💕 How many times can your heart break until there's nothing left to be broken?.. 💕
Jennie's pov;
-Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin, nakaramdam ako ng kaba pero pilit ko iyong nilabanan.
"I said leave!" madiin at may galit na utos ko sa kanya.
Nagulat ako sa hindi ko inaasahan pangyayari dahil mabilis niya akong nahatak palapit sa kanya at pilit na inaabot ang mga labi ko upang mahalikan, pero pilit akong nanlaban sa kanya.
"Taehyung please! Bitiwan mo ako!" I shouted at him. habang malakas akong nagpupumiglas sa pagkakayakap niya at pagpupumilit niya upang mahalikan ako.
Bigla naman siyang parang natauhan na tumigil sa ginagawa niya sa akin at binitiwan ako. Then I moved backward upang lumayo sa kanya.
Napaiyak din ako dahil sa ginawa niya sa akin.
''Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin ha Jennie?" Garalgal na tanong niya sa akin.
Umiiyak akong napatingin sa kanya, nakita kong bumalatay sa kanyang mata ang sakit habang sinasabi ang mga katagang yun.
'' Ano bang meron si Eun woo na wala ako?!!" Napapitlag ako dahil sa malakas na sigaw niyang iyon.
Maya-maya pagak siyang mahinang napatawa at napayuko, pero muling bumalik ang tingin sa akin na may luha na ang mga mata.
''Kailan mo ko titignan ng may kalakip na pagmamahal kagaya ng kay Eun Woo? Kailan ka ngingiti sa akin, kagaya ng pang-ngiti mo sa kanya? Noong nabubuhay pa si Eun woo kaagaw ko na siya sa puso mo and until now kahit wala na siya kaagaw ko parin siya sa'yo" Mapait siyang napangiti sa akin, habang patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya.
I suddenly felt the pain he was feeling right now.
'' When are you going to love me Jen? Kapag ba nawala rin ba ako kagaya ni Eun woo? Mamahalin mo narin ba ako? Makikita mo narin kaya ang kahalagahan ko?" Malungkot na tanong niya sa akin.
Tinitigan niya ako ng matagal bago dahan-dahang lumakad palapit sa pinto, pero bago niya buksan iyon ay muli siyang nagsalita.
"Kung inaakala mo na makikipag-hiwalay ako sayo, forget it in your mind, dahil wala akong balak humiwalay sayo," Humigit muna ito ng malalim na pag-hinga at biglang napa-ismirk sa akin, muli nitong ipinagpatuloy ang sinasabi niya.
''Hindi ako papayag na mawala ka sa akin Jennie. Because you're mine, only mine " Matigas na sabi nito sa akin.
He glare at me bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Para naman akong nauupos na kandila na dahan-dahang napapa-upo sa gilid ng kama ko. Wala akong nagawa kundi ang Umiyak, Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nangyari ngayon at sa galit na nakita ko kay Taehyung.
***
Taehyung's pov;
Simula nung gabing mangyari iyon, ilang araw na akong hindi kinikibo ni Jennie, halos ayaw niya nga rin akong makita, may mga araw pa na kapag nakikita niya ako ay mabilis na itong lilihis ng landas upang maiwasan ako. At nasasaktan ako dahil dun, para akong may nakakahawang sakit na ayaw nitong mahawa, kapag naman nakikita niya akong hawak si Enzo, ipapakukuha niya ito kay Nayeon, nakakaramdam din ako ng lungkot at takot, dahil sa maling ginawa ko sa kanya, kung matatawag mang kamalian iyon.
Natatakot ako na tuluyan na niyang ilayo sa akin sa Enzo, at baka dumating ang isang araw na parehas na mawala sila sa aking dalawa, kapag nangyari iyon siguradong mababaliw ako.
Dahil hindi ko kakayanin na pareho silang mawala sa piling ko.
~~~~~~
🎵 Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo Kahit kailanma'y hindi magbabagoIkaw ang laging hanap hanap
sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa'Di ko nais na mawalay ka
Kahit sandali sa aking piling
Kahit buksan pa ang dibdib ko Matatagpua'y larawan mo.. 💕SA AKING PUSO
By; Ariel Rivera.............
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...