Chapter 72

74 4 0
                                    


💕 They said that,
Love action than words..💕

Jennie's pov;

- It's almost 10 o clock na pero hindi parin ako makaramdam ng antok, Ayokong isipin na dahil sa wala pa si Taehyung dito sa bahay, kanina kase pagdating nito galing opisina naligo lang ito at umalis ulit, nakita kong kinausap nito si Enzo kanina habang naglalaro, tingin ko nagpaalam ito sa anak ko para umalis.

"Siguro kasama niya sila Jimin, at sigurado akong umiinom ang mga ito ngayon" sambit ko sa sarili habang nakasandig ang likod ko sa headborad ng kama. "Ano bang pakialam ko sa kanya kung hindi siya makauwi ngayon?"

Pero bigla naman akong napatigil at napangiti ng malungkot, Naisip kong parang nasasanay na ako na laging katabi si Taehyung.

Sa tuwing umaga na nagigising ako, mukha nito ang unang tumatambad sa paningin ko habang mahimbing itong natutulog, kahit na ba may isang unan na nakapagitan sa aming dalawa lagi ko parin nararamdaman ang mga braso nito na yumayakap sa akin sa kailaliman ng gabi.

Lumalambot ang puso ko sa tuwing titigan niya ng buong pagmamahal ang tiyan ko. Alam kung mabuting ama si Taehyung at napatunayan ko na iyon ng alagaan at mahalin niya ang anak kong si Enzo paano pa kaya ang magiging tunay nitong anak, sigurado naman ako na hindi parin magbabago ang pagtingin at pagmamahal nito para kay Enzo.

Napatingin ako sa biglang pagbukas ng pintuan ng silid ko at lumitaw doon si Taehyung na namumungay ang mga mata, tama talaga ang hinala ko nakipag-inuman na naman ito kay Jimin. Saglit akong tumitig sa kanya, pero mabilis ko nang iniiwas ang paningin ko ng tumingin din ito sa akin.

"Ba-kit gising ka pa?" Malumanay na tanong niya sa akin, pagkatapos ay umupo ito sa kanang bahagi ng kama at umupo doon upang magtanggal ng suot nitong sapatos.

Napansin kong hindi naman pala ito masyadong lasing.

"Ahm, Hindi pa kase ako inaantok" Sagot ko na sinikap na maging natural lang ang tono ng boses ko.

"Hinihintay mo ba ako?" Bahagya akong nilingon nito sabay ang mapanuksong pag-ngiti niya sa akin. At muli akong tinalikuran.

"At bakit naman kita hihintayin?" Sagot ko.

Napalingon ito muli sa akin, kaya inirapan ko siya, Tinignan ako nito pagkatapos ay bumaba ang mga mata nito sa malaking umbok ng tiyan ko, nakita ko na naman sa mga mata niya ang labis na pagmamahal na iniuukol nito para sa nalalapit na paglabas ng anak niya sa akin.

"Bawal sa'yo ang magpuyat diba?" Tanong niya ulit.

"Hindi naman ako nagpupuyat, atsaka pwede ba wag mo ako paalalahanan ng mga dapat kong gawin!" Biglang ang pagkainis na dumaloy sa katawan ko, naiinis ako na parang iniisip ni Taehyung na hindi ako sumusunod sa sinasabi ng doctor ko at pinababayaan ko ang magiging anak niya.

"Bakita ba ganyan ka? Nag-aalala lang naman ako sayo
at sa--"

"At sa magiging baby mo ganon ba? Dito ka lang naman talaga concern sa magiging anak mo!" Sarcastic na pagtuloy ko sa sinasabi niya.

"Tsk, dapat pala hindi nalang ako umuwi, Jennie ano ba talagang gusto mong gawin ko? Bakit ba palagi mong inaalis sa akin ang ganong pakiramdam, I'm just worried at hindi lang yun dahil sa bata!" Naiiritang saad niya sa akin, napatayo ito at napakapamewang na humarap sa akin.

Tinitigan niya ako ng matagal na hindi ko rin iniwasan bago napabuntung-hininga na para bang pagod na pagod na.

"Matulog ka na Jen, I'm sorry" pagkatapos ay tumalikod ito at lumakad papunta sa isang kwarto na damitan namin, sa kwartong yun kung saan nandun narin ang banyo.

Napamaang ako ng sabihin niya iyon, At bakit ba ito nanghihingi ng sorry sa akin?

Umayos ako nalang ako ng higa at pinatay ang isang lampshade sa tabi ng kama ko. Upang paglabas ni Taehyung makita niyang tulog na ako, ayoko naring makipagtalo pa sa kanya.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sarili ko na makatulog pero hindi talaga ako dalawin ng antok. Hanggang sa naramdaman ko ang paglundo ng kama sa kabilang side kung saan ang pwesto ni Taehyung.

Pinakiramdaman ko ito. Narinig ko ang paghinga nito ng malalim, maya-maya naramdaman ko din ang bahagyang pagyugyog ng kama namin, naisip kong tumalikod ito sa akin para matulog na.

Pero nagulat ako at napaawang ang mga labi ko nang maramdaman ko ang paghaplos nito nang maingat sa tiyan ko. Nagkunyari nalang akong natutulog na at hinayaan ito.

"Jen, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na magkakaroon na tayo ng sarili nating anak, hindi na ako naghahangad ng kung ano paman noon lalo na ang mahalin mo, pero pinagkaloob naman ng diyos na mangyari na magkaroon tayo ng anak. Sana lang ibigay niya na rin sa akin ang matagal ko nang gustong mangyari, Sana nga pagising mo kinabukasan.. ako na ang mahal mo, pwede kayang mangyari yun Jen?"

Hindi ko alam pero bigla akong tahimik na napaluha dahil sa mga sinasabi niya sa akin.

Hanggang sa narinig ko muli siyang nagsalita.

"Goodnight Jen, I love you, ikaw si Enzo at ang magiging anak natin" pabulong na sambit niya pa sa akin.

Inantay kong muli itong magsalita pero ilang minuto na hindi pari ito nagsasalita, kaya dahan-dahan kung itong nilingon , nakita kong nakapikit na siya at kaya pala tumahimik na ito dahil nakatulog na.

Napangiti ako, akala ko ba hindi ito masyadong lasing, pero sa tingin ko lasing ito dahil sa mga sinasabi nito sa akin O baka naman talagang inakala nito na tulog na ako kaya malakas ang loob niyang sabihin ang mga iyon sa akin.

"Goodnight Taehyung" pabulong na sambit ko rin sa kanya, habang nakamasid ako sa mukha nito. " Kung pwede nga lang igrant ko ang wish mo na ikaw nalang ang mahalin ko" pabulong ulit na dugtong ko,

Muli akong napangiti hanggang sa maramdaman ko na ang antok habang nakatitig parin sa gwapong mukha nito na mahimbing nang natutulog habang nakandatay parin ang isang kamay niya sa tiyan ko at para namang may isip na ang baby na nasa loob ng tiyan ko dahil napakislot ito nang maramdaman nito ang paghaplos ng Daddy niya sa kanya..


🎶 Araw araw kang lumuluha,
sa akin ay nagmamaka-awa.
Noo'y di'narinig pagsamo mo

Bakit pa ba nagawa,
Nasaktan ko ang isang tulad mo
na labis na nagma-mahal.
Di napansin na wala,
Katulad ang alay ng pag-ibig mo,
sa akin
Ako sana muli ay patawarin

Kay tagal akong,
bulag sa katulad mo.
Gayong wagas yaring
pag-ibig mo.. 🎶

BAKIT PA BA
By; Jay-r

...........

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon