Khloe's POV:Nagising ako ng maaga para magligpit na ng mga gamit namin para na rin makaalis na kami at babalik na kami ng pilipinas.
Sa tagal kong nakasama ang mag-ama ko ay naging masaya ang buhay ko at hindi ko na nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko dati. Kaya palagi akong may ngiti sa labi.
Isang araw ay nahiya talaga ako dahil sa ginawa sa akin ni Kaizer at nakita pa talaga kami ng dalawang kambal.
*FLASHBACK*
Nang matapos ang usapan namin ay nagpaalam na umakyat ang dalawa at kami na lang ni Kaizer ang nakaupo doon sa sala. Ako naman ay walang imik lang at nakatingin lang sa sahig.
Bigla na lang tumayo si Kaizer at lumapit sa akin. Kaya naman ay tumingin ako sa kanya.
"Alam mo ba na ang tagal kitang hinintay." umiling naman ako at nakita ko syang ngumisi.
"Let me clear this thing, at ayokong ipabukas pa." nang sabihin nya iyon ay saka lang ako kinabahan.
"A-ano na-naman iyon?" utal kong sabi sa kanya.
"Bat ka nauutal?"
"Wala, hindi lang ako sanay na ganyan ka kalapit na makipag-usap sa akin."
"So ngayon masanay kana okay?" automatic naman akong napatango dahil na rin sa kabang nararamdaman ko ngayon ng dahil sa kausap ko.
"Mahal mo parin ba ako?" nabigla naman ako sa tanong nya kaya hindi ako agad nakasagot pero ang nasa isip ko ay "Oo" ang sagot pero hindi ko iyon masabi sa kanya ng harapan.
Nagkatinginan lang kaming dalawa ng ilang minuto ng bigla nya akong hinalikan sa labi ko pero madali lang iyon at tumingin agad sa mga mata ko.
"Dito ko lang malalaman kong mahal mo ba talaga ako o hindi." ng matapos nya iyon sabihin ay bigla nya akong hinalikan ulit sa labi.
Pero ako naman ay hindi ko alam kong anong ginagawa ko ng marinig kong tumili si Kaira.
"My Ghosh! did you see that kuya?" tumango naman si Kairon.
"Dad, bat dito pa kayo naglalambingan ni Mommy sa sala?" agad naman na tanong ni Kaira na may nakakalokong ngiti sa labi.
Si Kaizer naman ay hindi din nakaimik dahil na rin sa pagkagulat ng dumating ang dalawa at nakita kami sa ganong pusisyon.
"Don't worry dad hindi namin iyan sasabhin kay Tito Derick at kay Tita Karen. So aakyat na lang kami at ituloy nyo ang ginagawa nyo. Let's Go kuya wag ka na tumunganga dyan." nang matapos iyon sabihin ni Kaira ay hawak hawak nito ang kamay ng kuya nya na paakyat ng hagdan.
Nagkatinginan naman kami ni Kaizer ng hindi namin makita ang pigura ng dalawa sa hagdan at tumawa bago pa kami magyakapan na dalawa ay narinig ko pa na sumigaw si Kaira.
"Mommy, Daddy Enjoy your Day." namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Kaira sa amin.
*END OF FLASHBACK*
Nang maisip ko iyon ay bigla na lang ako tumatawa ng mag-isa.
Habang nag-aayos ako ng gamit ay pumasok si Danica sa Guest Room.
"Tita Khloe gusto nyo po ba ng tulong ko?"
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. "Sige may gusto din akong sabihin sayo."
Nang umayos na ng upo si Danica ay tiningnan ko ang mukha nya. Alam kong namimiss nya na rin ang totoo nyang pamilya pero kahit ganun ay nandito parin sya sa Daddy Kaizer nya.
"Danica." agad kong tawag sa kanya kaya naman ay tumingin ito sa akin ng nakangiti.
"Ano po iyon tita?"
"Salamat, dahil nandito ka at tinulungan mong maging malakas si Kaira."
"Wala lang po iyon Tita, para ko na rin pong kapatid ang dalawang kambal." ng sabihin nya iyon ay tumayo ako at niyakap sya.
"Sorry ng dahil sa akin ay nakulong ang mommy mo."
Naramdaman ko naman na niyakap nya rin ako pabalik.
"Okay lang po iyon tita kasi may kasalanan namn ang mommy ko sayo kaya kailangan nya iyon pagbayaran."
"Tita pwede po bang tawagin din kitang mommy kahit na hndi mo ako totoong anak?" agad naman akong tumango at niyakap sya ng mahigpit.
"Oo naman, alam kong tinuring kana rin na totoong ate ng dalawang kambal kaya pwedeng-pwede." napangiti naman ito sa akin.
"Thank you po."
"Your Welcome" at niyakap ko ulit si Danica.
Ang tagal namin nag iyakan sa kwarto ng pumasok ang tatlo.
"Bat kayo nag iiyak dyan?" tanong naman sa amin ni Kaizer.
"Oo nga naman." sang-ayon ni Kaira sa Daddy nya.
"May pinag-usapan lang po kami ni Mommy Khloe, Dad." agad na sabi ni Danica at nakita ko naman ang gulat sa mukha ng tatlo.
"Anong nangyayare sa inyong tatlo bat kayo namumutla?" nakita ko naman na umiling ang tatlo.
"Dad, Kuya narinig nyo po ba yun?" tumango naman ang dalawa.
"Oo naman rinig na rinig ko iyon nak."
"Ibig sabihin nun ay totoong ate ko na si Ate Danica." nakita ko ang saya sa mukha ni Kaira ng sabihin nya iyon.
"Welcome to the Family Ate Danica." sabi naman ni Kairon at niyakap ang ate nya.
"Ano pa hinihintay nyo GROUP HUG!" agad na sabi ni Kaizer.
Nang matapos ang eksenang iyon ay bumalik na kami sa ginagawa namin.
(Sorry dahil matagal akong mag update at konti lang ito)
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020