Kabanata 19

7.7K 117 0
                                    


Selene's POV:

         Nagising ako dahil nuuhaw ako kaya uminom muna ako ng tubig. Pero ng makita ko si Kaizer na andoon sa Sofa na natutulog ang ginawa ko ay pumunta ako sa kabinet dahil alam kong may mga extrang kumot dito sa kwartong ito dahil VIP to.

        Naging Okay na din ako dahil sa kanya at magpapasalamat na lang ako mamaya pagkagising nya.

       Kinumutan ko sya at bumalik na sa higaan ko at kinakain ko kung anong makita kong biscuit dahil sa totoo lang nagugutom na ako ngayon. Ayoko namn gisingin si Kaizer dahil alam kong puyat at pagod sya ng dahil sa akin. Bat ba ayaw nyang sila ni Manang Elma na lang magbantay sa akin dito.

   Sa totoo lang habang nakakasama ko si Kaizer ewan ko ba hindi ko mapigilan na parang gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko sya o baka namn mahal ko na sya haysst Ewan..

     Habang iniisip ko yun ay may kumatok kaya pinapasok ko at nabigla ako dahil si................

     Ma'am Krylle...

    "Hi Nurse Selene, alam kong nabigla ka dahil ako magchecheck sayo ngayon." habang nakangiti nitong sabi.

    "Ahh.. Thanks po doc." pagpapasalamat ko namn at cheneck up nya na ako at kinuhaan ng dugo."

     Aalis na sana si Doc. Nang makita nyang gising si Kaizer.

      "Kaizer what are you doing here?" gulat na sabi ni Doc Krylle.

      "Ahh..Tita Krylle kasi kaibigan ko si Nurse Selene so wala na syang mga magulang kaya ako muna ang magbabantay sa kanya." agad nitong sabi.

      So kilala nya pala si Doc Krylle bat hindi nya sinabi sa akin. Haysst ang tanga mo Selene kasi hindi ka naman nagtanong sa kanya.

      "Okay hijo, i have to go now." at umalis na si Doc.

      "Kaizer kilala mo pala si Doc Krylle?" tumango namn si Kaizer.

      "Yes, nagpapatulong sya sa akin dati na mahanap ang nawawalang anak nilang si Khloe." agad namn akong nagulat dahil sa sinabi nya.

      "Oh bakit nagulat ka?" agad namn nitong tanong sa akin.

      "Ahh..kasi ganito.. Madami na din akong naririnig na pinag uusapan yang anak na nawawala. Kaya nagulat ako."pagsisinungaling kong sabi kay Kaizer at buti namn ay naniwala sya sa sinabi ko.

      "Nagugutom kana ba Selene?" agad nitong tanong.

      "Oo." sagot ko habang tumatango sa kanya.

      "Sige pwede ba kitang iwan muna dito dahil bibili lang ako ng makakain natin?"

      "Sige ingat ka Kaizer, balik ka agad ha?" ngumiti namn ito at tumango.

      Alam nyo ba ang gwapo ni Kaizer pagnakangiti sya. Ayan ang nagustuhan ko sa kanya at yung pagiging sweet nya sa akin. Kahit na Fake Marriage lang tong ginawa namin. Ewan ko ba kung matutuwa ako sa pinanggagawa ko.

      Habang nag aantay ako ay napag isipan kong maglaro muna sa phone ko para hindi naman ako mainip.

     Mga ilang oras na ang nakalipas pero wala parin si Kaizer kaya napag isipan kong lumabas muna ng room ko. Para sunduin sya sa Lobby dahil andoon ang Canteen.

    Habang papunta ako ng Canteen ay maraming taong nakatingin sa akin. Ewan ko ba kung bakit?

        Pero may isa akong narining.

      "Tingnan mo sya yung pasyente na yun sis, kamukhang kamukha nya yung doctor na nagcheck up sa atin kanina." hindi ako lumingon sa kanila dahil kinakabahan ako.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon