💕 Dont force
Together Pieces
That don't fit...💕
''Do you know what you're talking about Dad? You're forcing me to get married, cant believe na kaya nyong gawin sa akin ito!"
Sumbat na tanong ko sa daddy ko, nagsisimula na ding umusbong ang galit ko sa kanya.
Pinatawag ako nito mula sa trabaho ko, marami akong dapat gawin ngayon dahil marami kaming orders na mga sapatos na dapat ipadeliver. Isa akong designer ng iba't-ibang klase ng sapatos, at ito ang negosyo ko. Kasosyo ko dito si Lisa na bestfriend ko at kapatid ng long time boyfriend ko na si Eun Woo.
Marami kaming mga mall at boutique na sinusuplayan ng mga gawa namin, pati narin sa ibang bansa. Masasabi kong naging matagumpay ang negosyo namin na ito ni Lisa dahil napalago at nakilala ito ng hindi humihingi ng tulong sa daddy ko.Tapos ngayon bigla itong hihingi sa kanya ng isang napakabigat na bagay na pwedeng ikasira ng buong buhay niya at pati narin ng sarili niyang kaligayahan ay mawawala.
''At anong gusto mong mangyari sa kumpanya natin? Pabayaan na tuluyang mawala?" Kalmadong sagot ng daddy ko. pero, alam kong pinipilit lang nitong magpaka-hinahon upang pakalmahin ako.
''But, Dad.."
''' Are you really just thinking about yourself huh, Jennie? What about your Mom? Makakaya mo bang makita syang naghihirap? Paano na ang mga nakasanayan na niya?" He said in a serious tone then he glared at me, nagbabadya na ang galit nito at lumalabas na ang pagiging ama niya sa akin.
''But, Dad. Alam nyong hindi ko pwedeng gawin ang sinasabi niyo. I have a boyfriend. What about Eun woo? Alam mong matagal na ang relasyon namin..."
''' You also know that I don't like that guy for you!"
Tumaas na nang tuluyan ang tono ng boses nito, nang sabihin niya iyon sa akin.
'''' We give you everything you want, you changed course, may narinig ka ba sa amin ng Mommy mo? Nagtayo ka ng sarili mong negosyo pinigilan ba kita? kahit na alam mong ikaw lang ang pwede kong asahan na tumulong sa akin sa negosyo natin. I always here to support you and you know that. And now ako naman ang humihiling sayo hindi lang para sa sarili ko para narin sa Mommy mo at sa pamilyang ito." Bigla itong tumigil saglit at tumitig sa akin ng mariin, bago muling nagpatuloy. "I hope this time, maging mabuti ka naman sanang anak!"
Pagka-tapos niyang sabihin iyon ay mabilis na niya akong tinalikuran. Naiwan akong napatulala dahil sa huling sinabi niya, I suddenly asked myself if I was really bad enough for him to do this to me? Paano niya nakayang gawin na isawalang bahala ang kaligayahan ko para lang sa kumpanya namin?
I cried sitting on the couch, bigla kong naramdaman ang paghaplos ng isang palad mula sa likuran ko. Pagtingala ko nakita ko ang malungkot na mukha ng mommy ko. Tumabi ito sa akin.
''Anak, I'm sorry kung bakit kailangang mangyari ito sa'yo. Ang kumpanya ng Daddy mo alam mo namang minana niya pa iyon mula pa sa mga magulang niya, dugo at pawis ang pinuhunan niya upang mapa-unlad at makilala ito."
Napahinga muna ng malalim ang Mommy niya bago niya muling ipinag-patuloy ang sinasabi nito.
''At ngayon, nakakalungkot lang na wala siyang katulong magpatakbo nito at nahihirapan na siyang gampanan mag-isa ang negosyo natin, kaya naisipan niyang ipakasal ka sa nag-iisang anak ng pamilya Kim."
Naluluha akong napatitig sa Mommy ko, maski ba ito kailangan siyang ipag-tulakan para sa isang kasal na kailanman ay hindi niya gusto? Lalo na't hindi niya mahal ang lalake na sinasabi ng mga ito para sa kanya.
''It's Unfair Mom," Naiiyak na sambit ko sa kanya. "Alam niyo kung gaano ko kamahal si Eun Woo at ganon din siya sa akin, hindi ko maatim na itapon nalang ang 6 years na relasyon namin ng dahil sa mga sinasabi niyo."
Napahagulgol na ako dahil pakiramdam ko wala talaga akong kakampi sa bahay na ito. At ayokong igive-up ang matagal na naming relasyon ni Eun Woo hindi ko kakayanin ang mahiwalay sa kanya.
''I understand how you feel right now, Pero mas magiging maayos ang takbo ng kumpanya kung pag-iisahin nalang natin, magaling na negosyante ang anak nila, simula nang ito ang magpa-takbo ng kumpanya nila ay mas lalo itong lumago."
Pilit na pagpapa-intindi pa sa akin ng Mommy ko.
''Matanda na ang Daddy mo at marami na rin siyang iniindang sakit, ayaw niyang ipaatang sayo ang responsibilidad ng kumpanya, dahil alam niyang mahihirapan ka at ayaw niyang mangyari iyon sayo, lalo na at hindi mo naman kahit minsan kinahiligan ang ganong uri ng negosyo."
''What about my happiness Mom? Naisip niyo ba iyon?" Pagpapa-intindi ko rin sa kanya. "'Paano ang mga pangarap namin ni Eun Woo para sa aming dalawa? I can't..."
'' Okay, do what you think will make you happy. Maybe it's really wrong for us to force you into something you don't like. Mag-pahinga ka na, pupuntahan ko muna ang Daddy mo." Sabi niya at pilit na ngumiti sa akin, nakita ko sa mga mata niya ang pagka-disappointed at alam kong napipilitan lang siyang sang-ayunan ako. Humalik muna ito sa pisngi ko bago umalis.
Naiwan ako dito sa mini Office ng Daddy ko na hindi malaman ang dapat gawin. Tama ang Mommy ko hindi ko kayang patakbuhin ang negosyo namin at natatakot ako na baka dahil sa akin tuluyan na iyong bumagsak.
Pero tama nga bang maging dahilan iyon upang ipakasal nila ako sa lalakeng iyon? Lalo na at may minamahal na akong iba.
~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...