Khloe's POV:Nagising ako dahil sa naririnig kong umiiyak si Kaira. Dahil alam ko sya ang mas iyakin sa kanilang dalawa ni Kairon.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatali din ang dalawang anak ko at may nakabantay na dalawang lalaki sa kanila."Manong pakawalan nyo na lang po ang dalawang anak ko. Ako na lang po ang kunin nyo wag lang po sila." nagmamakaawa kong sabi dito pero hindi sya sumagot.
Tumingin naman ako sa dalawang anak ko pero nagtaka ako ng walang ka rea-reaction ang mukha ni Kairon na kung titingnan mo ay parang nabobored ito.
Kaya ang ginawa ko ay nagpupumiglas ako pero hindi ko man lang matanggal ang tali sa kamay ko kaya medyo nakaramdam ako ng hapdi. Kaya tumingin ulit ako sa dalawang lalaki na kasama namin ngayon dito sa loob.
"Manong please lang po, pakawalan nyo na ang dalawang bata at hindi ko po alam kong may kasalanan po ba akong ginawa sa inyo." ng sabihin ko iyon ay bigla na lang bumukas ang pinto at nakita ko ang matandang lalaki.
'Talaga bang wala kang kasalanan?" nagtaka namn ako sa sinabi nya sa akin.
"Sir, magsasabi po ba ako ng Wala akong kasalanan kong meron?" pambabara kong tanong.
"May gana ka pang mambara ngayon Khloe Fortaleza." kinabahan naman ako dahil kilala nya ako.
"B-bat mo ako ki-kilala?" utal kong sabi sa kanya.
"Diba? Ikaw yung dating tinulak ni Bernadeth?" tanong nito sa akin at tumango naman ako.
"I see, alam mo bang nakulong ang anak ko ng dahil sayo." nagtaka naman ako sa sinabi nito.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Nang dahil sayo ikinulong ang anak ko at nasira ang relasyon nila ni Kaizer."
"Sir bat po ako ang sinisisi nyo hindi ko po ipinakulong ang anak nyo. Atsaka nung madischarged na ako sa hospital ay umalis na ako ng pilipinas at hindi na ako naghigante pa kay Bernadeth." mahaba kong lintanya sa kanya.
Nakikita ko naman sa mukha ng kaharap ko ngayon na ayaw nyang maniwala sa mga pinagsasabi ko.
"By the way Khloe, gusto mo na bang magpaalam sa mga magulang mo?"
"No, bat naman ako magpapaalam sa kanila kung wala naman akong ginawang kasalanan sayo. Bat ba ako ang magbabayad sa hindi ko naman ginawa." galit kong sabi sa kanya.
"Alam mo ba ng dahil sa mommy mo nalaman ni Madrigal na hindi nya anak ang dinadala ni Bernadeth." nagulat naman ako sa sinabi nya.
"So ano naman ang Connect ko doon?" agad ko namang tanong.
"Ikaw ang magiging alas ko para lumabas sila." nakangisi nitong sabi sa akin.
"Jake, kunin mo ang cellphone ko at tawagan natin ang pamilya nito." nakatingin at nakangisi pang sabi nito sa akin.
"Yes Sir." rinig ko namang sabi ng Jake.
"Tandaan mo Sir, pag ako makawala dito magbabayad ka dahil pati ang dalawang anak ko dinamay mo."
"Oh?! I'm scared Khloe." habang sinasabi nya yun ay tumatawa pa sya ng parang baliw kaya ako namn ay nairita.
Habang nakatingin lang ako sa dalawang anak ko ng bigla kong marinig na may kausap sa cellphone ang matandang kausap ko kanina.
Sa totoo lang ngayon ko lang sya nakita kahit na lumalabas ako parati ng bahay pero ngayon pati ako may kasalanan sa kanila? Wow as in wow!
"Ano na Fortaleza, baka gusto mong patayin ko na ang anak at ang dalawang apo mo dito?" rinig ko pang sabi nito.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020