💕 It hurts to say
goodbye to a person
you love
Knowing that life
Wont be the same
without him...💕-" What are you talking about? He asked staring at me.
"Ano bang kalokohan yang sinasabi mo? At kaninong lalake ka naman magpapakasal?" Kalmadong tanong niya pa sa akin at bahagyang inilayo ang sarili habang nakangiti.
"Kay T-Taehyung." Mahinang Sambit ko habang umiiyak.
Tinitigan niya ako ng maigi at nang makita niya sigurong ang sakit na nakabalatay sa mukha ko, biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Napalitan Iyon ng galit.
"Pinilit ka ba ng Daddy mo? Siya ba ang nag-utos sayo para magpakasal sa lalakeng yun!?." Pasigaw niyang tanong sa Akin.
Napapikit nalang ako kasabay ng pagyuko ng ulo ko, ayokong makitang nagagalit siya ng ganito.
"I'm asking you Jennie!" Matigas na utos niya pa sa akin.
Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"I have no choice," Nasabi ko sa kanya habang umiiyak.
"You have no choice?" pag-ulit niya sa sinabi ko.
Napatawa ito ng pagak, pagkatapos ay napailing at pagalit na tinignan ako. Tumalikod ito at naglakad papunta sa living area ng bahay niya, kaya naman napasunod ako sa kanya.
"Eun Woo, alam mong hindi ko gugustuhing magpakasal sa iba." Sabi ko sa kanya ng huminto ito sa living area niya.
"You have no choice, pero magpapakasal ka na sa ibang lalake, tapos sasabihin mo sa akin na you have no choice, sa lagay na yan hindi ka pa nakapamili?" Asik na sabi niya sa akin.
"I love you and you know that but ...."
"If you love me, why don't you choose me and our relationship?," Sumbat niya bigla, ni hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko sana.
"6 years Jen, matatapos lang ba nang ganon yun?, paano ako? inisip mo ba kung anong mararamdaman ko? Tingin mo ba kaya kong mabuhay ng wala ka at nasa piling ng ibang lalake? sana sinabi mo nalang sa akin na mamatay na lang ako!." He shouted again at Napaiyak na siya habang sinasabi iyon sa akin.
It hurts me to see him this way, pero ano bang dapat kong gawin? Unti-unti akong lumapit sa kanya habang napaupo ito sa isa sa mga couch dito.
Lumuhod ako sa harap niya habang umiiyak. Pilit kong inaangat ang mukha niyang nakayuko habang umiiyak.
"Eun Woo, Mahal na mahal kita, hindi ko din kayang iwanan ka. Magpapakasal ako hindi dahil sa gusto ko si Taehyung, Mahal ko rin ang parents ko alam mo yan, pwede rin naman kaming mag-divorce kapag naging okay na ulit ang kumpanya namin at ako, ako na mismo ang magpapatakbo nun pag-aaralan ko kahit mahirap. pagkatapos pwede na ulit tayo diba?" Mahabang paliwanag ko sa kanya, kahit na walang kasiguraduhan kung papayag nga si Taehyung na makipag-divorce sa akin.
Dahan-dahan naman itong napatingala at tumitig sa akin.
"Bakit sa kanya pa?, paano kung matutunan mo siyang mahalin? Alam nating parehas na matagal na siyang naghihintay sayo. Hiningi ka ba niya sa Daddy mo?" Malamig na tanong niya sa akin.
"At alam mo ring kahit kailan hindi ko siya ginusto. Ikaw lang ang lalake na pinangarap ko. Eun Woo alam mo yan, kaya wag kang magduda sa pagmamahal ko sayo." Napaiyak ulit ako habang sinasabi sa kanya ang mga katagang iyon.
Lumambot naman bigla ang expresyon ng mukha niya na nakatingin sa akin, hinaplos nito ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang halos ayaw nang tumigil.
"Promise me Jen, na hindi magbabago pagmamahal mo para sa akin, at hindi mo ako iiwan, can you promise me that, Babe?"
"I pr0mise, Ikaw lang at kahit kailan hindi ko siya matututunang mahalin." I wholeheartedly promise him.
Matapos yun ay ang mainit na paghalik niya sa mga labi ko na buong puso ko ring ipinaubaya sa kanya, hanggang sa palalim na ng palalim ang paghalik niya sa akin na nagpapatuliro na sa utak ko.
Pero bigla siyang napatigil sa paghalik sa akin, upang akayin ako papasok sa silid niya na maraming beses nang naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa. At kahit maraming beses pa na maulit ito ay hinding-hindi ko pag-sisisihan na sa kanya ko unang ipinag-kaloob ang aking sarili.
~~~~~~~
🎶 Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibigHanggang kailan ako maghihintay na para bang
walang iba sa piling mo?
Nasa'n ka man
Sigaw ng puso ko ay
ang pangalan mo..🎵SA NGALAN NG PAG-IBIG
By; December Avenue~~~
Paxncia na ulit sa mga wrong grammar✌
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...