Kabanata 20

7.5K 114 4
                                    

Selene's POV:

        Gabi na ng magising ako pero kahit anino ni Kaizer ay hindi ko nakikita pa. Kaya ang ginawa ko ay tumawag ako sa bahay para tanungin kong nakauwi ba si Kaizer kagabi.

        "Hello po Manang Elma nakauwi po ba dyan si Kaizer?"

        "Ay Ma'am hindi pa po kasi simula nung andyan ka sa hospital po diba? Sya yung nagbabantay sayo."agad nitong sabibsa akin

        "Ahh..Okay Manang Salamat po."

        Mga ilang minuto na pag-iisip ko ay lumabas ako ng room ko.

        Nakita ako ni Doc Krylle kaya pumunta sya sa akin.

        "Saan ka pupunta Selene?"

        "Magdidischarged na po ako Doc."

       "Hindi pa pwede Selene baka sinatin ka sa labas.

       "No po, Okay lang po ako doc atsaka Okay na din namn ako."

       "Akin na kukunin natin yang Dextrose mo."

       Kinuha na ni Doc Krylle ang Dextrose ko at nilagyan nya ng bandage ang pinagturukan ng Krayom.

       Lumabas na ako at umuwi ng bahay.

       Pagdating ko sa bahay ay nagpakita ako sa guard at pinapasok nya ako. Habang papunta ako sa bahay ay nakakaramdam ako ng kaba na ewan dahil baka may tinatago si Kaizer sa akin kaya ayaw nyang ipaalam sa akin yun. Pagkadating ko sa pintuan ay bumungad sa akin sila ni Manang Elma at nung nakita nila ako ay gulat na gulat sila.

     "Manang ano pong nangyayari dito?" agad kong tanong pero tahimik lang sila. Aakyat sana ako ng hagdan ng pigilan ako ni manang elma.

     "Hija wag ka muna umakyat baka———"naputol ang sasabihin ni Manang ng sumigaw ako.

     "BAKA ano Manang!!!! Pwede ba bitawan nyo muna ako gusto kong makita kong anong kababalaghan na nandito sa loob ng bahay."

    Umakyat ako sa hagdan at yung lakad ko ay pabilis ng pabilis at kinakabahan.

     Nang dumating na ako sa kwarto ay tiningnan ko muna ang kwarto ko malinis namn. At lumabas ako para tingnan ang kwarto ni Kaizer.

     Pagkabukas ko ay doon na lang ang aking gulat ng...............

      Makita ko syang nakahubad at nakapatong sa isang babae.

      Dahil sa pagkabigla ko ay hindi muna ako nakaalis sa kinatatayuan ko dahil parang naestatwa pati katawan ko.

       Ungol lang nila ang naririnig ko at hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko. Napahikbi ako kaya doon lang sila natauhan ng may nakakita pala sa ginagawa nila.

      Ang sakit sakit lang gusto ko na sana umamin na gusto ko sya pero wala na eh...

       "Selene bat ka nandito?" gulat na sabi ni Kaizer at hindi na sya nakapatong sa babae dahil nakacover sa kanya ang kumot.

       "Bakit Kaizer ayaw mo na ba akong nandito?" mapait kong sabi kanya pero may luha parin na tumutulo sa mga mata ko.

       "Sino yang babae na yan Kaizer?" agad kong sabi.

       Selene...mamaya na tayo mag usap please pabihisin mo muna ak———"hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng sinigawan ko sya.

      "SINO ANG BABAENG YAN KAIZER!!!!!"

      "Selene sya si B-Bernadeth, sya yung babaeng papakasalan ko sana dati.." napatawa namn ako sa narinig ko.

     "Hahaha, grabe ka Kaizer, bat mo pa ako kinidnap kong ganito naman ha? At sana sya na lang pinakasalan mo!!" sigaw kong sabi sa kanya.

     "Ahh...alam ko na...kasi Fake Marriage lang yung ginawa natin diba? So ayun nga tapos na tayo..." at tumingin ako sa babae na nakangisi lang sa akin.

    "Tandaan mo to Kaizer kahit na Fake Marriage yung ginawa natin. MINAHAL NA KITANG BWESIT KA!! Dahil dito ewan ko na!!!.."nakangiti ding sabi ko at umalis na.

     Naririnig ko pang tinatawag ako ni Kaizer sa taas pero nagmadali lang akong naglakad papunta sa baba at nakita ko yung tatlong katulong na nakayuko.

       "Alam nyo to diba? Kaya ayaw nyong malaman ko?" hindi namn sila sumagot at inalisan ko sila.

      Takbo lang ako ng takbo hanggang saan ako makarating pero parang hindi ko na kaya.

          Kaya nahimatay ako sa daan.

—————

Someone's POV:

         Pauwi ako ngayon at ako lang mag isa.
   Habang kumakanta ako ay may bigla akong babaeng nakita. At bigla na lang ako napapreno. Lumabas ako at tiningnan sya pero wala namn sya kahit na anong galos pero nung nahawakan ko sya ay sobrang init nya kaya pinasakay ko sya sa backset at gumamit ng Wace para pumunta sa malapit na hospital at ang hospital na yun ay Fortaleza.

         Mga ilang minuto na byahe ko ay nakarating din kami sa hospital at may nurse na nakaalalay sa amin at kumuha sila ng Stretcher.

     "My ghosh Selene,Selene,Selene gumising ka..." agad na sabi ng isang nurse.

     "Anong nangyare?" at may pumuntang Doctora sa amin.

     "Doc si Selene po, inaapoy na namn ng lagnat."sabi ng isang nurse na nakakakilala sa babaeng dinala ko dito sa hospital.

      "Sino ang nakapagdala sa kanya dito?"agad na tanong ng babaeng Doctora.

      "Ako po.." habang nakataas yung kamay ko.

     "Thank you, at nakita mo sya." ang sabi ng doctora sa akin.

     "I am Doctora Krylle Fortaleza." pagpakilala nito sa akin.

     "I am Nicolo Lacson." at nagshake hands kami at nagpaalam na ako para umuwi.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon