Khloe's POV:Nasa mall ako ngayon at tinitingnan sila. May nakita din akong isang babae na kasama ni Kaira at sobrang close silang dalawa kaya namn ay napag-isipan kong tawagan si Direck dahil ayoko muna tawagan si Karen baka may galit pa iyon sa akin.
Wala pa naman ilang segundo ay sinagot na nya ito.
"Khloe, bat ka napatawag?" agad nitong sabi sa akin.
"May itatanong lang ako Direck."
"Sige, sabihin mo lang makikinig ako."
"May nakita kasi akong isang batang babae. Kaano-ano iyon ni Kaizer?"
"Ahh..si Danica iyon, anak ni Bernadeth." lumungkot naman ako ng marinig ko iyon.
"Pero hindi nya totoong anak yung batang iyon, atsaka alam na rin ng bata na hindi sya totoong anak ni Kaizer."
"Totoo ba yan?"
"Yeah."
"Salamat, bye." narinig ko pang nagsalita si Direck pero hindi ko na iyon pinakinggan at enend call agad ang tawag.
Bumalik naman ang tingin ko sa kanila.
Mga ilang minuto rin akong nakatayo at nakatago doon sa mga damitan ng biglang tumingin si Kaizer sa kinatatayuan ko.
Nakita ko naman na papalapit sya sa akin kaya naman ay nagmadali akong umalis .
Ayoko pa magpakita sa ngayon dahil gusto ko pang makita sila na masaya na wala ako sa tabi nila.
Mag-iisip na lang ako kung paano ako magpapakita sa kanila sa susunod. Ayoko rin naman sana gawin to pero ito ang sinasabi ng utak ko.
Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay gusto kong maiyak dahil noon ako ang nagbabantay sa kanila. At lahat ng gusto ng dalawa ay binibili ko talaga pero ngayon wala dahil sa katangahan ko.
Kung magpakita na kaya ako sa kanila? Paano kaya kong pumunta ako mamaya sa bahay na tinitirhan nila para makapag explain ako kung bat hindi ako nagpakita sa kanila agad?"
Ang daming tanong sa utak ko ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin.
Paano kaya kong magpakita ako kay Kaizer tapos gawin ko na na maging kumpleto ang pamilya namin.
Sana naman ay pumayag si Kaizer sa plano kong iyon.
Mamaya ko ba gagawin o hindi?
Habang iniisip ko iyon ay hinahampas ko ang ulo ko dahil ang tanga-tanga ko sana dati pa ako nagpakita sa kanila.
Gagawa na lang ako ng paraan kung paano ko makakausap si Kaizer.
Paano kaya kung mamayang gabi or bukas ng umaga ko gawin ang binabalak ko. Wala naman silang pasok.
Tama kaya kailangan ko na mag-isip ngayon.
Nang maisipan ko iyon ay umalis na din ako ng parking lot at umuwi na ng bahay para na din makapagpahinga. Madami pa akong dadanasin na paghihirap paghindi ako magpahinga ngayon.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay ay iniisip ko parin yung mga mukha nila kung magagalit ba ito o masaya na makita nila ako basta bahala na si superman o si batman.
Alam kong magiging maayos din sa tamang oras iyon kaya magtitiis muna ako sa kanila.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko pang nakaupo ang dalawa sa sofa. Hindi ako makatingin ng deretso kay Karen dahil sa nangyare kaninang umaga.
Kaya naman ay dumeretso na sa kwarto ko at ginawa na yung routine ko at natulog na.
.
.
.
.
.
Kinaumagahan ay maaga pa akong nagising dahil kailangan ko magluto ng kakainin namin kaya naman ay nagluto na lang ako ng adobo dahil ito ang paborito ng pinsan kong si Karen.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomansaGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020