Chapter 74

61 3 0
                                    


💕 You're my
Everything.. 💕

Taehyung's pov;

- "Na-Nawawala siya, hindi namin siya makita ni Lisa nandito kami sa park malapit sa favorite restaurant niya, Taehyung pumunta ka na dito, please hanapin natin si Enzo" narinig ko pa ang paghagulgol ni Jennie sa phone pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin.

"Jennie" mahinang sambit ko sa pangalan niya, lalo akong nakaramdam ng takot dahil sa pag-iyak nito, "I'll be there, but please wag ka nang umiyak, baka mapaano ka" yun lang at binaba ko na ang phone ko.

"What happened?" Worried na tanong ni Jimin nang marinig nito ang pagtaas ko ng boses kanina habang kausap si Jennie.

"Si Enzo nawawala"Mabilis na sagot ko at pagkatapos ay kinuha ko ang sinuot ko ang black suit ko.

"WHAT!" pabiglang sambit ni Jimin.

"Let's go Jimin, samahan mo akong hanapin si Enzo. Mabilis naman itong naglakad kasunod ko, nasalubong namin si Jungkook sa hagdan.

"Saan kayong pupuntang dalawa?"nakakunot noong tanong nito sa amin.

"Enzo is missing, sumama ka na Jungkook" seryosong sagot naman ni Jimin dito.

Sumakay kaming tatlo sa kotse ko na nakaparada lang sa tapat ng casino club namin.

Mabilis ko itong pinaandar habang nagmamaneho ako, naiisip ko si Enzo at kung saan ito pwedeng pumunta at si Jennie, natatakot ako na baka kung anong mangyari dito dahil buntis ito, at natatakot din ako na baka may mangyaring hindi maganda kay Enzo, siguradong nag-iiyak na rin ito ngayon at baka kung saan na ito napunta.

Napapamura na ako sa isip ko, Ang dami-dami ng pumapasok sa utak ko sa sobrang kaba at takot, hindi sanay si Enzo na wala kami sa paligid niya.

Kaya mas diniinan ko ang silinyador ng kotse ko upang mabilis na makarating sa park kung saang naghihintay si Jennie.

"Hey, Taehyung! Pwede bang wag kang magmadali, baka mabangga tayo, imbis na sa park tayo pumunta sa Hospital ang bagsak natin nito" Kabadong saad ni Jungkook sa akin.

Tinignan ko lang ito ng masama.

"Wag ka kaseng magpanic diyan, makikita rin natin si Enzo" sambit pa nito, hindi ko nalang ito pinansin at itinuon ang atensyon ko sa daan.

Pagkatapos kong tawagan ulit si Jennie upang alamin kung nasaan na siya, nang sabihin nitong malapit siya sa fountain lakad takbo na ang ginawa naming tatlo para mapuntahan si Jennie.

Nakita ko itong nakaupo sa isang bench kasama si Lisa, napansin ko din ang pag-iyak nito,

"Jennie!" Tawag ko sa kanya nang makalapit kami. Mabilis itong napatingala sa akin at yumakap habang umiiyak.

"Taehyung, please hanapin mo na si Enzo, baka kung napano na siya" utos niya sa akin na patuloy parin sa pag-iyak, naramdaman ko ang panginginig ng katawan nito.

"Makikita natin siya, please Calm down Jennie baka mapaano ka at ang baby natin" pag-aalala kong sabi sa kanya habang hinahaplos ko ang likod niya, pero bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin at pagalit na nagsalita.

"I don't care kahit mapaano pa ako, Just bring Enzo to me Taehyung, we need to find him" nagitla ako sa sinabi niyang iyon na parang naghihisterical.

Hindi ako makapaniwala na nasabi iyon ni Jennie, hindi ba talaga nito iniisip ang bata sa sinapupunan niya at wala itong pakialam kahit pa mapano siya.

Nakaramdam ako bigla ng kirot sa puso sa sinabi niyang iyon kaya, napatigil ako saglit at napatitig sa kanya.

"T-Taehyung, ibalik mo sa akin si Enzo, hindi ko kayang wala siya sa tabi ko!" Humahagugol na ito ngayon sa harap ko.

"Don't worry Jen, We will find him" sambit ko in an assuring tone, upang kumalma na ito.

"Ahm, mas mabuting umuwi ka na kami nalang ang maghahanap kay Enzo kailangan mo munang magpahinga Jen," pakiusap ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtutol sa mukha nito, kaya napahawak ako sa malaking umbok ng tiyan niya napatingin doon si Jennie..

"Please Jen" mahinang pakiusap ko ulit sa kanya, muli naman niyang ibinaling ang atensyon sa akin at napilitang tumango sabay patak ng luha nito, pinahid ko iyon at maingat siyang niyakap, pagkatapos ay tumingin ako kay Lisa..

"Pwede mo ba siyang samahan Lisa?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at hinawakan na si Jennie, para dalhin sa sasakyan.

"Tawagan mo agad ako Taehyung kapag nakita niyo na si Enzo" Aniya, sabay talikod niya upang tumungo na sa kotse

"Maghiwa-hiwalay tayo para hanapin si Enzo" rinig kong sabi ni Jimin at nagsimula na ngang maglakad. Sumunod naman si Jungkook sa kabilang side.

At ako na naglakad narin upang maghagilap.

Halos tatlong oras na kami nag-iikot at mukhang nasuyod na namin ang buong parke pero hindi parin namin makita si Enzo, at magdidilim narin, kaya nagpasya na akong pumunta sa presinto upang ireport na ang pagkawala nito.

...........

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon