💕What do you do when the only one who can make you stop crying is the one who is making
you cry?.. 💕Taehyung's pov;
"Taehyung ano sa tingin mo?"
Napapitlag ako sa biglang tanong na iyon ni Namjoon sa akin. Napakunot ang noo kong napatingin lang sa kanya. Pilit kong inaalala kung ano ba ang mga pinagsasabi niya sa akin ngayon.
Dahil sa nangyari sa amin kagabi ni Jennie, parang nawala ako bigla sa sarili ko hindi ko nga alam kung paano ako nakarating ngayon dito sa opisina ko. Halos hindi ako nakatulog kakaisip ko kay Jennie at sa paghalik ko sa kanya kagabi, pero ang mas lalong hindi nagpatulog sa akin ay ang huling sinabi niya na lalong nagpadurog sa puso ko, Ang sabihin niyang hindi niya talaga ako kayang mahalin.
"Taehyung, are you listening?" tanong ulit niya sa akin.
"Ha? I-Im sorry. Ano ba ulit yung sinabi mo?" Matamlay na tanong ko sa kanya, napabuntong-hininga ito at matiim na tumingin sa akin.
"Haist, kanina pa ako explain ng explain dito tapos hindi ka naman pala nakikinig. May problema ka ba? At parang wala ka sa sarili mo ngayon" mahabang reklamo niya pa sa akin.
"Ahm, nothing.. Im okay, Paki-ulit nalang yung mga sinabi mo" sagot ko.
"Ang sabi ko baka pwedeng ilabas na natin ang mga bagong design ng kotse na nagawa na namin, marami nang kliyente natin ang naghihintay sa paglabas nito"
Pag-uulit nga nito sa mga sinasabi niya kanina na hindi ko pinagtutuunan ng atensyon.
"Atsaka kailangan narin nating mag-export ngayon sa US baka matambakan na tayo ng mga orders niyan" Dugtong pa niya, Nakatitig lang ako sa kanya habang panay ang salita niya sa akin, Lahat naman ng sinasabi niya ay parang nakalutang lang lahat sa pandinig ko dahil hindi iyon nagsisink-in sa utak ko.
"What now?" Napaawang ang mga labi ko nang magtanong ulit siya sa akin dahil hindi ko malaman kung anong tamang isasagot ko sa kanya.
"Okay" Yun nalang ang naisip kong isagot sa kanya upang matapos na ang pag-uusap namin. Kahit na hindi ko maintindihan ang ibang mga sinabi niya pa. Malaki namang ang tiwala ko kay Namjoon siguradong kahit iyon lang sinagot ko magagawa na nito ng maayos ang lahat, pagdating sa pag-didisenyo ng mga kotse pinauubaya ko na iyon sa kanya.
Napailing nalang si Namjoon sa akin, pagkatapos ay tumayo na ito sabay dampot sa mga portfolio na dala niya. Pero bago ito umalis ay nagbigay pa ito ng payo sa akin.
"Taehyung, If you have any problem, sana wag mong dalhin dito sa kumpanya mo, kase baka makagawa ka nang isang maling desisyon at dahil dun maraming kang pwedeng madamay" Napatanga naman ako dahil sa sinabi na iyon Namjoon, hanggang sa tuluyan na itong nakalabas, Then may bigla akong narealise dahil sa sinabi niyang iyon.
Naisip ko bigla ang kasal namin. ni Jennie. Mali nga ba talaga ang naging desisyon ko nang pumayag akong pakasalan si Jennie? At dahil dun nasira ko ang relasyon nito at ni Eun Woo.
Malungkot akong napangiti nang may nabuo akong desisyon na alam kong ikatatahimik nang lahat.
***
Jennie's pov;
"Lisa, may lakad ako mamayang gabi, wedding anniversary ng parents ni Taehyung pwede bang ikaw nalang maghatid nito sa bahay ni Eun Woo" hingi ko ng favor kay Lisa, bumili kase ako ng ilang pirasong mga branded necktie para kay Eun woo, kasabay ng pagbili ko rin para sa ireregalo ko sa parents ni Taehyung.
Kung ako lang masusunod ayoko talagang pumunta sa party ng parents ni Taehyung pero dahil alam kong pupunta din doon ang Parents ko kaya no choice ako kung hindi pumunta, ayokong mag-isip na naman ang Daddy ko na magkasama kami ni Eun Woo dahil hanggang ngayon natatakot parin ako sa sinabi nitong pagtangal kay Eun Woo sa trabaho niya bilang isang piloto at kilala ko ang Daddy ko alam kung madali lang para sa kanya ang gawin iyon dahil marami itong mga kakilala.
"Okay, bukas pa ang uwi ni Eun woo di ba?" Tanong niya habang nakatingin ito sa harap ng laptop niya.
"Oo, Pero baka kase hindi kami magkita bukas" Napatingin naman siya sa akin na parang may pagtataka.
"Nakabantay na kase si Taehyung at ang Daddy ko, Ang alam kase nila pinutol ko na ang ugnayan namin ni Eun Woo, baka kapag nalaman nila lalo na ni Dad madamay pa ang trabaho ni Eun Woo" Paliwanag ko at tipid siyang nginitian. Napatango-tango lang ito saakin at isang malungkot na ngiti lang din ang sinukli niya sa akin.
Pagkatapos kong iabot iyon sa kanya bumalik na agad ako sa office ko upang tapusin na ang mga ginagawa ko.
Then suddenly my phone rang, naiinis na inabot ko iyon upang sagutin when I grabbed nakita ko ang pangalan ni Taehyung na rumehistro. Ilang segundo ko muna iyong tinitigan dahil nagdadalawang isip pa ako kung sagutin iyon, bigla ko ring naalala ang ginawa nitong paghalik sa akin.
Naisip kong sagutin nalang iyon ayokong isipin niya na apektado ako sa ginawa niyang paghalik sa akin last night. Pabalang na sinagot ko iyon. "What?" I said. Then narinig ko ang paghigit nito ng paghinga bago nagsalita.
"I just want to remind you yung party para mamaya" he said calmly.
"I told you na pupunta ako kaya hindi mo na ako kailangan pang tawagan para lang iremind iyan sa akin" Naiinis na sabi ko sa kanya.
Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko at muling nagsalita.
"Baka kase magpa-late ka na naman" He added in a sweet tone.
Ano na naman bang gustong palabasin ng lalakeng ito at bakit ganito siya magsalita? Nakakairita..
~~~~~~~
🎵Wag magtaka kung ako ay di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay mong pag-ibig
Kulang man ang iyong pagtingin
Ang lahat sayo'y ibibigay
Kahit di mo man pinapansinWag mangamba, hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Sadyang ganito ang nagmamahal
Di ka dapat mabahala
Hinanakit saki'y walang-wala.At kung hindi man dumating sakin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin Asahan mong di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
Wag mo lang ipagkait, na ikaw ay aking mahalin...🎶WALANG KAPALIT
By; Piolo Pascual
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...