💕 It's hard to forget someone
who gave you
so much to remember.. 💕After one week..
Taehyung's pov;
- Umakyat ako sa itaas para pumunta sa kwarto ni Jen, nasalubong ko ang matandang katulong namin na dala-dala ang isang tray na may lamang mga pagkain na hindi man lang nagalaw.
"Sir Taehyung, ayaw na naman niyang kumain, halos mag-tatatlong araw na siyang ganyan, nung mga nakaraan tinitikman-tikman niya lang pero ngayon ayaw na talaga niyang kumain baka magkasakit na si mam Jennie" nag-aalalang sabi nito sa akin. Kinuha ko ang tray sa kamay niya.
"Ako na po ang bahala" tipid ko itong nginitian. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Nakita ko itong nakahiga, nakatalikod ito at natatakpan ng kumot ang kalahating katawan niya.
Naglakad ako sa isang table sa gilid ng kama niya at ipinatong ko doon ang tray na dala ko. Tapos ay bahagyang lumapit sa kama ni Jennie.
"Hindi ka na naman pala ku--
Suddenly she cut my word.
"Get out, " mahina ngunit may diin na utos niya sa akin.
Hindi ko naman iyon pinansin bagkus muli akong nagsalita.
"Gusto mo ba talagang magkasakit? Kapag pinagpa.. "
"I said get out!!!" Sigaw niya muli sa akin napaharap pa siya sa akin na nangigilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
Napatitig ako sa kanya napabuga muna ako ng hangin bago muling ipinagpatuloy ang pagsasalita ko.
"Bakit papatayin mo rin ba yang sarili mo ha? " Hindi ko na ring maiwasang pagtaasan siya ng boses.
"Bingi ka ba talaga? I said get out, leave me alone! ayokong makita ka!!!" Galit na galit na sigaw niya parin sa akin pagkatapos ay malakas itong humagulgol ng iyak.
...........
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfic'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...