Kabanata 48

6.1K 94 8
                                    


Kaizer's POV:

It's been a year na hindi na magulo ang buhay ko at hindi na rin natuloy ang kasal namin ni Bernadeth ng araw na yun ng dahil sa mga Fortaleza.

Pero ng malaman kong hindi ko talaga anak ang dinadala ni Bernadeth ay kinasuhan ko sya. Pero hindi sya nun kinulong dahil kakapanganak nya lang kaya binabantayan lang sya ng mga pulis sa hospital hanggang makarecover sya.

Habang may ginagawa ako ay may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Daddy, can i eat this?" kaya naman ay napatingin ako sa kanya. At nakita kong hawak-hawak nya ang isang slice ng cake

"Come here big girl." tawag ko sa kanya at pinaupo sya sa tabi ko.

Pumunta naman sya sa akin at tumingin. Kamukha sya ni Bernadeth at hindi talaga ako magkakamali na mag-ina talaga sila pero kinuha ko sya ng dahil pinakulong ng mga Fortaleza si Bernadeth dahil sa nangyare noon na nakunan si Khloe ng dahil sa kanya. At ako namn ay tuloy parin ang kaso ko din sa kanya.

Ginawa lang nila yun pagkaalis ni Khloe sa pilipinas para daw hindi sila pigilan ni Khloe sa plano nilang ipakulong si Bernadeth. Alam kong pag may nangyare ngang masama kay Khloe dati ay hindi ko din mapapatawad ang sarili ko.

Pero nung makita at nakausap ko si Karen ay may sinabi syang pinakamasakit na salita at hindi ko talaga iyon makalimutan.

(FLASHBACK 1 year ago na nasa hospital pa si Khloe.)

Nang paalisin ako ni tito Jero sa loob ng hospital ay nagtagal pa ako sa labas dahil sa totoo lang ayoko pang umuwi.

Habang nakaupo ako doon sa labas ay bigla kong nakitang lumabas si Karen at pumunta sa parking lot kaya sinundan ko sya.

Nang makarating na kami sa parking lot ay nakita kong nag-aantay si Derick doon at nakita ko pang niyakap ni Karen si Derick at umiyak sa balikat nya.

"Babe, hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyare sa pinsan ko at sa dinadala nya. Kung pwede lang patayin si Bernadeth ay ako na ang gagawa nun, ayokong malaman ni Khloe na malalaglag na ang baby nya. At alam kong masasaktan sya ng sobra doon. Ayokong makita na maging miserable ang buhay nya pagmalaman nyang mawawala ang baby nya." sabi ni Karen habang umiiyak.

"Shhhh...tahan na babe alam natin na masasaktan sya doon pero matatanggap nya din yun sa tamang panahon." rinig ko namang sagot ni Derick at hindi na ako nag alinlangan na magpakita sa kanila.

Nang makita ako ni Karen ay bigla na lang syang tumakbo sa akin at sinampal ako ng pagkandalakas lakas na parang umikot ang paningin ko.

"Sa oras na may mangyareng masama sa pinsan ko Kaizer. Itago mo na si Bernadeth kong ayaw mong mawala din ang anak nyo."

"Kasalanan mo to eh...hindi sana nandito ngayon si Khloe ng dahil sayo. At tama nga sila ni Tito Jero na wag kana magpakita kay Khloe dahil magwawala lang sya kung malalaman nyang nandito ang lalaking nagpalaglag ng baby sa sinapupunan nya. At alam mo bang sa paningin ko Kaizer criminal kayong dalawa ni Bernadeth tandaan mo yan!" pagkatapos sabihin iyon ni Karen ay umalis na sya sa harapan ko at sumakay na sa kotse ni Derick.

"Bro, wag kang mag-alala babalitaan na lang kita kung anong mangyayare kay Khloe at magpahinga kana dahil gabi na din." agad naman na sabi ni Derick sa akin habang tinatakpik ang balikat ko.

"Atsaka kakausapin ko si Karen ngayon dahil alam kong galit na galit iyon ngayon dahil sa pinsan nya. Alam mo naman diba nung simula ng magkakilala ang dalawa ay magbestfriend na yun kaya mag aalala yun sa kalagayan ni Khloe kaya pagpasensyahan mo na lang sya sa pinagsasabi nya sayo. At bro aalis na pala kami dahil kailangan na din magpahinga ni Karen dahil ng malaman nya ito ay bigla na lang umalis sa office kanina."

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon