Kabanata 26(Part 1 DATE)

7.5K 78 0
                                    

Kaizer's POV:

       Nagising ako dahil sa alarm clock ko. At tumawag na ako kay Cathy para ipadala na ang damit na inorder ko sa kanya. Bumaba na ako para magkape at para hintayin na din si Cathy dahil on the way na daw sya.

       Habang nag aantay ako ay tumawag si Mommy pero hindi ko yun sinagot dahil ayokong marinig yung paulit-ulit nyang sinasabi sa akin.

       Habang nakaupo ako sa sala ay may nagdoorbell kaya nagmadali akong pumunta doon at nakita ko nga si Cathy.

       "Hi Cousin, long time no see?" nakangiti nitong sabi sa akin at nagbeso beso kami.

        "Hello my dear cousin, nandito ba sya kaya mo ako pinapunta dito?" sabi nito at tumango namn ako.

        "Nasa kwarto sya ewan ko kung natutulog pa yun."

       "Ahh..hintayin ko na lang syang magising tapos aayusan ko na sya Mr. Madrigal."

      Nagkwentuhan lang kami ni Cathy hanggang sa may narinig kaming tumikhim sa likod namin.

      "Ehemmm..." tumikhim sya para mapansin namin at napalingon din si Cathy.

     "Good Evening sa inyo." nakangiti nitong sabi.

     "Oh sige, punta muna ako sa kusina baka kasi naisturbo ko yung pinag uusapan nyo eh.." at umalis na sya at pumunta na ng kusina dahil narining pa namin ang gusto nyang kakainin dahil kausap nya si Manang Elma.

     "uh-ohh... Nangangamoy selos my dear cousin sabihin mo na kasi na pinsan mo ako." natatawa nitong sabi sa akin.

    "Ikaw na bahala basta ayusin mo." agad ko namang sabi.

    "Sige na maliligo muna ako at pakisabi na lang kay Selene na maligo na rin sya para makaalis na kami."

      "Okay hahahhhaa." natatawa nitong sabi at umalis na ako dahil alam kong hindi ako makakaligo pag nakakausap ko si Cathy dahil sobrang daldal nya.

       Naligo na ako at nag antay ng ilang oras para hintayin si Selene.

_______

Selene's POV:

         Nagising ako dahil nagugutom ako kaya pumunta muna ako ng CR bago bumaba.

         Ng pababa na ako ng hagdan ay may naririning akong nagtatawanan kaya binilisan ko ang lakad ko.

         Pagkadating ko doon ay may nakita akong babae ang ganda nya at sa totoo lang bagay sila ni Kaizer. Ewan ko ba kung bat ko ikinukumpara ang sarili ko sa iba.

         "Ehemmmm."tikhim ko para manotice din nila ako dahil nasa likod lang nila ako Hello?

         Napalingon namn sila sa kinatatayuan ko at ngumiti sa akin ang babae.

         Bumati namn ako sa kanila at umalis na.

         Bat kaya ang sakit sa mata pagnakikita kong may kausap na iba si Kaizer ang sarap nilang sakalin. Mabait namn ako pero pagdating may Kaizer parang Dragon ako na umuusok ilong ko..Haysst bahala na nga....

        Pumunta na lang ako kay Manang at humingi ng pagkain dahil nga gutom ako.

        Kain lang ako ng kain kahit na alam ko na tinitingnan ako nila ni Manang dahil yung subo ko ay sunud-sunod.

        Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kila ni Manang na pupunta na ako sa taas para mag-ayos pero sa totoo lang hindi namn ako marunong mag-ayos. Ano pa ba magagawa ko.

      Aakyat na sana ako ng makita ko yung babae kanina na nakatayo.

       "Hi." agad nitong sabi sa akin.

       "Hello." agad ko namng sabi.

      "I'm Cathy, Bestfriend slash cousin ako ni Kaizer." kaya nabigla namn ako dahil doon.

        "Hahaha, alam kong nabigla ka so tara na punta na tayo sa room mo para ayusan kita kasi ang sabi daw ni Kaizer hindi ka daw marunong mag-ayos hehehe." sabi namn nito sa akin at napasimangot na lang ako dahil pati ba namn sa pag aayos sasabihin nya sa iba.

         Tumango namn ako at pumunta na kami sa Kwarto ko.

          Pumunta muna ako sa kama ko dahil may nakita akong nakabox. Kaya tiningnan ko iyon.

         "Alam mo ako mismo gumawa ng dress na yan. Kasi ang sabi ni Kaizer dapat maganda daw." nakangiting sabi nito sa akin.

        "Wow talaga? Ang ganda namn nito." agad ko namng sabi.

         "Thanks dahil gusto mo yan. Atsaka ngayon lang din kasi ako nakagawa ng dress eh..dahil nga kay Kaizer hehehe binulabog nya ako sa bahay para magpagawa lang ng susuotin mo sa date nyo." natatawa nitong sabi sa akin kaya napatawa na din ako.

         "Halikana dito aayusan na kita alam kong tapos na yun si Kaizer."

           Tumango namn ako at umupo na sa upuan kong saan sya nakatayo.

            Habang nagmemake up sya kinakausap nya ako about sa pagkabata nila ni Kaizer na palagi na daw silang magkasama na parang magkapatid daw sila dahil ayaw daw nila magkahiwalay.

           Tawa lang ako ng tawa dahil yung ibang kwento ni Cathy ay nakakatawa. Pero subukan ko kayang pagtripan si Kaizer.

           Tapos na ako mag ayos at tumayo na ako para suotin ang dress ko kahit na simple lang sya pero maganda namn.

            Umalis na muna si Cathy at sya na lang daw tatawag kay Kaizer para sunduin ako sa kwarto ko at tumango namn ako sa kanya.

           Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ko maiwasan na tingnan ang mukha ko dahil kamukha ko si Doctora Krylle ewan ko ba. Haysst

          "Selene, okay kana let's go." tumango namn ako at inalalayan ako ni Kaizer pababa ng hagdan at nakita namin si Cathy sa baba na may dalang Camera at pinipcturan kami.

           "Ang sweet nyo talaga, wait tayo lang kayong dalawa dyan. Smile Selene." ngumiti namn ako at naglakad na kami ni Kaizer pababa.

         "So uuwi na ako tapos na yung ginagawa ko dito my dear cousin." sabi namn ni Cathy kay Kaizer.

        "Thanks Couz. I owe you one." ngumiti naman si Cathy at bumeso kay Kaizer.

        "So bye Selene. See you when i see you." hinug nya ako at bumeso din. Nauna na syang umalis sa amin ni Kaizer dahil may importante pa syang gagawin sa shop nya.

          Pagkadating namin sa sasakyan ay pinasakay na ako ni Kaizer. Alam nyo ba? Gentleman ang lolo nyo kaya masyadong nakakakilig.

        Umalis na kami at tahimik lang kami dahil wala namn akong masabi kay Kaizer at ang ginawa ko na lang ay binuksan ang radyo nya at nakinig na lang ng music.

        Now listening: Bubbly By Colbie Caillat

       Napapasabay naman ako sa kanta kaya hindi ako naboring. Pero relate ako dyan ewan ko ba. Basta gusto ko lang ang kanta na yan.

Oppsss paputol muna

Ayan po yung Simpleng damit ni Selene na ginawa ni Cathy na pinsan ni Kaizer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayan po yung Simpleng damit ni Selene na ginawa ni Cathy na pinsan ni Kaizer.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon