💕The problem with love is;
You can love who you want...
But so can they.. 💕Jennie's pov;
- " Bye, my baby see you later" masayang paalam ko sa anak kong si Enzo habang karga ito ni Nayeon.
Nine months na ito at marami nang nakakatuwang bagay itong ginagawa na lalong nagpapasaya sa akin. Lalo na kay Taehyung kapag hindi ito busy sa trabaho madalas nitong nilalaro si Enzo. Madalas ding pumunta dito ang parents ko at parents niya.
Pumupunta rin dito si Lisa at Rose upang pangigilan lang si Enzo, ang mga kaibigan naman ni Taehyung ay palaging may pasalubong ng mga kung ano-anong laruan sa anak ko. Natutuwa ako na kahit wala na si Eun Woo marami namang nagmamahal sa anak niya.
Mas nagiging kamukha na ito ni Eun Woo habang lumalaki. Na napapansin din ng parents ni Taehyung dahil wala man lang daw nakuha May mga gabing kapag natutulog na si Enzo ay pinagmamasdan ko ito at hindi ko parin maiwasang malungkot dahil nanghihinayang ako na hindi na nakita ni Eun Woo ang naging anak namin.
Bago ako umalis upang magsimula na ulit magtrabaho sa business namin ni Lisa ay kung ano-ano pa muna ang mga binilin ko kay Nayeon, na kung tutuusin ay mas alam nito ang mga dapat gawin dahil sa isa itong nurse.
Pagbaba ko naabutan ko na si Taehyung na nag-aalmusal, napalingon ito nang maramdaman niya ang presensya ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, at napakunot ang noo. Nagtataka siguro ito dahil nakapang-alis akong damit.
Hindi ko naman siya pinansin at umupo na rin sa kabilang side ng table kaharap siya upang mag-almusal narin.
"Where are you going?" Hindi nito napigilang itanong sa kanya.
"I'm going to work" Simpleng sagot ko sa kanya, habang nagsisimula na akong kumain.
"What? But Enzo was less than a year old, bakit nagmamadali kang magtrabaho?" Sabi niya na sa tono na parang hindi sang-ayon sa pagbalik trabaho ko.
"Hindi naman porket nagka-anak na ako, igi-give up ko na ang career ko, mas dapat nga akong mag-sipag diba? What if one day dumating yung time na makahanap ka na nang iba? What about Enzo and me? It's better to train myself without relying on you." Mahabang paliwanag ko na sinabayan ko pa nang mapaklang pag-ngiti.
" And you think I can do that? Ang magmahal pa nang iba? What you say is very impossible!" Naiiritang sagot naman niya sa akin.
Nagkibit balikat lang ako Then after that tinapos ko na ang pagkain at tumayo upang umalis na, But suddenly he called me, naiinis na nilingon ko ito.
"What about Enzo?" Muli niyang tanong sa akin.
"Nayeon is there, baka nakakalimutan mong nurse siya" Mataray na sagot ko sa kanya at tuluyan na nga akong umalis.
***
Taehyung's pov;
Umuwi ako ng maaga pagkatapos kong makipag-meeting sa mga bago kong kliyente, para na rin ma-aalgaan ko pa si Enzo, pagdating ko sa bahay wala parin si Jennie, nagpalit lang ako ng damit pang-bahay at pinuntahan ko na si Enzo sa kwarto nito. naabutan kong naglalaro ito habang nakadapa sa kama kasama si Nayeon.
"Sir Taehyung"nakangiting bati sa akin ni Nayeon ng makita niya ako. Malapad ko naman itong nginitian at lumapit na kay Enzo.
"Hello, Baby Enzo" sabi ko sabay buhat dito.
Aaminin kong habang lumalaki ito ay nagiging kamukha na niya si Eun Woo at hindi naman iyon naging big deal para sa akin, mahal ko ang batang ito. Kahit pa mukha ni Eun Woo ang nakikita ko sa kanya.
"Sir, iwanan ko po muna sayo si Enzo" Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
Habang masaya kong nilalaro si Enzo bumukas ang pinto at iniluwa nun si Jennie na nakasuot pa nang damit na pang-alis.
Nginitian ko ito at muling itinuon ang atensyon ko kay Enzo na hinalik-halikan ko sa kanyang leeg na ikinakiliti nito dahilan upang tumawa ito nang tumawa.
"Taehyung, wag mo masyadong patawanin si Enzo, baka mag-iiyak iyan mamaya" Sitang saway niya sa akin.
"Ako mag-papatulog sa kanya ngayon" prisinta ko.
Nagkibit-balikat nalang ito at lumapit na rin kay Enzo upang halikan ito habang karga ko, medyo inilayo ko si Enzo sa mukha ko upang mahalikan niya, ramdam ko ang pagkailang ni Jennie nang halikan nito si Enzo dahil siguro ilang agwat lang naman ang layo ng mukha ko, Hindi ko naman napigilan ang sariling kong matiim siyang titigan Pero hindi na iyon inintindi pa ni Jennie, siguro para sa kanya balewala lang ang ginawa ko, kung alam lang niyang sobra na akong nahihirapan, ultimo pati pagtingin sa kanya.
"I'll just change my clothes." paalam niya nang hindi tumitingin sa akin hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko nang sabihin niya iyon, Bigla parang nag-init ang pakiramdam ko na nakakapagtaka dahil naka-aircon ang kwarto ni Enzo..
***
At Jisoo's boutique
Jennie's pov;
Kinabukasan, inako ko na kay Lisa ang pagpunta sa boutique ni Jisoo upang makapamili na ito ng mga panibagong design na pwede niyang orderin sa amin. At isa pa upang kamustahin na rin ito.
2 months from now ikakasal na ito sa pinsan ni Taehyung na si Jin, na nagmamay-ari ng mga kilalang hotel dito sa korea.
Magalang akong sinalubong ng mga staff nito pagpasok ko sa boutique at iginiya ako papunta sa private office ni Jisoo sa 2nd floor.
"Jennie, Im glad na binisita mo ako dito sa boutique ko" natutuwang sabi niya sa akin sabay yakap.
"You look so much better and look like you never gave birth." She smiled praising at me.
"Ikaw nga ang lalong gumaganda, dahil siguro sa nalalapit mong kasal kaya mas blooming ka ngayon?" Balik ko din sa kanya, na talaga namang totoo.
"Anyway let's talk about business!" I said to him, then pinakita ko ang hawak ko na fortpolio na naglalaman ng mga iba't-ibang klaseng design ng mga sapatos.
Nakangiti naman niyang inabot iyon. At mataman niyang pinasadahan ang bawat disenyo na nakikita niya.
"It all look's great" natutuwang sambit pa nito.
Napangiti ako, Jisoo is the kind of girl who is easy to please kaya napaka-swerte dito ni Jin, sana lang mahalin ito ng lubos ni Jin at hindi makaranas si Jisoo na lumuha sa piling nito.
~~~~~~~
🎵 Pity those who wait
Trust in love to faith
Finding out too late that
they've lost it
Never letting go
They will never know
the ways of loveGot to believe in magic
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangersYou've got to believe in magic Something stronger than the
moon above
Cause it's magic when two people
fall in love.. 🎶GOT TO BELIEVE IN MAGIC
By; Juris of MYMP.................
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...