.

  "Ma, Pa, alam nyo po ba na ang saya saya ko kahapon dahil nakatulong ako sa lahat ng pasyente hehehe. Alam nyo kung buhay pa kayo siguro baka nagpahanda na kayo sa nalaman nyo hahaha" agad kong kwento habang natatawa sa harapan ng lapida nila.

   "Ma, Pa, kahit hindi nyo po ako totoong anak mahal ko din po kayo at nagpapasalamat ako dahil inalagaan at tinuring nyo akong totoong anak, pinabihis at pinaaral nyo ako ng mabuti kahit na noon sobra akong pasaway hehehe."

   "Namimiss kona po kayong dalawa.  Ma,Pa alis na po ako dahil kailangan ko na din pong maglinis sa apartment ko dahil mamaya pupunta ulit ako ng Hospital." agad na din akong tumayo at umalis sa sementeryo.

  (Fast Forward)

       Nandito na ako at naglilinis na ng apartment ko. Para pagdating ko ay magpapahinga na lang ako at matulog mamaya.

     Pagkatapos kong maglinis ay kumain muna ako para hindi na ako mamaya kumain sa Hospital.

    Pagkatapos ko sa lahat ay naligo na ako at naghanda na maglakad papuntang hospital. Yes daily routine ko na ang maglakad papuntang hospital dahil 40minutes lang ang lakad sa apartment ko hanggang sa Hospital ng pagmamay ari ng Fortaleza.

   Habang naglalakad ako sa daan ay may napansin akong nakatingin sa akin. Kaya nagpalinga-linga ako pero hindi ko sya makita. Kaya sinabi ko na lang sa sarili ko na guni-guni ko lang iyon.

   Lakad lang ako ng lakad dahil nagmamadali ako para makaabot ako. Pero napahinto ako ng hakbang dahil may biglang humawak sa braso ko.

   Kaya kinabahan ako at bigla akong tumingin sa kanya. I can't see his face because he's wearing a mask.

   Gusto ko sana syang kausapin pero pinatalikod nya ako at nilagyan nya ng panyo ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kaya dahil sobrang lakas nya. Kaya sa sobrang pagpupumiglas at hilo ko ay nawalan na ako ng malay.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon