Kaizer's POV:Nasa ambulansya pa lang kami ay malaki na talaga ang kaba ko dahil nakita ko na nasa tagiliran sya tinamaan ng bala kanina.
Pero may hindi talaga ako inaasahang marinig kanina dahil gusto nya akong makilala ng dalawang kambal. Ang akala ko ay namatay na ang bata na nasa sinapupunan nya dati kaya sya umalis ng pilipinas para makapagpahangin at kalimutan ang mga masasamang nangyare dito pero doon pala ako nagkakamali.
"Sir, ano po kayo ng pasyente?" agad na tanong nito sa akin.
Napaisip naman ako kung ano nya ako pero sinabi ko na lang na kaibigan nya ako kaya naman nilubayan muna ako ng nurse.
Habang naglalakad ako paroot parito ay nakita ko na lang na tumatakbo si Direck at Karen papunta sa kinatatayuan ko kaya naman ay huminto muna ako sa paglalakad.
"Bro, kamusta si Khloe?"
"Hindi pa lumalabas ang doctor sa OR. basta ang alam ko ay nilalagyan na sya ngayon ng dugo dahil madami ng dugo ang nawala sa kanya."
"Kaizer nandito na ba si Tita Krylle?" umiling naman ako.
"Pero alam nya na may nangyare kay Khloe?" umiling ulit ako kay Karen
"Pero ngayon siguro ay kinausap na sya ni Tito Jero about kay Khloe." agad ko namang sabi kaya naman ay napaupo si Karen sa Upuan.
Nakatayo lang ako at nag-aantay na may lalabas na doctor pero wala parin ito kaya naman ay kinabahan ako.
Kaya naman ay inulit ko ulit yung paroot-parito na lakad. At nakita ko na lang na tumatakbo sila ni Tita at Tito papunta dito.
"May lumabas na ba na doctor?" umiling kami at may tinawagan si Tita Krylle sa cellphone nya.
Wala pang ilang minuto ay nakarating na rin yung tinawagan ni Tita Krylle at dala-dala nito ang Uniporme ni Tita. At tumingin sa akin.
"Maliligtas natin sya magtiwala lang tayo." tumango naman ako at ngumiti kay Tita.
"Papasok na ako para tulungan sila sa loob."
Nang makapasok si Tita ay saka lang ako nakaupo ng maayos dahil nawala na din ang kaba na naramdaman ko kanina.
Ang iisipin ko na lang ay kung paano ako magpapakita sa dalawang bata.
Nang maisip ko iyon ay saka ko lang tinanong si Karen kong nasaan ang dalawang bata.
"Nasa bahay sila kasama nung mga bantay nila kaya wag ka mag-alala." nakangiting sabi sa akin ni Karen.
"Nasabi na ba sayo ng pinsan ko na anak mo ang dalawa?" tumango naman.
"That's good to hear that."
"Pero hindi ko alam kong paano ko uumpisahan na kilalanin ang dalawang bata."
"Alam kong nabigla ka sa sinabi ng pinsan ko sayo kanina pero sana naman ay ipilitin mo din ang sarili mo na magpakilala sa dalawa. Ilang taon na rin silang walang ama na tumayo sa kanila kaya naman wag kang tanga." mahabang sabi sa akin ni Karen.
Tumango naman ako nun at hinintay na lang na lumabas sila ni Tita Krylle sa OR.
Ilang oras din kaming nag-antay sa labas kaya naman ay nakatulog ng nakaupo si Karen sa balikat ni Direck.
Ako naman ay tatayo at uupo ang ginagawa ko.
Lakad lang ako ng lakad at bigla na lang bumukas ang pintuan ng OR kaya naman ay tumakbo ako kay Tita at kinamusta si Khloe."Tita kamusta na po si Khloe?" nakita ko naman na umiling sya.
"She's not good Kaizer, naapektuhan ang kanyang kidney dahil doon sya natamaan ng bala at kailangan ng kidney Transplant sa kanya kaya kailangan namin maghanap sa lalong madaling panahon. Pero hindi natin malalaman kong magigising ba sya o hindi."
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020