Khloe's POV:Nandito ako ngayon sa bahay nakasilip sa bintana ng kwarto at inaalala ko ang dating nangyare sa akin 1 month ago. Kaya nararamdaman ko ulit na nanunubig ang mga mata ko.
Ang akala ko ay katapusan ko na nun.(FLASHBACK)
Pagkamulat ko ng mata ko ay puting paligid ang nakikita ko kaya hinahanap ko kung sino ang kasama ko dito sa kwartong ito. Pero wala kaya napaiyak na lang ako.
Habang umiiyak ako ay bigla na lang bumukas ang pinto at napatingin ako doon.
Ang bumungad sa akin ay si Mommy at Daddy na gulat na gulat."Baby you're awake, thanks God." agad na sabi sa akin ni Mommy at niyakap nya ako.
Ako namn ay hindi makapagsalita at umiiyak lang habang yakap nya.
"Mommy ang ba-baby k-ko po." utal kong sabi.
"Baby relax ka lang muna okay bawal ka pa mastress."
"Mommy namn ang baby ko po." ulit kong sabi sa kanya.
"I'm so sorry anak hindi muna namin pwedeng sabihin sayo pag hindi ka pa kumakalma dahil makakasama sa kalusugan mo iyon." hindi namn ako nakapagsalita kaya napayuko na lang ako at iniisip ko kung namatay ba ang baby ko at mababaliw ako pag mawala iyon.
"Anak please calm down." agad namn na sabi ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
"Daddy patay na ba ang baby ko. Sabihin nyo po sa akin Daddy hindi ko po kakayanin pag mawala ang baby ko dahil sa kapabayaan ko. Wala pong kasalanan ang baby ko Daddy."
"Shhhhhh...Tahan na anak wag kana umiyak dahil nandito namn kaming pamilya mo para suportahan ka sa kung anong gagawin mo basta wag lang yung ikakasama mo okay." tumango naman ako.
"Wife ikaw muna dito sa anak natin at tatawag muna ako ng doctor para ibalita na gising na si Khloe."
"Sige Hubby." pagkatapos sabihin ni Mommy iyon ay nagmadali ng lumabas si Daddy.
"Baby kain ka muna habang hinihintay natin sila at doon mo malalaman ang result." nakangiting sabi sa akin ni Mommy kaya tumango namn ako at kumain.
Kain lang ako ng kain dahil nagugutom na din ako at mga ilang oras ay bumukas na ang pinto at nakita ko si Daddy na may kasamang dalawang doctor at nurse.
"Hi Khloe." agad namn na bati sa akin ng doctor.
Kilala ko silang lahat dahil nurse din ako dito."Hello po Doctora Agoncillo."
"Ichecheck up lang kita about sa baby mo." natigilan namn ako dahil sa sinabi nya.
"Doc sabihin nyo nga po sa akin ulit yun?"
"Ang alin Khloe?"
"About po sa baby ko." ng sabihin ko iyon ay napangiti si Doctora Agoncillo at nagsalita.
"Ikaw muna ang uunahin ko Khloe, masilan ang pagbubuntis mo dahil sa pag bagsak mo sa semento. At una sa lahat bawal na bawal kang mastress dahil mas nakakasama iyon sa bata. Pangalawa inumin mo ang gamot na nireseta ko sa iyo at kumain ka lang ng mga gulay at prutas para bumalik sa dati ang katawan mo at madagdagan din ng dugo ang katawan mo dahil madami ding nawalan na dugo sayo noong dinala ka dito at buti na lang nakisama ang baby at hindi sya bumitaw kaya safe sya ngayon, So Congrats alagaan mo ang tao dyan sa tiyan mo."
Tahimik lang ako na parang pinoprocess ko pa ang lahat ng sinabi ni Doctora Agoncillo sa utak ko.
Kaya nung nalaman ko iyon ay tumulo ulit ang luha ko dahil sa saya akala ko mawawala na yung baby ko.
Hinimas ko ang tiyan ko at nagpasalamat na hindi sya bumigay dahil pagmawala sya pati buhay nila kukunin ko din. Dahil importante sa akin ang nasa sinapupunan ko.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
RomanceGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020