Kaizer's POV:Maaga akong nagising dahil sa katok ni Manang Doris kanina kaya nagising ako dahil may bisita daw ako ngayon sa bahay kaya nagmadali akong bumangon at pumunta na sa CR para maghilamos.
Pagkatapos ko maghilamos ay pinunasan ko lang ang mukha ko at lumabas na.
Pagkadating ko sa baba ay laking gulat ko ng makita ko si Derick na nakaupo sa Sofa na nakadekwatro.
"Anong pinunta mo dito bro?" agad kong tanong sa kanya kaya napatingin sya sa akin.
"Pumunta lang ako dito na paalalahanan ka na wag kang malate sa party at bukod sa lahat dahil nandyan ang ex wife mo kaya wag kang manggulo para hindi masira ang engagement party ko okay." tumango naman ako at napangiti sa kanya.
"Oo naman don't worry magbebehave ako doon."
"Sige ito lang ang pinunta ko at aalis na ako magbihis kana din." ng matapos sabihin iyon ni Derick ay lumabas na ito.
Dati nagtatagal sya sa bahay ko pero ngayon hindi na dahil ayaw nya sa anak ni Bernadeth. At ayaw nya itong makita. Pero no choice sya mamaya dahil makikita nya rin naman si Danica.
Pagkaalis ni Derick sa bahay ay bumalik ako sa kwarto at humiga. Dahil sa totoo lang maaga na akong nakatulog dahil may iniisip ako kagabi.
Paano kaya kung suyuin ko ulit si Khloe at kakausapin ko si Tito Jero na bigyan ulit ako ng isa pang chance para maayos ko ang relasyon namin ni Khloe.
Haysst sana naman pumayag si Tito dahil alam kong nasaktan ko ang anak nya dati. Pero kailangan ko munang mag-isip ng unang hakbang bago iyon gawin.
Ayoko naman na biglain yun dahil may anak na sya. At ako naman ay naging Daddy ng hindi ko anak. Nang maisip ko iyon ay binatukan ko ang sarili ko kaya napaaray ako.
Habang nakaupo ako sa kama ay may biglang nagtext sa akin.
Binuksan ko iyon at nakita ko ang unknown number.
From Unknown number:
"Ano Madrigal parang nagsasaya ka ngayon ha? Sa pagkakaalam ko bumalik na yung ex wife mo sa pilipinas ha? Baka gusto mong maging superhero sa susunod hahahahaha."Nang mabasa ko iyon ay bigla ko na lang kinuyom ang kamao ko dahil sa mahabang panahon ay hindi ko pa sya nahuhuli. Ang galing talagang magtago ng matandang ito. Pwes dahil dyan sa katangahan mo ay matutuntun na kita.
Nang matapos ko iyon basahin ay tinawagan ko ang private investigator ko para matuntun kong saan banda ang number na iyon kaya esenend ko sa kanya ang number at ang text message nito sa akin.
Hindi ko na iyon nireplyan dahil iinisin lang ako ng matandang hukluban na iyon. Dati nung malaman kong hindi ko anak ang dinadala ni Bernadeth ay muntikan ko ng mapatay sya. Dahil sa totoo lang isinuko ko ang pagmamahal ko sa taong mahal ko at muntikan pa syang mapahamak ng dahil sa akin.
(Flashback)
Nasa hospital kami ngayon ni Bernadeth dahil ang sabi sa akin ni Tita Krylle ay pwede naman daw na ipa DNA Praternity test ang bata kahit na nasa sinapupunan pa ito kaya dinala ko si Bernadeth sa Hopsital nila tita Krylle.
At ang maganda pa nun ay sila ni Tita Krylle at ni Doc Jenny ang tao doon sa lab kaya silang dalawa ang gumawa ng lab test.
Noon ay nagtaka pa si Bernadeth kong bat kami nandito sa hospital at hindi naman daw nya oras para magpacheck up. Pero hindi ako sumagot nun dahil naglalakad na kami papuntang laboratory kung saan sinabi sa akin ni Tita Krylle na nandoon sila ng kaibigan nyang doctor.
Pagkadating namin doon ay nakita ko sila ni tita at tiningnan ko ang mukha ni Bernadeth na gulat na gulat na may kasamang takot dahil nakikita ko na nanginginig sya.
"Bernadeth gusto ko lang na malaman ang totoo kaya makiayon ka sa amin." agad kong sabi sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin Kaizer?" nagtatakang tanong nito sa akin.
"I want to know the truth Bernadeth."
"The truth?" tumango naman ako
"Kaya nandito ngayon sila ni tita ay ipapa praternity test kita kung sa akin talaga ang batang dinadala mo." deretsa kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nya kaya napangisi ako ng konti.
"No, hindi pwede yun Kaizer dapat kung lumabas na ang baby saka ka humingi sa akin ng DNA test."
"Bernadeth gusto ko ng malaman ang katotohanan kaya wag ka ng magmatigas dyan at humiga kana doon sa kamang iyon." ng sabihin ko iyon ay lalabas sana sya ng may biglang pumasok na apat na lalaki kaya kinabahan ako.
"Jerome wag mo naman silang takutin." rinig kong sabi ni Tita Krylle.
"Pasensya na po Ma'am."
"Mag-antay ka na lang dyan sa labas ng pintuan habang may ginagawa kami." tumango namn ito at umalis na.
Nakita ko naman na tumingin sa akin si Tita Krylle at alam ko na ang ibig nyang sabihin dahil gusto nyang kausapin ko si Bernadeth na gawin ang Praternity Test.
Sa huli ay napapayag din namin si Bernadeth at doon ko na din nalaman na hindi ko pala anak ang bata dahil pagkatapos nila kunan si Bernadeth ay dinala nila agad ito sa laboratory ni Doc Jenny kaya napadali ang result.
Simula ng malaman ko iyon ay pinalayas ko ng bahay si Bernadeth at kinasuhan sya.
(End of Flashback)
Nang bumalik sa isipan ko iyon ay napupuno ako ng galit pero nabalik lang ako sa ulirat ko ng tumawag si Derick.
"Bro magbihis kana and remember bawal kang malate."
"Oo na kakagaling mo lang dito tapos ayan na naman ang bungad mo sa akin."
"Aba! Syempre ikaw ang assistant ko at bilisan mo dahil nung pagkaalis ko dyan sa inyo ay nasa Venue na ako."
"Okay bibilisan ko na lang at aalis na din kami dito sa bahay." ng sabihin ko iyon ay pumunta na ako sa Cr at naligo na.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020