Khloe's POV:Nang makarating kami sa bahay ay sobrang saya ng mga magulang ko ng makita ang dalawang kambal. Kaya ako naman ay nakatingin lang sa kanila na nagtatawanan ng may biglang humawak sa balikat ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Hi." agad naman na bati sa akin ni Derick.
"Hello." balik kong bati sa kanya.
"Hmm..Khloe pwede bang humingi ako sayo ng favor?" nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"Anong favor iyan?" agad ko namang tanong.
"Pwede bang sa labas na lang tayo mag-usap?" tumango naman ako at lumabas kami.
"Ano palang favor iyon Derick?" balik kong tanong ulit sa kanya.
"Kasi may balak akong magproposed sa pinsan mo Khloe kaya kailangan ko ng tulong mo para isurprise sya."
"OMG! Ikaw ha? Gusto mo ng itali yang sarili mo sa loka-loka kung pinsan." nakangiti ko namng sabi sa kanya.
"Oo, wala na rin kasi akong magagawa eh..at alam kong nag-aantay na din yun."
"Oo nga naman, Sige payag ako at kailan ba yun?"
"Sa Saturday Khloe. At sana wag malaman ni Karen tong magpoproposed ako sa kanya." tumango namn ako at ngumiti sa kanya.
"Don't worry safe iyan sa akin."
"By the way may Venue ka na bang gagamitin?" agad kong namang sabi at umiling sya."Wala pa nga eh..maghahanap pa lang ako."
"Okay ako na bahala sa Venue nyo at kailangan mo na lang kumuha ng Designer."
"May alam ka kung saan kukuha ng Venue?" bigla namang tanong sa akin ni Derick at tumango namn ako.
"Oo."
"Saan yun banda at kanino?"
"Sa Skyline Venue sa Manila at sa tanong mo kanina na kung kanino iyon ay sa akin. Ako ang nagmamay-ari ng Skyline Venue Event Hall at hindi pa alam yun ng mga parents ko. 2 years ago ko pa lang iyon binili habang andoon ako sa Korea." mahaba kong paliwanag sa kanya kaya naman napanganga ito.
"Pwede ko bang makita ang picture?" tumango namn ako at pinakakita ko namn ang Picture ng Hall at nagandahan namn ito.
"Maganda ang hall tama lang sa engagement party." sabi namn ni Derick sa akin.
"Oo naman sa susunod nga kong magdedebut ang anak ko. Dyan din ako maghahanda sa Skyline."
"O sya sige na baka hinahanap na ako ng dalawa doon sa loob. Atsaka pagkailangan mo ng tulong ko tawagan mo na lang ako okay." tumango namn si Derick sa akin at nagpaalam na ako na papasok na ako sa loob.
Pagkapasok ko ay nakita kong nakatulog ang dalawa sa sofa kaya binuhat ko si Kaira at naglakad na papuntang kwarto nila.
Sa totoo lang magkatabi ang dalawang to sa iisang kama dahil ayaw ni Kaira na mag-isa sa isang kwarto dahil paggabi ay umiiyak ito pagmalaman nyang wala ang kuya nya sa tabi nya. Kaya nagdesisyon na lang akong ipagtabi ang dalawa dahil bata pa naman sila.
Pagkapasok ko sa kwarto ay inilapag ko na sa kama si Kaira at hinalikan ito sa noo. Tiningnan ko muna ang mukha ni Kaira at napatawa na lang ako dahil girl version sya ni Kaizer. Kapag naging babae siguro si Kaizer ay mas maganda pa ito sa akin. Nang tumatak iyon sa utak ko ay bigla na lang ako napangiti.
Tatayo na sana ako ng biglang magbukas ang pinto kaya napatingin ako doon. At nakita ko si Daddy na buhat-buhat si Kairon at nakasunod sa kanya si mommy.
"Mom, Dad thank you po."
"Okay lang baby." agad naman na sabi ni Daddy at nilapag nya si Kairon sa tabi ni Kaira.
"Baby nahirapan ka ba sa dalawa mong anak?" agad naman na tanong sa akin ni Mommy at umiling ako.
"No mom, paano ako mahihirapan eh...silang dalawa ang buhay ko. Kung sa akin lang po mommy kung wala sila wala din po ako." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa dalawang anak kong natutulog.
"Mommy na nga talaga ang anak natin Hubby." nakangiting sabi ni Mommy kay Daddy.
"Oo nga wife, pero may tatlong baby na tayo dahil nandyan na si Kairon at Kaira." nakangiting sabi sa akin ni Daddy at niyakap naman nya ako.
"I miss you baby." agad naman na sabi nila sa akin.
"I miss you so much Mom Dad." nung sabihin ko iyon ay napaiyak na lang ako dahil sa sobrang namiss ko lang siguro sila kaya ako nagkakaganito.
"Wag kana umiyak baka magising ang dalawa." tumango namn ako at tumingin sa kanila.
"Thank you Mom and Dad for helping me."
"Your welcome baby, syempre tutulungan ka namin ng Daddy mo dahil nag-iisa ka naming baby."
"Atsaka tungkulin pa din namin na alagaan ka kahit na malaki ka na at mommy kana ng dalawang kambal." nakangiting sabi sa akin ni Mommy kaya niyakap ko silang dalawa ulit.
"Paano ba yan baby aalis muna si Mommy dahil pupunta muna ako ng hospital." agad namn na sabi nito at tumango namn ako.
"You want me to go with you Mom." ng sabihin ko iyon ay umiling sya.
"No baby magpahinga ka na lang dito dahil pagod ka ngayon sa byahe. Matulog kana dahil halata sa mukha mong antok na antok kana. Tumabi ka na lang sa kambal para paggising nila makita ka nila agad." tumango namn ako at nagpaalam muna na pumunta ng kwarto para maglinis ng katawan ko.
Nang matapos ako ay pumunta na ako sa kwarto ng mga bata at umupo sa tabi ng anak ko at tinignan sila isa-isa habang hinahawakan ko ang mga pisngi nila.
"Mga babies ko mas okay na mawala sa akin lahat basta kayong dalawa hindi dahil hindi ko iyon kakayanin kaya wag nyo iiwan si Mommy ha?" parang tanga kong sabi sa dalawang anak kong natutulog at hinalikan ko silang dalawa.
Nang matapos iyon ay humiga na ako at pinikit ko ang mga mata ko dahil sa sobrang antok ko na din.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomansaGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020