Selene/Khloe's POV:Pagkalabas ko ng kwarto ni Kaizer ay tumakbo na ako palabas at narinig ko pa ang tawag nila ni manang sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Nakayuko akong naglalakad papunta sa gate para hindi mahalata ng guard na umiiyak ako.
Nagpag-isipan ko na din na gusto ko munang mapag-isa at iisipin ko kung paano ko makakalimutan yung sinabi ni Kaizer.
Sobrang sakit nung nalaman kong hindi nya ako mahal at niloloko lang nya ako. Naglalakad lang ako sa daan at hindi ko alam kong saan ako pupunta.
Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko namn iyon.
"Baby, how are you?" masigla namn na sabi sa kabilang linya.
"I'm okay Mommy, bat ka napatawag." pigil kong sabi para hindi nya malaman na galing ako sa pag-iyak.
"Wala lang baby namiss ka lng ni Mommy."
"Ahmmm...parang naririnig ko mga sasakyan dyan baby, nasa labas ka ba?" doon na lang ang aking gulat."Opo Mommy naglalakad lakad lang." pagsisinungaling ko.
"Naglalakad-lakad? Bat ka pa ngayon naglalakad lakad Khloe gabi na?" nagtataka namn nitong sabi sa akin kaya hindi namn ako makasagot.
"Asan ka? Pupuntahan kita dyan sabihin mo alam kong may problema ka anak, please lang sabihin mo kay mommy." agad namn na sabi ni Mommy sa akin kaya napahagulgol ako sa pag-iyak.
"Asan ka? Sabihin mo susunduin kita Khloe."
"Nasa Kalsada lang po ako mommy malayo-layo na po sa Village na tinitirhan namin ni Kaizer."
"Sige punta ka sa ligtas na lugar at doon kita pupuntahan, maliwanag ba yun Khloe."
"Opo mommy." at enend call na ni Mommy ang tawag.
Pumunta namn ako sa waiting area at doon umupo habang iyak ako ng iyak. Nang biglang may lalaking pumunta sa akin at binigyan ako ng panyo.
"Panyo miss." agad namn na sabi nito sa akin at tumingin namn ako doon sa lalaki.
"Bago at hindi ko pa nagagamit yan kaya gamitin mo na lang" nakangiti nitong sabi sa akin. Kaya kinuha ko namn yung panyo at pinunas iyon sa mukha ko at siningahan ko ng sipon.
"Bat ka pala nag-iisa dito atsaka gabing-gabi nandito ka pa sa labas. Pinagalitan ka ba ng mommy mo?" umiling namn ako.
"oh? Bat ka nandito?"
"Nag away kasi kami ng asawa ko." nakita ko namn natameme yung lalaki.
"Really may asawa kana hindi halata miss." namamangha at natatawa nitong sabi sa akin.
"Kung ayaw mo maniwala bahala ka."
"I'm Kendrick Villafuerte." pagpakilala nito at nakalahad pa ang kamay sa akin.
"Khloe Fortaleza." nakita ko naman na lumaki mata nya.
"Oh?? Related ka pala ng mga Fortaleza?" tumango namn ako at hindi na nagsalita.
Umupo namn yung lalaki sa tabi ko ng tumunog ulit ang cellphone ko at nakita ko na si mommy iyon.
"Baby Where are you? Nandito na si Mommy malapit na."
"Mom nandito lang po ako sa waiting area" agad ko namng sabi.
"O sige papunta na si Mommy dyan. May kasama ka ba dyan?"
"Opo mommy."
"O sige, bubusina na lang ako at hindi ako pwedeng magbaba ng bintana dahil baka makilala nila ako." nagtaka namn ako sa sinabi ni mommy.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020