Kabanata 64

4.9K 83 12
                                    


Karens POV:

I want to marry her again.

Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Kaizer ay napanganga ako at tumingin lang kay Derick na walang imik.

Ewan ko ba kung bat pa ako nagulat sa eksenang ito at alam ko naman na gagawin iyon ni Kaizer.

Nang bumalik na ako sa ulirat ay tumingin ulit ako kay Kaizer.

"Talaga bang gagawin mo ulit yun?" tumango naman ito.

"Ayan lang naman ang magagawa ko para mapasaya ang dalawang anak ko. At gusto ko rin na maging kumpleto ang pamilya namin." napatango naman ako sa sinabi nya.

"Pero ang tanong? Kailan mo gagawin ang balak mo?" agad ko namang tanong sa kanya.

"Baka pagkauwi namin sa Pilipinas dahil gusto ko din makausap sila ni Tita Karylle."

"Okay, tutulungan ka namin ni Babe dyan, diba babe." tumango naman si Derick ng sabihin ko iyon.

"Thank you." pasalamat nito sa amin.

Tumanahimik na naman kaming tatlo ng makaramdaman kami ng may pababa ng hagdan kaya hinintay namin iyon na bumababa.

Nang makita ko kung sino iyon ay agad akong tumayo at niyakap ang batang iyon.

"I miss you Kaira." agad kong sabi sa kanya kaya niyakap nya ako.

"I miss you too Tita Karen" at nagkahiwalay sa yakapan namin.

"Ang laki mo na nung nakita kita dati ang liit liit mo pa, inalagaan ka nga talaga ng Daddy mo ng maigi." natawa naman ito at tumingin sa likod ko.

Nang makita nya kung sino ang nandoon ay napatakip ito ng bibig nya. At tumakbo papunta sa sala.

"Are you tito Derick right?" rinig kong tanong nito kay Derick.

"Yeah, Why?"

"Don't you know me?"

"Of course I know you." nang marinig ni Kaira iyon ay kinilig ito.

Jusmeyo marimar baka mapaaway ako sa batang ito. Kibata-bata marunong ng lumandi.

"Kaira go to your room." rinig kong sabi ni Kaizer kay Kaira.

"But Dad." nakita ko naman nakasimangot ito.

"No buts and go to your room right now, me and your Tito Derick are talking."

"Okay Daddy." nang sabihin nya iyon ay lumayo na sya doon sa dalawa at ngumiti sa akin.

"Where's your Mom?" agad na hanap ko kay Khloe sa kanya.

"In my room."-Kaira.

"What is she doing there?" pagtataka kong tanong kay Kaira.

"She's sleeping because she's tired." nagtaka naman ako sa sinagot nito.

"What do you mean?"

"Umiyak sya kanina ng umiyak sa room ko kaya nakatulog sya."

Nang sabihin nya iyon ay naintindihan ko na dahil alam kong nag-explain ito sa kanya.

"Sige tita, aakyat muna ako dahil may gagawin ako." tumango naman ako at tumingin lang kay Kaira na papaakyat sa taas.

Nang mawala na sa paningin ko si Kaira ay bumalik na ako doon sa sala at umupo sa tabi ni Derick.

"Ano naman pinag-usapan nyong dalawa?" agad kong tanong sa dalawa.

"Kung paano magpopropose si Kaizer kay Khloe." agad naman na sabi nito sa akin.

"So pagkauwi na lang natin sa pilipinas mo balak gawin yun?" tumango naman si Kaizer sa akin.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon