Khloe's POV:Nagising ako dahil sa katok na nanggagaling sa kwarto ko kaya bumangon ako at binuksan iyon.
Pagkabukas ko ay si Mom ang bumungad sa akin."Mom, what happened po?" antok kong tanong kay mommy.
"Wala man lang bang Good Morning si Mommy?" nakasimangot na sabi nito sa akin.
"Sorry mom, Good Morning." ng sabihin ko iyon ay niyakap ko sya.
"Mommy i'm so sleepy kasi hindi ako nakatulog kagabi."
"Okay, may bisita ka sa baba kaya puntahan mo na yun."
"Sino namn yun Mom?" nagtataka kong tanong kay Mommy.
"Si Derick nandyan sya at ikaw ang hinahanap nya at nagsabi pala sya na magpoproposed na daw sya kay Karen bat hindi mo yun sinabi sa akin." nagtatampo nitong sabi.
"Mom sasabihin ko naman sayo eh..pero nakalimutan ko lang talaga."
"So kilan ba yung Engagement party nila?" agad naman na tanong sa akin ni Mom.
"Ngayon na mom." nakita ko naman ang gulat sa mga mata ni Mommy.
"What?! As in ngayon na?" tumango naman ako.
"Oo mom isusurprise natin si Karen."
"Don't worry mom naka order na ako ng mga damit natin kaya wag kang kabahan" nakangiti kong sabi at nakita ko naman na napasimangot si Mommy.
"Mommy i know magugustuhan mo ang dress na pinili ko at ngayon na iyon ededeliver sa bahay." agad kong sabi habang nakangiti sa kanya.
"Okay basta ikaw ang pumili, magugustuhan ko talaga iyon dahil magkapareho naman tayo ng taste sa damit." napangiti naman ako sa sinabi nya.
"By the way baby puntahan mo na si Derick sa baba baka may kailangan sayo iyon." tumango naman ako.
"Okay mom, pakisabi na lang po hintayin nya ako."
"Sige, bababa na ako." tumango naman ako ulit at sinara na ang pinto ng kwarto ko. Dumeretso naman ako sa Cr at naghilamos muna.
Nagmadali naman akong bumaba dahil baka nga may kailangan si Derick sa akin.
Pagkababa ko ay nakita ko syang nakaupo sa sofa."Hi." agad ko namang bati.
"Hello Khloe, naistorbo ba kita?"
"No." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Manghihingi sana ako sayo ng Favor ulit."
"Ano naman iyon?"
"Pwede bang ikaw na lang mag assist kay Karen papunta doon sa Venue?"
"Sure, walang problema iyan sa akin kasi yung mga anak ko naman ay hindi malilikot."
"Sorry talaga ha? Pati ikaw tuloy nadadamay."
"Sus wala lang iyon atsaka gusto din naman kitang tulungan for Karen atsaka ang tagal-tagal nyo na kayang magjowa."
"Oo nga eh..so naipadeliver ko na yung Dress na inorder mo para sa kanya. Magugustuhan nya kaya iyon?"
"Oo naman ako pa, alam ko na ang taste ni Karen sa mga dress dahil nakikita ko iyon sa korea ng magkasama kami."
"Okay, ayun lang ang pinunta ko dito, Sige Khloe aalis na ako."
"Sige ingat ka, ako ng bahala kay Karen mamaya" tumango naman ito at lumabas na ng bahay.
Aakyat na sana ako ng tawagin ako ni Mommy.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomantizmGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020