Kabanata 23

7.4K 118 0
                                    


Kaizer's POV:

      Naglalakad na ako papuntang Canteen para bumili ng pagkain namin ni Selene ng makita ko si Tita Krylle na papunta din ng Canteen kaya sumabay na lang ako sa kanya.

      "Tita pupunta ka din po ng Canteen."

      "Yes hijo, may pagbibigyan lang ako ng pagkain." nakangiti mitong sabi sa akin.

     "Ang swerte namn ng pagbibigyan mo ng pagkain tita. At sino pala iyon?" agad ko namng tanong.

     "Si Selene." agad nitong sabi at nakangiti.

     Nagulat naman ako dahil doon.

      "Pero tita pupunta ka ba doon sa Room ni Selene?" tumango namn ito.

      "Oo namiss ko na kasi na magsabay kumain kay Selene, Kaizer."

      "Ahhh.. Sige po sabay na lang po tayo atsaka nagpapabili na din po kasi si Selene ng pagkain ngayon tita." sabi ko naman habang nakangiti.

     "Good yan, let's go baka nagugutom na yun."

      Nag-antay kami ng ilang minuto ni Tita doon dahil matagal pang lutuin ang paborito ni Selene na adobong manok kaya hinintay namin yun.

    Habang nag aantay kami ay narinig kong nagriring ang phone ko kaya tiningnan ko yun at si lolo lang pala. At nagpaalam mona kay tita na lalabas lang ako.

        "Bakit?" agad ko namn tanong sa kanya.

        "Apo Next Month na ang kasal nyo ni Bernadeth kaya maghanda kana." agad nitong sabi at nagulat namn ako.

        "Lo namn, ayoko nga magpakasal doon pangailan ko bang sasabihin sayo yan." galit ko sabi kay lolo.

       "Wala ka ng magagawa apo dahil naka announced na sa lahat ng business partner natin at sa kanila din. Maraming mag aattend daw." masayang sabi nito at ako namn ay hinawakan ko ang noo ko dahil sumasakit.

       Paano ko to sasabihin kay Selene this is bullsh*t.

        "Lo, sinasabi ko sa inyo hindi ako magpapakasal sa babaeng yun."

        "Subukan mo lang hindi magpakasal kay Bernadeth, Kaizer dahil alam ko na ang ginawa mong secret marriage na yun. Alam mong mapapahamak yung babaeng kinakasama mo tandaan mo yan Kaizer at pag-isipan mo." galit nitong sabi sa akin. Pag kay Selene na ang pag uusapan sobrang hina ko dahil wala syang kasalanan dito. At ako lang dapat na saktan nila at hindi si Selene.

       Hindi na ako sumagot at enend call ko na ang tawag para bumalik doon kay Tita Krylle at nakita ko nga sya na hinihintay ako at dala dala na nya ang supot na inorder namin.

       "Tita ako na lang po magdadala nyan." agad ko namang sabi.

      "Sige hijo Salamat, pero hijo how's Selene. Is she okay now?" agad namn nitong sabi at tumango namn ako.

      "Opo tita okay na okay na po sya. Nanghihingi na nga po ng pagkain eh..hahahah" agad ko namang sabi na may sabay na tawa dahil ayokong malaman nya na malungkot ako.

      "Hijo, thanks for caring her." agad namn nitong sabi at nagulat namn ako.

      "It's okay lang tita kaibigan ko namn sya eh.."

       "Oo nga namn, dalian na natin baka lumabas na namn iyon.

       "Okay tita."

      Pagkadating namin sa Pintuan ng Room nya ay may naririning kaming iyak ewan ko ba kung bat yun umiiyak.

       Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. At nakita ko syang nakaupo sa sahig habang yung kamay nya ay nakalagay sa mukha nya kaya hindi nya kami nakikita ni Tita Krylle.

       Ang ginawa ni tita Krylle ay sya ang pumunta kay Selene at hinawakan ito sa balikat. Kaya napaangat si Selene at biglang niyakap si Tita Krylle.
       Pero iyak parin ng iyak si Selene sa balikat ni Tita Krylle at ako namn ay tahimik lang sa tabi na nakatingin sa kanila. Sa totoo lang para Silang Mag-inang dalawa.
       Dahil si Tita Krylle hindi din inaalis ang pagkayakap kay Selene. Dahil alam kong namimiss nya na din ang anak nya.

      Habang umiiyak si Selene ay bigla syang tumingin sa gilid at nakita nya ako nakatingin sa kanila. Kaya napaalis sya ng yakap kay tita.

       "Akala ko iniwan mo na namn ako Kaizer." agad nitong sabi sa akin habang tumutulo ang luha nya.

      "Hindi ah..bumili nga ako diba ng pagkain mo, so nakita ko si Doc. Krylle kaya nagsabay na lang kaming dalawa papunta dito." agad ko namang sabi sa kanya kaya hindi na sya umiyak.

      "Ahh..Sige kanina pa kasi ako gutom eh..kaya iyak ako ng iyak dito." nakapout nitong sabi sa amin kaya napatawa na lang ako pati si Doc. Krylle dahil sa totoo lang may pagkachildish din tong si Selene.

     "Nagugutom kana Selene? Gusto mo ipaghanda ka ni Doc?" agad namn na sabi ni Tita Krylle sa kanya.

     "Opo Doc." agad namn nitong sabi habang tumatango.

      "Umupo kana dito at ipaghahanda kita ng pagkain mo." tumango namn si Selene at umupo doon sa Upuan at hinihintay ang pagkain na hinahain ni Tita Krylle.

      At ako namn ay napapangiti na lang dahil naiisip ko talaga na mag-ina tong dalawa kasi kung sa titingnan lang si Tita parang anak nya si Selene dahil grabe itong mag alaga kay Selene nung nilalagnat pa sya.

      Alam kong balik sya ng balik dito sa kwarto ni Selene para tingnan ang kalagayan nito kung okay na ba o hindi.. Kahit nurse walang pumunta dito dahil sya lang ang labas pasok dito sa Room ni Selene. Ewan ko ba? Haysst bahala na nga.

     Habang iniisip ko kanina yung sinabi ni lolo ay bigla na lang ako tinawag ni tita Krylle.

      "Kaizer ano pang ginagawa mo dyan kumain kana atsaka kasya namn sa tatlo tong lamesa kaya umupo kana doon sa kabila."

      "Sige po tita kakain na din po ako." umupo namn ako doon sa tinuro ni tita at kumain na.

     Kain lang kami ng kain at nabigla kami ng biglang dumighay si Selene.

      "Sorry po." paghingi nito ng Sorry sa amin dahil dumighay sya.

      "Okay lang/Okay lang." sabay naming sabi ni tita kaya nagkatinginan kami at natawa.

      Pagkatapos namin kumain ay pinapunta na ni tita si Selene sa kama nya at sinabihang pagpahinga na ito. At tumango namn si Selene.

       "Selene at Kaizer, aalis na muna ako dahil pupunta ako sa Clinic ni Doctora Jenny."

       "Sige po tita ingat po kayo." agad ko namang sabi. At lumabas na si Tita Krylle.

      Si Selene namn ay nagsabi sa akin na matutulog na sya kaya humiga na din ako sa Sofa para magpahinga at natulog na....

—————

Krylle Fortaleza's POV:

        Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa Clinic ni Jenny.

        "Sis anong sasabihin mo sa akin." agad ko namng sabi.

        "About dito oh?" agad namn nitong turo sa Envelop na hawak nya.

        "Ano ba yan?" agad ko namng tanong.

       "Sis namn hindi mo ba nabasa yung text ko sayo?" may inis na sabi nito sa akin kaya napatawa na lang ako.

       "Syempre sis nabasa ko yun."

       "Oh ito tingnan mo yan."

       Kinakabahan ako na buksan yung envelop dahil baka negative sya at ikakamatay ko yun.

       Habang binuksan ko yung DNA test paper ay nanginginig ang kamay ko.

       Nabuksan ko na at bigla kong nakita ang......................

     POSITIVE RESULT:

        Kaya napaiyak ako dahil doon at niyakap namn ako ni Jenny para aluin ako.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon