Kaizer Kiel Madrigal's POV:Habang nandito ako sa kwarto ko ay napabuntong-hininga ako at hinihintay ko na lang na lumabas ng CR si Selene.
Namomroblema ako ngayon dahil nandito ang pamilya nya alam ko namn iyon. Pero ayoko lang may nang-iistorbo sa tulog ko.
Napaayos ako ng pagkakaupo ng marinig ko ang pagbukas ng CR pero hindi parin maalis ang kamay ko sa aking sentido.
Nang makita ko si Selene ay umangat ang ulo ko at tiningnan sya ng matalim. Ewan ko ba parang badmood ako ngayong araw. At ang worst pa ay nandito ang pamilya nya. Alam kong, alam na din nila na ikakasal ako sa anak ni Rodolfo Santillan. Kaya kinakabahan ako na magpakita sa kanila.
"Anong ginagawa nila dito sa bahay?" inis kong tanong kay Selene.
"Hindi ko alam Kaizer."
"Ang sabi ni Manang para sayo daw kaya sila pumunta dito sa bahay, may tinatago ka ba sa akin." agad ko namang sabi pero nakita ko pagkagulat nya.
Umaacting lang ako na hindi ko alam na anak sya ng mga Fortaleza kaya madali lang sa akin na paikutin si Selene na wala akong alam sa lahat.
"Kung ayaw mo magsalita papaalisin ko na sila dito at sasabihin kong wala ka ngayon sa bahay."
Nooooo!!!! Wag mo papaalisin yung MOMMY at DADDY ko!!!." agad namn na sigaw ni Selene sa akin at nabigla ako dahil doon. Ngayon ko lang sya narinig na sunigaw ng ganito kaya natameme ako.
Napag-isipan ko muna na humiga sa kama para ikalma ang sarili ko. Baka nga ganito ako dahil kulang lang ako sa tulog. Last few days ay naging busy ako dahil sa hayop na kasal na yun.
At ang worst pa ay pinanlandakan nila sa akin ako ang ama ng batang dinadala ni Berndeth kaya halu-halo ngayon ang problema ko. Gusto kong maayos na to at guminhawa namn ng konti ang buhay ko at hindi puro gulo ang kinakasangkutan ko.
Atsaka malapit na din namn ang kasal namin ni Bernadeth at kailangan ko na din sabihin kay Selene ang totoo. Buo na ang desisyon ko na magpatali muna kay Bernadeth. At ayoko namn sabihin kung ano ang iniisip ko. Basta bahala na si San Pedro nito.
Napag-isipan ko na din na maligo at bumababa para kausapin ang pamilya ni Selene.
Habang naliligo ako napapangiti na lang ako dahil sa nangyare ewan ko ba nakikita ko na lang sarili ko sa salamin na ngumiti. Ramdam ko parin si Selene na yakap yapak ako. Haysst ano ba tong iniisip ko baka mabaliw na ako nito.
Nagmadali na lang ako magbihis at lumabas na ng kwarto ko para puntahan ang mag-asawang Fortaleza.
Pagkadating ko sa baba ay nakita ko sila na nakaupo sa sofa kaya pumunta ako doon at binati sila."Hi Tita at Tito Good morning po." nakangiti kong bati sa kanila.
"Good morning din Hijo." agad namn nilang bati sa akin.
Umupo na lang kami at nag-usap about kay Selene na kung kamusta daw sya or may ginagawa ba daw yun nakalukuhan. Pero ako namn ay Okay lang ang sagot ko dahil ayoko muna magpaliwanag. Nakita ko namn si Tito Jero na nakakunot-noo itong nakatingin sa akin kaya kinabahan ako at hindi ko yun pinahalata.
Ang sabi nga ng ibang tao ay mababait daw ang mga Fortaleza pero pag sila ginalit mo ay hindi ka nila titigilan hanggat hindi ka naghihirap.
Pero wala akong takot doon dahil sanay na din namn ako at hindi yun nila magagawa sa isang tulad ko kasi Magkaibigan sila ng Parents ko.Tinitingna lang ako ni Tito pero kay Tita Krylle ako nakafocus dahil sinabi nya sa akin na anak nya daw si Selene/Khloe.
Simula pa daw na unang kita nila sa hospital ay naramdaman na nya na anak nya daw si Selene at may sinabi pa syang luksong dugo daw kaya ganun.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomansaGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020