Kabanata 41

6.4K 92 13
                                    


Khloe's POV:

Nasa Nurse Station lang ako nakaupo ihihiga ko na sana ang ulo ko sa table ng bigla akong tawagin ni Head Nurse.

"Nurse Selene, pinapatawag ka ni Doc sa taas."

"Sino po head?"

"Kay Doctora Aguncillo kasi wala daw syang katuwang. Baka late na namn yung assitant nya kaya pumunta kana doon." tumango namn ako at inayos ko muna ang kalat ko sa table ko bago naglakad na papunta sa clinic ni Doc.

Habang naglalakad ako ay parang wala ako sa sarili ewan ko ba kumain namn ako ng marami kanina sa bahay tapos ngayon parang wala ako sa sarili.

Binilisan ko na lang ang lakad ko papuntang elevator at sumakay na. Pinindot ko ang 3rd floor dahil doon papunta ang clinic ni Doc. Pagkahinto ng elevator ay dali-dali akong naglakad.

Pagkadating ko sa pintuan ay kumatok na ako at nag antay na lang na pagbuksan ako ni Doctora Aguncillo.

Wala pa namng ilang secondo ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Doctora na nakangiti.

"Doc pinapatawag nyo daw po ako." agad ko namang sabi habang nakangiti.

"Oh yes, kailangan ko lang nakatuwang nurse dahil may pasyente ako ngayon. Wala pa kasi si Jasmine kaya ikaw na lang ang papalit sa kanya."

"Sige po Doc." at naglakad na ako papasok sa loob.

Nilibot ko muna paningin ko sa clinic. Pero may hindi inaasahang makita kaya hindi ko namn pinahalata na nagulat ako ng makita ko sya na nakaupo lang at nakatingin sa akin. Ako namn ay umiwas ng tingin at pumunta doon sa pasyente ni Doc.

Hindi na ako magugulat kong si Bernadeth yun dahil nandito sya. Nakita ko namn na napatingin si Bernadeth na gulat na gulat at nginitian ko lang sya.

Tumabi na ako kay Doc para mag-umpisa na kami. Hindi namn kami nagtagal at binigyan lang ng gamot si Bernadeth dahil hindi malakas ang kapit ng baby nya at pinagbawalan din sya ni Doc na wag pagurin ang sarili nya dahil makakasama iyon sa batang dinadala nya.

Habang kinakausap ni Doc si Bernadeth ay nakaupo lang ako sa tabi at baka kailangan pa ako ni Doc.

Ilang minuto na din akong nakaupo sa clinic ni Doc kaya napag-isipan ko ng magpaalam na para makabalik sa Nurse Station.

"Excuse me Doc, magpapaalam na po sana ako na babalik na ng Nurse Station." agad ko namng sabi.

"Ahh sige nurse Selene salamat." tumango namn ako at pumunta na sa pintuan.

Nakita ko pang tumingin sa akin si Kaizer. Pero dere-deretso lang ako ng lakad dahil ayoko na syang makita.

Nang makalabas na ako ay saka lang ako nakahinga ng maluwag dahil hindi ko na sila nakikita.
Nang umokay na ang kalagayan ko ay naglakad na ako papuntang elevator.

Nang makalabas ako sa elevator ay may nararamdaman akong kakaiba. Kaya ang ginawa ko na lang ay pumunta muna ako sa CR.

Pagkadating ko sa CR ay napatakbo na lang ako sa cubicle at doon dumuwal.
Nagtataka namn ako kung bat ako nagkakaganito.

Ilang minuto na din akong nandoon sa cubicle ng biglang may narinig akong tinig.
Kilalang kilala ko iyon kaya tinawag ko sya.

"Sam!!" sigaw ko.

"Selene ikaw ba yan?"

"Oo sam please patulong namn."

"Asan ka?"

"Nandito sa pinakadulong cubicle."

"Wait."

Nag-antay namn ako at nakita kong bumukas ang pinto.

"O my Ghosh Selene anong nangyayare sayo?" nag-alala nitong sabi sa akin.

"Ewan ko Sam bigla na lang ako nagsuka eh.."

Naramdaman ko namn ang kamay ni Sam sa noo ko.

"Wala ka namn lagnat eh.." nagtaka namn ako.

"Selene are you pregnant?" nagulat namn ako sa tanong nya at si Sam namn ay naghihintay ng sagot ko.

"Ewan hindi ko alam Sam."

"Hay naku, paano ka mabubuntis eh.. Wala ka namng boyfriend."

Sa totoo lang hindi alam ng Besfriend ko na may asawa ako. Dahil nga ang sabi ni Kaizer ay isekreto lang iyon kaya kahit sino ay hindi ko pinagsasabihan about sa kasal namin ni Kaizer.

Nang hindi na ako nagsusuka ay lumabas na kami ni Sam.

"Umuwi ka na lang muna ngayon Selene kasi sa totoo lang parang lanta kana ngayon." tumango namn ako at pumunta na muna kami ni Sam sa nurse station at kinuha nya ang gamit ko.

Nagpaalam na ako kay Head Nurse na masama ang pakiramdam ko at buti na lang pumayag syang umuwi ako. Kaya tinawagan ko ang driver ni Mommy at wala pa namng ilang minuto ay nakarating na sya.

Sasakay na sana ako ng may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako sa taong humawak sa akin. Nagulat namn ako ng makita ko ang mukha ni Kaizer.

"Selene please let's talk." nagmamakaawa nitong sabi sa akin.

"Selene?? Sino yun? Wala namn akong kilalang Selene ang pangalan ha?" agad ko namng tanong sa kanya.

"Ikaw diba si Selene." umiling namn ako kaya nagtaka namn sya.

"Khloe ang pangalan ko hindi Selene. Atsaka ano bang gusto mong sabihin sa akin." agad ko namng sabi.

"Please let's talk for awhile."

"I'm so sorry dahil nagmamadali na akong umuwi ngayon mister kaya bitawan mo na ang balikat ko."

"Sa susunod muna lang ako kausapin dahil pagod na ako okay."

Pagkabitiw ng kamay ni Kaizer sa balikat ko ay sumakay na ako sa Kotse at sinabihan ko na si manong na umalis na kami.

Habang nagbabyahe kami ay umiiyak ako pero hindi ko lang pinapahalata kay Manong para hindi na sya magtanong. Ilang araw na din akong iyak ng iyak dahil kay Kaizer pati ba namn ngayon iiyak parin ako. Nakakapagod na gusto ko munang magpahinga kahit ilang araw lang.

Pinikit ko muna ang mata ko para tumigil ang luha ko pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kotse.

(After 1 hour)

Naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin kaya napamulat ako. Nakita ko namn ang mukha ni Mommy kaya napangiti ako.

"Nakatulog ka baby."

"Oo nga Mommy dahil siguro sa sobrang pagod."

"Magpahinga kana sa Kwarto mo dadalhan na lang kita ng pagkain mo sa taas."

"Sige mommy thank you po."

Lumakad na ako sa papasok ng bahay at nakita ko sila ni Daddy, Lolo at lola na nasa sala kaya pumunta ako doon at binati at hinalikan sila isa-isa.

Nang matapos yun ay umakyat na ako at dumeretso na sa kwarto ko at naglinis na ng katawan ko.

Hihiga na sana ako sa kama ko ng biglang may kumatok kaya pinapasok ko iyon.

"Hi baby, here's your Food." ng makita ko iyon ay bigla na lang akong napatakbo sa CR at napasuka dahil sa amoy ng nilutong ulam.

"Baby are you okay?" agad namn na tanong ni Mommy.

"Mommy ayoko po ng amoy ng ulam na yun."

"O sige anong gusto mong kainin."

"Mangga mommy na may bagoong."

"Huh?? Mangga at Bagoong? May tinda ba ngayon nyan eh..sobrang gabi na anak?" nagtataka na tanong ni Mommy sa akin.

"Basta mommy yun ang gusto kong kainin." nakanguso kong sabi.

Si mommy namn ay nakikita ko sa mukha nya ang pagtataka pero nanahimik lang sya.

Ilang minuto din akong tinititigan ni mommy at umalis na sya sa harap ko.

Nang umalis si Mommy ay humiga na ako sa kama ko at napag-isipan ko na matulog na dahil inaantok na talaga ako.
Bukas ko na lang aalamin ang sinabi sa akin ni Sam.

Na kung buntis ba ako o hindi.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon