Kabanata 30 (DAY 2)

6.9K 90 3
                                    


Selene's POV:

Umaga pa ay nagising na ako dahil may gagawin akong importante. Habang ginagawa ko yung routine ko ay napapaisip ako sa nalaman ko kagabi dahil sila pala ang totoo kong magulang. At hindi pala sila Mama Jean.

Nung sinabi sa akin ni Doc Krylle yun ay ayokong maniwala. Dahil ang layo layo ko sa kanila. Pero kong sa titingnan lang kasi magkamukha nga kami ni Doc kung mag-ayos ako.
At napag-isipan ko na din na pumunta mamaya sa bahay nila ni Doc para malaman ko din ang totoo kong pagkatao.

Habang nag-aayos ako ng sarili ko ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok" agad namn na sigaw ko at bumukas namn ang pinto at bumungad sa akin si Kaizer.

"Oh? Saan ka namn pupunta hon?" agad namn nitong sabi.

"Makikipagkita lang ako sa isang kaibigan Kaizer."

"Ahh..gusto mo samahan pa kita." agad namn na sabi sa akin ni Kaizer pero umiling lang ako.

"Wag na, kaya ko naman mag isa eh. Don't worry babalik ako dito sa bahay at hindi kita tatakasan hehehehe." agad ko namang sabi habang nakangiti sa kanya.

"Okay mag-ingat ka." tumango namn ako sa kanya.

"Sige lalabas na ako at kumain ka bago ka pumunta sa kaibigan mo." tumango namn ulit ako at lumabas na si Kaizer sa kwarto ko.

Sa totoo lang ayokong malaman nya to dahil makikipagkita ako sa totoo kong pamilya.

Basta bahala na.. Tumayo na ako para bumaba at pumunta sa Dining.
Pagkababa ko ay nakita ko na nakaupo si Kaizer doon sa upuan nya at nagbabasa ng newspaper alam kong hinihintay ako nito. Dahil hindi to kakain ng hindi ako kasama. Haysst

"Ehemmm.." tikhim ko para malaman nya na nandito na ako sa harap nya.

"Hi, upo kana dyan." tumango namn ako at umupo.

Kumuha lang ako ng konting kanin at kinain iyon. Dahil wala talaga akong ganang kumain ngayong araw ewan ko ba?

Si Kaizer namn ay nakatingin lang sa akin at nakakunot ang noo dahil sa nakita nya.

"Hon, totoo ba yang nakikita ko na konti lang ang kinain mo?" namamangha nyang tanong sa akin.

"Oo namn, bakit? Akala mo ba parati na lang akong maraming kinakain ha? Papatabain mo ba ako Kaizer." agad ko namng tanong.

"Hindi namn sa ganun hon, kasi hindi lang ako sanay na makita kang kumain ng ganyang kakunting kanin hehehehe." nakangiti nitong sabi sa akin kaya napakunot na lang ako ng noo sa kanya.

"Ewan ko sayo Kaizer." agad ko namang sabi dahil napipikon na ako.

"Bat ang unfair mo Hon?"agad namn nitong sabi sa akin.

"Bat namn aber?" nakataas kong kilay na tanong sa kanya.

"Kasi ako lang nagsasabi ng Hon sayo. Dapat tawagin mo din akong ganyan para sweet atsaka asawa mo namn ako eh.." ngiting sabi nito sa akin.

"Aba! Ikaw may gusto nyan."
"Haysst Sige na nga." dahil mabait ako kaya papayag na lang ako na tawagin syang Hon.

"Oh sya Honey, aalis na ako ha bye.." pa sweet kong sabi at pumunta sa kanya para halikan sya sa pisngi nya.

Pagkatapos ko syang halikan sa pisngi nya ay tiningnan ko mukha nya. Gusto kong matawa dahil sa totoo lang nabigla sya tapos nakanganga pa.

Naglakad na ako palabas dahil nakatulala pa si Kaizer doon sa sala at nilabas ko na ang tawa ko na kanina ko pa pinipigilan.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon