Chapter 43 Say That You Love Me

50 4 0
                                    

💕 Whatever you going through
right now has purpose.
Let thing's happen and
move on.. 💕

Taehyung's pov;

-Kanina pagdating ko sa conference meeting halos hindi ko naintindihan ang mga sinasabi ni Namjoon habang nagpre-present ito ng mga panibagong idea na gagawin para sa design ng mga kotse na ilalabas ngayong taon.

Nag-aalala ako para kay Jennie at sa kalusugan nito, kanina nang naabutan ko itong nahihirapan dahil sa pagsusuka parang akong namimilipit pakiramdam ko pati ako nahihirapan sa nangyayari sa kanya. Ayaw pa nitong magpadala sa hospital na lalong nagpapa-alala sa akin. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang makita ko ang pagpasok ni Hoseok sa opisina ko.

"Taehyung, ito na yung mga papeles na kailangan nang aproval mo" nakangiting lapag niya ng mga papeles sa ibabaw ng office table ko.

Napatitig ako bigla kay Hoseok dahil meron akong naiisip.

"Hoseok, di ba nurse ang girlfriend mo? Si nayeon" tanong ko bigla sa kanya na nagpakunot pa nang noo nito.

"Oo, bakit?" Balik tanong niya sa akin.

"Can I hired her? Para maging private nurse ni Jennie? " Mabilis na tanong ko ulit sa kanya.

"May sakit ba si Jennie?" Nag-aalalang tanong din niya sa akin.

"Ahm, ano kase lately hindi nga maganda ang pakiramdam niya, ayaw naman niyang magpatingin sa doctor dahil ayaw niya ng amoy ng hospital, tingin mo papayag si Nayeon, dodoblehin ko ang bayad sa kanya" mahabang paliwanag ko pa kay Hoseok.

"Pwede naman, pero kakausapin ko muna siya kung okay lang din ba sa kanya" sagot niya sa akin.

"Please, Hoseok, I need her immediately" pakiusap ko din dito.

"Don't worry, tingin ko papayag yun, mas maganda nga yun isang pasyente lang ang aalagaan niya" nangingiting sabi naman nito sa akin.

Nangingiti ko din naman itong tinanguan, then umalis na ito upang bumalik na sa table niya.

***

Jennie's pov;

"Manang" mahinang tawag ko sa matagal nang maid nila Taehyung, naisipan kong bumaba dahil sa pagkalam ng sikmura ko na para pang nangangasim na hindi ko maintindihan, pinuntahan ko ito sa kusina na mukhang abala sa paghahanda ng agahan namin.

"Mam, Jennie" pagulat na sambit niya sa pangalan ko, hindi siguro ito makapaniwala na bumaba ako mula sa silid ko, halos mag-iisang linggo din kase akong nag-kukulong sa kwarto ko.

"Ahm, ano ho bang pwedeng kainin jan, nagugutom na kase ako" para pang nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Ano bang gusto mong kainin?" Natutuwang tanong naman niya sa akin.

"Kahit ano ho" kiming sagot ko

"Maluluto na ito sige na, maupo ka na dun" nangingiting utos niya sa akin.

Maya-maya nga naglagay na ito ng pagkain sa lamesa at inasikaso ako sa pagkain, habang abala naman ako sa pagkain, nakarinig ako ng mga yabag galing sa hagdan pababa, nagkibit balikat lang ako at muling ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Good morning Sir, Taehyung!" Rinig kong sambit ni Manang. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong tignan ito.

"Jen, mabuti na ba pakiramdam mo?" Mahinahong tanong niya sa akin, naramdaman ko ang pag-upo niya sa kabilang side ko. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Oo nga pala, kilala mo si Hoseok diba? Yung girlfriend niyang si Nayeon, Hinired ko siya para maging private nurse mo" pagbibigay inform niya sa akin na nag pabaling ng atensyon ko sa kanya, I gave him a confused look.

Para namang nabasa niya ang nasa isip ko kaya muli itong nagsalita.

"Lately kase, hindi ka okay, kaya I decide na you need a private nurse para narin... "

"At sino ka naman para magdesisyon sa mga dapat kong gawin?" Malamig na putol ko sa sinasabi niya.

"Yung nangyari sayo kahapon nag-aalala lang kase ako, masama bang mag-alala ako para sa asawa ko?" Naiinis na binagsak ko sa lamesa ang hawak ko na kutsara at mabilis na tumayo nang sabihin niya iyon.

"Hindi ko kailangan ng private nurse, I'm okay, bukas papasok na ako sa office, "  sabi ko sa kanya pagtayo ko, pagkatapos ay umalis na ako upang umakyat muli sa kwarto ko na hinayaan naman nito dahil hindi na niya ako muli pang kinulit.

"Ano bang pumasok sa ulo niya at bakit kailangan niya pa akong ikuha nang private nurse?" Naiinis na sambit ko sa sarili ko napabuga pa ako ng hangin dahil sa inis kay Taehyung.

Natanaw ko ang cellphone ko at biglang pumasok sa isip ko si Lisa, bigla din akong nakaramdam ng lungkot, marami na akong pagkukulang sa negosyo naming dalawa pero nagpapasalamat ako at nandun si Lisa para asikasuhin iyon.

Matamlay kong inabot iyon na nakapatong sa ibabaw ng maliit na table sa gilid ng kama ko upang tawagan si Lisa. Nakailang ring din iyon bago nito sinagot ang tawag ko.

[Jen, buti naman tinawagan mo na ako, miss na kita. ] bungad na sabi niya sa akin sa phone nahimigan ko din sa boses nito ang tuwa sa pagtawag ko sa kanya, lagi ko kaseng iniiwasan ang mga tawag niya.

"Hi, ahm.. Lisa, pwede ba tayong magkita ngayon?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

["Really? Oo naman"] masayang sagot nito sa akin.

Nagpasya na sa isang park nalang kami magkita, namimiss ko naring makalanghap ng sariwang hangin. At gusto ko sanang magpasama dito sa pagpunta sa puntod ni Eun Woo dahil kung ako lang mag-isa siguradong hindi ko iyon kakayanin...

~~~~~~~
🎵 I miss you like crazy
Even More than words can say
I miss you like crazy
Every minute of every day
Boy I'm so down when your love's not around
I miss you, miss you, miss you
I miss you like crazy

You are all that I want
You are all that I need
Can't you see how I feel
Can't you see that my pain's so real

When I think of you
I don't know what to do
When will I see you again.. 🎵

MISS YOU LIKE CRAZY
By; The Moffatts

..............

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon