💕 It is sad not to love,
but it is much sadder
not be able to love... 💕Taehyung's pov;
Pagdating namin dito sa bahay akala ko bubuhatin ko na naman si Jennie papasok, Pero kusa rin siyang nagising ng tawagin ko siya.
Walang lingon-lingon na bumaba ito ng kotse at malakas pa niyang isinara ang pintuan ng kotse ko.
Napailing nalang ako at bumaba narin para sumunod sa kanya sa loob ng bahay. Naabutan ko itong papunta ng kusin upang kumuha ng tubig sumunod parin ako sa kanya. Minamasdan ko lang siya habang umiinom ito.
Bahagya pa akong nagulat ng humarap ito sa akin at mataray akong tinignan. Pero hindi ko iyon inintindi bagkus tinanong ko siya kung gusto ba niyang kumain.
"Pwede ba Taehyung, Tigilan mo na ang pag-arte bilang asawa ko. Nakakairita na." Pagalit na sigaw niya sa akin.
" Why do I even have to pretend to be your husband? eh asawa mo naman talaga ako. " Pang-iinis ko na sagot ko naman sa kanya.
Napahawak ito sa ulo niya at napapikit bago huminga ng malalim.
"At bakit ba naisipan mong magsasayaw dun? Hindi mo ba naisip na pwede kayong mabastos ni Lisa." Kalmadong pagsita ko rin sa kanya.
Bigla naman itong napadilat at tumingin sa akin at napakunot ang noong nagtanong sa akin.
"Where is Lisa? Ang sabi mo kanina si Jungkook ang bahala sa kanya? My god Taehyung baka kung ano nang ginawa niya kay Lisa." para itong nag hehesterical sa pag aalala dahil sa sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Bakit ba ang bilis mong manghusga ng tao?" Ako naman ang nakaramdam ng inis sa kanya dahil sa pag-iisip nito ng hindi maganda kay Jungkook.
"Because you're just the same!" Her voice is loud again.
"At sino lang ba para sa'yo ang matino? Si Eun Woo ba?" I try not to raise my voice back to her, but I fail.
She glares at me, nang marinig niya ang pangalan ni Eun Woo bago muling nagsalita.
"Yes, And I don't wanna talk to you anymore!" Pagkasabi niya nun ay lumihis na ito upang umakyat sa kwarto niya.
Hindi ko na siya muli pang sinagot, hinayaan ko na lang siyang umakyat sa kwarto niya para na rin makapag-pahinga ito.
***
I called Jungkook when I went up to my room. Mabilis rin naman iyong sinagot nito.
"Jungkook, si Lisa nahatid mo ba?" Tanong ko agad sa kanya.
[" Hindi"] Parang matamlay na sagot niya din agad sa akin.
"What? Where is she? " Curious na tanong ko.
["Mabilis siyang tumakbo palabas ng Bar, then nung hinabol ko nakita kong pasakay na siya sa kotse niya."] Paliwanag niya sa akin. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"Sige na, magpahinga ka narin, goodnight" Paalam ko na sa kanya. Ramdam ko ang frustration niya. Alam kong mahal parin nito si Lisa. Then I ended the call.
Muli ko na namang naisip si Jennie, Humiga ako sa kama ko, mas masarap sanang matulog dito kung katabi ko siya. At kailan naman kaya mangyayari yun? Hanggang kailan ba ako maghihintay sa babaeng yun?.
Pumikit na lang ako upang matulog nalang kahit na alam kong maski sa panaginip ay makikita ko siya.
~~~~~~~
🎵 Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langitHuwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabikSa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin.. 🎶NGITI
By; Ronnie Liang{ Libre po kayong mag-comment about sa stories na ito kung may mga mali }
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...