Khloe's POV:Hindi ko na tinapos ang party at umuwi na kami ng kambal sa bahay dahil masama ang pakiramdam ko. Gusto na rin sanang umuwi nila ni Mommy pero pinigilan ko sila para sila na magsabi sa dalawa na umuwi na kaming tatlo.
Habang naglalakad kami sa hallway ay may nararamdaman talaga akong kakaiba eh..pero hindi ko iyon mapahiwatig at kailangan kong alamin iyon dahil pagnaka tunganga lang ako ay baka mapahamak kami.
Nang nakalabas na kami ng venue ay tumingin ako sa likod namin pero wala naman kaya napag-isipan ko na ding bilisan ang paglakad namin at pumunta na sa kotse ko.
Pinaupo ko muna ang dalawang anak ko sa backseat at nilagyan sila ng seatbelt.
Pagkapasok ko sa kotse ko ay nagmadali na akong umalis sa parking lot dahil hindi ko talaga mawari ang nararamdaman ko ngayon. Parang may hindi magandang mangyayare ngayon.Pagkaalis namin sa parking lot ay may nakita pa akong van na lumabas din sa isang sulok at sinundan kami.
Doon na lumakas ang kaba ko dahil kasama ko ang dalawang anak ko at tiningnan ko sila ay tulog na tulog ito kaya wala akong poproblemahin.
Sana naman walang may mangyareng masama sa dalawang kambal ko dahil kung meron man ay pagbabayaran nila ito.Nasa gitna na kami ng kalsada ng mag overtake ang Van at akala ko naman ay hihinto ito sa amin pero hindi naman pala.
Nang pag-ikot ko sa kaliwa ay doon na lang ang aking gulat ng makita ko ulit ang van na iyon dahil alam ko ang plate number nito kaya napahinto ako sa harapan nila.
Habang nakahinto ang sasakyan namin doon ay nag-iisip ako ng kung ano ang gagawin ko kaya tinawagan ko na lang si Karen. Ang tagal nitong sagutin at no choice ako ay si Derick na lang din ang tinawagan. Nakarami na rin akong missed call sa kanila pero hindi parin nila ito sinagot dahil alam kong nasa party pa lang sila.
Ang ginawa ko na lang ay nilock ang pinto ng sasakyan ko at sana ay may dumaan din ditong sasakyan.
Nakahinto lang ang sasakyan namin doon dahil natatakot akong baka maglabas sila ng baril kaya hindi na ako gumawa pa ng hakbang. Ayokong mapahamak ang dalawang anak ko kaya hindi na ako lumaban.
Habang nakatingin ako sa unahan ay biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon ng palihim.
"Hello." agad kong namang sagot dito.
"Khloe, umalis na kana dyan." nagtaka naman ako dahil kilala nya ako.
"Sino ka?" agad ko namang tanong.
"Si Kaizer to umalis kana dyan."
"Hindi pwede Kaizer dahil kasama ko ang dalawang anak ko." ng sabihin ko iyon ay doon na lang ako napaiyak dahil na rin sa sobrang takot dahil nandito ang dalawa. At narinig ko na lang din na napamura si Kaizer sa kabilang linya.
"Okay, sabihin mo sa akin kong nasaan ka ngayon?"
"Nasa may daanan kami papunta na ng bahay. Paalis pa lang kami ng parking lot ng makita ko na silang nakasunod na sa amin.
"Okay, wag kayong lalabas ng kotse pupunta na ako dyan."
Nang sabihin nya iyon ay medyo lumuwag ang pakiramdam ko at nawala medyo ang takot ko dahil may nakakaalam kung anong nangyayare sa amin.
Mga ilang oras din ang hinintay namin pero wala parin si Kaizer at yung mga tao sa van ay lumalapit na sa amin. Kaya bumalik ang takot ko at sana naman ay may makakita sa pangyayareng ito.
"Mommy what happened?" napalingon naman ako sa sinabi ni Kairon.
"Nothing baby, go back to sleep." ng sabihin ko iyon ay hindi na nagsalita si Kairon pero nakikita ko sa salamin na gising sya.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020