💕 Love is such a beautiful thing. It can color your life like no happiness ever can. It can bring emotions to your heart you never thought existed.. 💕
Taehyung's pov;
-"Miss Tzuyu" Una kong sambit sa pangalan niya. Pagkatapos ay malapad akong napangiti.
"Mr--" pabitin na sambit nito na parang inaalala ang pangalan ko kaya kusa ko na itong sinabi sa kanya.
"Taehyung, yan yung name ko" natatawang paalala ko sa kanya. Malapad naman itong napangiti sa akin.
"Do you know each other?" Biglang reaction na tanong ni Namjoon sa kanila, sabay ang paglipat ng tingin nito kay Tzuyu.
"Ahm, Yes, siya ang nakakita kay Enzo, nung nawala ito" paliwanag ko.
"Kayong dalawa, magkakilala din pala" nakangiti tanong din nito kay Namjoon.
"Ahm, yeah, He's my boss sa company niya ako nagtra-trabaho, siya ang CEO at ang may ari ng Kim's auto assembly and trading company" masayang inform ni Namjoon dito.
"Taehyung, Siya yung sinasabi ko sayo na pinsan ni Nayeon at ang may-ari ng restaurant na ito" masayang pagbibigay information pa ni Namjoon sa akin, napatango ako sa kanya at ngumiti.
"Ow, So, ikaw pala ang kinukuwento sa akin ni Nayeon na boss ni Hoseok at si Nayeon na naging private nurse ng anak mong si.. Enzo, and speaking of Enzo, how is he?" Masiglang pangangamusta niya kay Enzo.
"He's fine, pero mukhang nagka-phobia yata siya, kase ayaw na niyang pumunta sa matataong lugar, but he is okay" pag-amin ko kay Tzuyu.
Napansin kong Medyo nalungkot ang mukha nito.
"Kung hindi mo mamasamain or ng wife mo can I visit Enzo? Nakakatuwa kase ang anak mo napakabibo, I guess may pinagmanahan talaga" sabi niya na biglang sumaya ang mukha. At bahagyang tumawa.
Napatitig ako sa paraan ng pagtawa niya, I have this feeling na parang ang sarap lang niyang titigan dahil siguro maaliwalas ang aura nito at mukhang palakaibigan, I said yes to him, sinabi ko sa kanya na susunduin ko nalang siya dito sa restaurant niya kung kailan niya gustong pumunta sa bahay namin.
"Can I--, have your number para tawagan nalang kita" She said, na parang nag-aalangan.
Napatingin ako saglit kay Namjoon na patagong nakangiti. Ano bang iniisip nang lalaking to?
"Sure" napilitan kung sagot, naisip ko ding wala namang masama, atsaka si Enzo naman ang gusto nitong makita. Ibinigay ko sa kanya ang calling card ko. Pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Namjoon dito.
Nang makasakay na kami sa kotse biglang kong tinanong si Namjoon.
"Wala bang boyfriend si Tzuyu?"
Nakakunot noong tanong ko kay Namjoon, para naman itong tanga na abot tenga ang pagkaka- ngiti. Litaw na litaw tuloy ang malalim nitong dimple. Kung naging babae siguro ako yun ang una kong magugustuhan sa kanya, pero dahil nga sa lalake ako kaya, mukha siyang engot para sa akin.
"Why are you asking? Don't tell me balak mong pormahan yun? Malalagot ka kay Jennie" pabirong sabi niya, sabay nang nakakalokong pag-ngiti muli nito sa akin.
"Pwede ba wag kang malisyoso?" Sabi ko sabay matalim na tinignan siya. "Tinatanong kita dahil baka may biglang sumuntok sa akin kapag sinundo ko na siya" dugtong ko at pagkatapos ay naiinis na inirapan ko ito.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko ng sumagot ito sa akin.
"Ang alam ko wala, kaya malaya kang sunduin siya, but I'm warning you Taehyung, wag kang ma-iinlove sa kanya! Siguradong masasaktan si Jennie, kapag na-attract ka pa sa iba" Kalmado lang na saad niya sa akin.
Napalingon ako saglit sa kanya at hindi nalang inintindi pa ang mga sinabi nitong walang kabuluhan, But how I wish na sana nga makita kong masaktan man lang kahit konti si Jennie kapag nalaman nitong na-attract ako sa iba.
Pero alam ko namang malabong makaramdam ng ganon sa akin si Jennie, hindi ba nga ito pa ang nagtutulak sa akin upang wag siyang mahalin, kaya sigurado akong kahit makita pa nitong maging close kami ni Tzuyu baka ikatuwa pa niya iyon dahil mayroon na itong dahilan para iwanan ako.
Malungkot kung itinuon ang atensyon ko sa daan. Kailan ko kaya makikita si Jennie na nasasaktan at umiiyak para sa akin?
~~~~~~~
🎶 My morning starts to shine
with teardrops in my eyes
And here I am alone starting to realize
That my days would be brighter,
if I could learn to hide
The feelings that I have for you
keep hurting me insideThen my day begins with simple thoughts of you
Hoping my tomorrow
would be me and youSharing dreams with each other and making them come true
Holding one another,
saying all I need is youBut will you
SAY THAT YOU LOVE ME
and show me that you care
Say when I need you, you will always be there
But if you go and leave me,
this I swear is true
My love will always be with you..🎶SAY THAT YOU LOVE ME
By; Kyla / Jay-r
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...