Chapter 57 Say That You Love Me

60 3 0
                                    

💕 It's amazing how
someone can break your heart
But, you still love them
with all the little pieces.. 💕

Jungkook' s pov;

- Hindi ko alam kung bakit ba bigla kong naisip na pumunta dito sa tabing dagat, Wala naman talaga akong balak maligo gusto ko lang lumayo saglit sa kasiyahan doon dahil alam kung nandoon din ang babae na until now ay nagpapagulo parin sa takbo ng buhay ko Or should I say sa isip at puso ko.

Napapikit ako at pinilig ang ulo ko, upang kalimutan ang itsura niya pero parang nananadya naman na lalong pumasok sa isipan ko kung ano ang suot nito ngayon.

She's wearing denim shorts na may mga hilab ang dulo at halos lagpas na sa kalahati ng hita nito ang igsi, na pinartneran nito ng isang manipis na green polo blouse na kita pa ang tiyan nito. Naiimagine ko din na hawak-hawak ko ang napakaliit na bewang niya.

"Shit!" Napamura ako ng malakas dahil sa isipin na iyon.

Nang napahinahon ko ang sarili ko nakatungo akong naglakad-lakad nalang sa gilid ng dalampasigan. Hindi ko na inalintana kung napalayo na ba ako dahil pahina na nang pahina ang naririnig kong ingay na nagmumula sa party na iyon ni Jin.

Hanggang sa napahinto ako sa paglalakad at tumanaw sa malawak na karagatan. Naisip kong bumalik na muli sa party iginiya ko na ang sarili ko pero muli akong napatigil nang may maaninag akong isang babaeng nakatayo mula sa pinangaligan ko kanina,hindi ko ito masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim. mabagal ang mga hakbang kong bumalik kung saan ako nakatayo kanina at habang naglalakad ako palapit sa babaeng iyon na nakaupo na ngayon sa dalampasigan at nakatanaw din sa malawak na karagatan. Ramdam ko naman ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Habang palapit ako lalong lumalakas ito at nang maaninag ko na ang mukha niya saka ko lang naintindihan kung bakit parang aatakihin na naman ako dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko... Dahil malapit sa akin ang babaeng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang direksyon ang buhay ko...

Nang maramdaman siguro nito na may mga matang nakamasid sa kanya mabilis itong napalingon sa gawi ko.

Nakita ko muli ang gulat sa mukha niya everytime na magkikita kami. Pero muli nitong itinuon ang paningin sa dagat na alam kong napilitan itong gawin upang makaiwas sa mga mata ko.

Naisip kong maupo na rin pero medyo malayo sa kanya. Hinawakan ko pa ang puso ko upang pakalmahin ito. Bago huminga ako ng malalim. At lakas loob na binasag ko ang katahimikan na bumabalot sa amin.

"What are you doing here?" I coldly said to her, pinilit ko ding hindi mautal ayokong isipin niya na natataranta parin ako sa tuwing makikita ko siya katulad noon.

"N-Nothing" pautal na sagot niya sa akin.

"Bakit mo ako tinakbuhan nung makita kita sa bar ni Bambam? Are you... afraid of me? " magkasunod na tanong ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya nang sabihin ko iyon. Nakita kong nakayuko ito at nilalaro ang laylayan ng shorts na suot niya.

"At bakit naman ako matatakot sa'yo?" Mahinang sagot muli niya sa akin.

"Ahm, wala.. akala ko kase kaya ka tumakbo dahil naalala mo ang ginawa mo noon sa akin nung panahong pinaasa mo ako na.. mahal morin ako" direktang sabi ko sa kanya.

Napataas naman paningin niya at tumitig sa akin na hindi ko naman iniwasan.

"Bakit mo yun ginawa sa akin Lisa? Alam mo bang halos madurog ang puso ko that time, kaya ipinangako ko sa sarili ko na kalimutan ka at kahit kailan hinding-hindi na kita ulit mamahalin pero... "

"Stop it Jungkook" putol niya sa pagsasalita ko nakita kong kumislap ang mga mata niya dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan.

Tumigil naman ako at nakipagtitigan sa kanya.

Hanggan sa bigla itong tumayo at akmang maglalakad na nang mabilis pero mabilis din akong tumayo upang pigilan ito dahil hindi pa ako tapos magtanong sa kanya. Nang maabutan ko ito I grabbed her arms na nagpatigil sa kanya at napalingon sa akin, nakita ko ang mga luha na dumadaloy ngayon sa pisngi niya. Ako ba ang dahilan nun? Biglang kong naitanong sa isip ko.

"J-Jungkook.. Let me go! " She said to me.

"Tell me Lisa, minahal morin ba ako? I need to know, para alam ko kung dapat ko na bang itigil ang kabaliwan kong ito ng dahil sayo..!" Pagalit na tanong ko sa kanya.

Bigla naman itong tumigil sa pagpipilit na matanggal ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa braso niya at naiiyak na tumingin sa akin, bago sinagot ang tanong ko na nagpahinto sandali ng mundo ko.

"Hindi! " Sigaw niya.


Napaluwag ang hawak ko sa braso niya kaya napatingin si Lisa dun hanggan sa unti-unti ko na ngang binitiwang iyon.

Muling bumalik ang tingin niya sa akin this time mas nagtuloy-tuloy na ang patak ng mga luha niya habang nakatingin sa akin.

"You're lying" I said to her.

Pilit kong pinipigilan ang namumuong mga luha ko na gustong tumulo, Ayokong muli niyang makita na until now ay nasasaktan parin ako, At kung totoo ngang iyon nararamdaman nito para sa akin, Ayokong sa pangalawang pagkakataon muli na naman akong umiyak ng dahil sa kanya.

Pero bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakikita ko na... Mahal niya rin ako..

~~~~~~~

🎶 Just smile for me
And let the day begin
You are the sunshine
That lights my heart within

And I'm sure that you're
An angel in disguise
Come take my hand
And together we will ride

On the wings of love
Up and above the clouds
The only way to fly
Is on the wings of love
On the wings of love
Only the two of us
Together flying high
Flying high upon
The wings of love

You look at me And I begin to melt Just like the snow
When a ray of sun is felt
I'm crazy 'bout you baby
Can't you see?
I'd be so delighted
If you would come with me...🎶

ON THE WINGS OF LOVE
By; Regine velasquez

...........

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon