Kabanata 44

7K 87 22
                                    


Kaizer's POV:

Napamulat ako dahil sa ingay sa loob ng kwarto ko kaya napabangon ako.

"What are you doing there?" nakita ko naman na nagulat sya.

"I-i'm just cleaning your room Kaizer." nakangiti nitong sabi sa akin.

"Nagsabi ba ako na linisan mo ang kwarto ko?" cold kong sabi sa kanya.

"N-no." utal nitong sabi sa akin.

"Hindi naman pala eh..kaya lumabas kana sa kwarto ko."

Nakita ko namn na tumitingin sya sa akin at hindi parin sya umaalis sa kwarto ko pero bigla syang nagsalita.

"Kaizer, forget Selene right now." agad naman nitong sabi sa akin kaya tumingin ako ng masama sa kanya.

"Why would i forget her Bernadeth?" tanong ko.

"Kasi magkakaanak na ako and we are family here Kaizer." napangisi naman ako sa sinabi nya.

"Remember this Bernadeth, HINDI AKO ANG TATAY NG ANAK MO. I SWEAR OF THAT, kahit pugutin ko pa ulo ko sa harapan mo at sa pamilya ko." dahil sa inis ko ay ayan ang nasabi ko sa kanya.

Nakita ko naman na tumulo ang luha nya pero hindi ko sya pinansin at nagsabi na ako na lumabas sya.

Ilang linggo na din na nandito si Bernadeth dahil dito sya pinatira ng pamilya ko. Ang sabi ko nga dapat pagkatapos na lang ng kasal namin saka lang sya tumira sa pamamahay ko. Pero hindi talaga ako nanalo kaya no choice ako na patirahin si Bernadeth dito sa bahay ko.

Habang hinihilot ko ang sintido ko ay bigla na lang nagring ang phone ko kaya sinagot ko iyon ng walang tingin-tingin.

"Hello bro." - Derick.

"Oh bro, bakit?"

"I need you here in your company." -Derick.

"May problema ba dyan bro."

"Meron kaya pumunta ka na dito, Asap."

Pagkababa ng tawag ay nag-ayos na din ako ng sarili ko at lumabas na.
Pababa pa lang ako ng hagdan ay nakita ko na si Bernadeth na nakaupo sa sofa kaya tumikhim ako.

"Aalis na ako baka gabihin ako ng uwi kaya mauna ka ng matulog." agad ko namang sabi.

"Pwede ba akong sumama?"

"No, dito ka lang kaya nga nagsabi ako na gagabihin ako ng uwi diba?" nakita ko namn na bigla syang lumungkot.

Hindi ko namn iyon pinansin at umalis na. Palabas pa lang ako ay may biglang nagdoorbell. Kaya nagmadali akong maglakad at binuksan iyon.

Laking gulat ko ng makita ko si Selene sa harapan ko ngayon at nakangiti na parang walang nangyare sa amin. Gusto ko sana syang yakapin pero hindi yun pwede dahil kailangan ko na syang iwan.

"Hi." agad namn nitong sabi sa akin habang nakangiti.

"What are you doing here?" cold kong sabi sa kanya

"I'm here for you." doon namn ako nabigla sa sinabi nya.
.
"You're here for me?" agad ko namang tanong habang tinuturo ko ang sarili ko

Hindi namn sya nakapagsalita dahil wala na syang masabi kaya inunahan ko na syang kausapin

"Kung wala kang sasabihin umalis kana." —Me.

"Wait Kaizer, may sasabihin ako sayo." agad namn nitong sabi sa akin

"Ano namn iyon at aalis na ako." cold kong sabi sa kanya.

"Kaizer........ I'm pregnant." habang sinasabi nya yun sa akin ay wala lang sa akin dahil ilang days na din kaming hindi magkasama sa bahay kaya hindi akin yun. At alam ko din na may nangyare sa amin pero isang beses lang yun at naghiwalay na kami. Imposible namn na may nabuo.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon